MITSUKI’S POV Bumalik na kami sa table namin at nakita kong nagkukuwentuhan ang dalawa. Nang makita nila kami ay ngumiti sila sa amin at saka kami umupo ulit. Tumingin ako kay Sir Tyler at yumuko ako sa kanya at saka ako tumingin sa orasan ko. “We have to go na po pala Sir,” sabi ko at sala tumingin kila Angelique. Sinenyasan ko sila na magpaalam na pero si Angelique ay parang ayaw pang umalis sa kinalalagyan nya. Tumayo ako at saka ko hinawakan ang kamay ni Angelique at hinila ito papalabas ng restaurant at sumunod na rin sila Gladys. Nang makalabas ay agad akong nagpara ng taxi at nang buksan ko ‘yon ay napasinghap ako nang bigla na lang may nagsara nito at napatingin ako sa taong ‘yon. Napasapo ako sa dibdib ko at saka ako dumistansya. Tinignan ko si Zett at tumingin sya kay Sir

