MITSUKI’S POV Natapos ang trabaho ko at hindi ako umaalis sa opisina dahil hindi na ako nakakababa nang dahil sa mga pagkain na binibigay ni Sir Ashton. Natutuwa naman si Ma’am Janne sa ginagawa ng kanyang kapatid habang ako naman ay naiinis. Hindi ko naman kasi hiniling na magkaroon ng ganitong sitwasyon at hindi ko rin naman sinabing gustuhin nya ako. “Mitsuki.” Napahinto ako ng may tumawag sa ‘kin at ng lumingon ako ay napamura ako sa isip ko. “Ano bang kasalanan ko at pinaparusahan ako ng ganito?” inis na tanong ko sa sarili ko. “Ako na lang ang sasalo ng parusang ‘yan.” “Angelique!” “Grabe naman ang haba ng buhok mo, Mitsuki. Ano bang gayuma mo at ikaw ang gusto ng kapatid ng boss mo?” tanong nya at saka ko sya siniko. “Anong ginagawa nya dito?” bulong ko at tuluyan ng na

