MITSUKI’S POV Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko at para akong nasa isang telenovela at ako ang bidang babae habang si Sir Ashton naman ang bidang lalake. Lumapit ako sa kanya at saka nya ako inalalayan na umupo at nang makaupo ako ay umupo rin sya sa harapan ko. Mero’ng nakahandang wine at nang maisalin ‘yon sa baso ay hindi ko mapigilan ang hindi ma-excite. “Bakit nyo naman po ginagawa ‘to?” tanong ko at namamangha pa rin sa nasa harapan ko. “I told you to not use ‘po’ when you talk to me? But by the way, I want you to know that you are special to me,” sagot nya at hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi ko. “Salamat sa pagkain,” sabi ko at saka ako nag-umpisang kumain na. Sabay na kaming kumain at hindi ko maiwasan ang hindi manlaki ang mga mata ko dahil sa sarap nito. Ngayon

