ROSE POV Malapit na ako sa mall at sobrang saya ko kasi magkikita na naman kaming dalawa ni Moira. Excited to see her today. Kahit na mayroong pasmado ang bibig niya. I am still lucky to have her as my friend. I realized na hindi ko na kailangan pa ng maraming mga kaibigan sa buhay ko. Kahit na siya nga lang ang tropa ko ay masaya na ako. Aanuhin ko ang maraming kaibigan kung puro plastik lang kagaya ni Regina? One true friend is enough for me. Pag baba ko sa bus, tumawag ako kaagad kay Moira. Sinabi niya kasi na tumawag ako sa kaniya kapag malapit na ako. Medyo marami nang tao ngayon sa mall kaya nakaka gana ring mag punta. Pag sagot niya ng tawag ay inunahan niya pa ako sa pag sasalita. "Friend? Nasaan ka na? Nasa bahay ka ba?" tanong niyang parang nangangamba. "Ha? Andito na ako

