~Past; The chapter 21’s continuation~ THIRD PERSON’S POV Hindi alam ni Mitsuki ang kan’yang gagawin nang sandaling iyon. Nang makasigaw siya sa kaniyang unan ay tumayo na ito at saka siya huminga ng malalim at naligo na at saka siya nagbihis. Kailangan na niyang ihanda ang kaniyang sarili dahil hindi na sila mag-amo ng kaniyang boss na si Ashton at kailangan niyang tanggapin na hindi na lang employee ang tingin sa kaniya ng kaniyang boss kung hindi isang babaeng makakasama nito hanggang sa dulo ng kan’yang buhay. Nang makapagbihis na ito ay saka siya ulit bumaba pero nasa sala na ang lahat kaya naman naisipan nitong pumunta sa kusina kasi nagutom siya. Hindi pa kasi siya nag-aalmusal matapos ang nangyari kanina. Nang makakuha ito ng pagkain ay isinara na nito ang ref at napatalon siya

