~~~~~~~~~~~
Yohan's POV
~~~~~~~~~~~
Ilang minuto ko nang hinihintay ang magiging sagot ni mama ngunit para akong si Juan tamad n hinihintay na malaglag ang bunga ng bayabas sa puno nito.
"Ma? Ano na? Alam niyo ba ang ugali ng babaeng gusto mong ipakasal sa akin?" Tanong ko sa aking ina na isip bata. Nakayuko lang sya habang pinaglalaruan ang kanyang mga daliri na parang paslit na pinapagalitan ng kanyang magulang dahil may kalokohang nagawa. "Ma? Aren't you gonna answer my question?"
"Eehh! Yohan 'wag mo nga akong awayin d'yan! Sige ka, sumbong kita kay super handsome papa mo!" Naka-pout na wika na. Diyos ko po. Ano bang gagawin ko sa ina kong ito?
"Ma will you stop acting like a kid? 'Coz it's not suit you."
"Bakit ba? Huhuhu! Inaaway mo na ako ngayon ah? Pagkatapos ng lahat lahat ng ginawa ko para sayo? Naghirap akong ipanganak ka sa batis. Napuyat ako araw at gabi para ipagtimpla ka ng gatas! Naghirap ako sa bukid para may ipakain ako sayo. Wala naman akong ginagawang masama sayo di ba? Akala mo lang na mayro'n pero wala naman talaga! Assuming ka lang pare!"
Napatampal ako sa noo dahil mga pinagsasabi ni mama. Hindi lang sya isip bata. Napaka over acting pa nya.
"Ma, please. Tigilan mo na 'yan. Hindi ka naman naghirap sa bukid ah? Hindi ka rin napuyat sa araw para ipagtimpla ako ng gatas. At walang konek ang mga sinasabi ninyo sa tanong ko."
"Ay gano'n ba? Hehe! Akala ko kasi effectiv eh." Pilit ang ngiting aniya bago tumayo at lumapit sa akin. Napaka seryoso ng kanyang mukha. Mukhang seryosong bagay talaga ang involve dito. Kinilabutan ako ng ngumisi si mama ng nakakatakot bago ibinulong sa akin gamit ang kanyang paos na tinig ang hindi ko inaasahan.
"Because i see dead people!"
"Ma i'm serious here!" Napipikon na talagang saway ko sa kanya.
"Totoo naman kasing nakakakita ako ng mga patay. Kita mo? Nakikita ko kahit saan ang best friend kong si Elly! At napapanaginipan ko naman si Henry! Only one reason why i see them. And that's Hope. Their daughter. And you are obligue to look after her because in the near future, kayo din ang magkakasama habang buhay. Oh di ba napaka romantic no'n? Yiieehh!"
"You are unbelievable ma. Sinali niyo pa ako sa kalokohan niyo." Wala talaga akong makukuhang matinong sagot sa kanya kaya aalis nalang ako. Tumalikod na ako at nagsimulang humakbang patungo sa pinto nang may sinabi sya na ikinatigil ko.
"Her mother save us from death. Utang ko kay Elly ang buhay nating dalawa. Marunong akong tumanaw ng utang na loob kaya sana ay gano'n ka rin." Para akong binuhusan ng napaka-lamig na tubig sa buong katawan. Dinaig ko pa ang nag ice bucket challenge sa lamig na naramdaman ko. Hindi ako naka-imik. Alam ko ang nararamdaman ni mama dahil naranasan ko na rin na masagip mula sa kamatayan. Kung gano'n, kailangan ko palang mabayaran ang utang na loob na iyon. Walang lingon akong tumuloy sa paglabas at tinawagan si Christian.
"Yow! Ahhh! s**t! Ba-bakitt n-ngayon ka pa--aaahh! Ow baby s**t! You're so hot! Yeah. Ow! Ow! Tumawag? Yeah baby faster! Faster! Aaahhh!" Tngnang malibog na lalaki'ng 'to! Ang aga-aga nakikipag s*x na agad. Pero wala akong pakialam sa kung anong business ang ginagawa niya ngayon. Kailangan kong mailabas ang nag-dadabog kong kalooban.
"I want you to set a fight."
"Ahh! Ahh! Ow-- you want what? A fight?" Pag-uulit nya sa gitna ng kanyang paghingal ng mabilis. Malapit na 'tong malabasan.
"Gusto mo pang ulitin ko ang sinabi ko na kanina? Sabihin mo lang and you're dead."
"Aaahhh! I'm coming baby! Aaahh! Aahhh! Ow fck! No! No! No! Sabi ko nga anong oras at kung anong Gang ang gusto mong makalaban." Maayos na ang pagkasabi nya sa huli ngunit mabibigat parin ang kanyang paghinga.
"Tonight. And i want the Gang who won last UG fight. Ikaw na ang bahala sa lahat. Basta siguraduhin mo lang na may ipupusta din sila. Five million. Ako na ang bahala sa pusta natin."
"Whoah! Very aggressive eh?"
"Gusto mo sa'yo ko nalang ibunton lahat ng sama ng loob ko?"
"No thanks pare. Okay na ako. Sabi ko nga sa'yo diba? Ako nang bahala sa lahat. Kita nalang tayo sa HQ. Ako na rin ang tatawag sa iba." Hindi na ako sumagot at tinapos ko na ang tawag.
Gusto ko talagang manapak ng tao ngayon. Naiisip ko pa lang ang babaeng 'yon ay nag-iinit na agad ang dugo ko sa kanya. Ang lakas ng loob nya para sapakin ako. Pasensya nalang mamaya sa makakalaban namin dahil wala akong palalampasin. Kahit babae pa yan.
Hope's POV
"Hope tapos ka na bang magluto ng dinner?" Ayan na naman ang patay gutom na bruhilda. Kakatapos nga lang nyang ubusin ang tatlong slice ng cake, hihirit na agad ng hapunan? Hambalusin ko kaya mukha nya gamit ang takip ng kaserola? Gaga sya!
"Hindi pa Beatriz, pero malapit na 'to." Matigas na wika ko. 'Malapit ko na 'tong ibuhos sa'yo.'
"Gano'n ba?"
"Ay hindi." Pabulong na sabi ko habang nakaharap sa kalan at nakatalikod sa kanya.
"May sinasabi ka ba?" Kahit hindi ako nakatingin sa kanya'y alam kong sobrang taas na naman ng isang kilay niya.
"Naku, wala po. Wala. Tatawagin ko nalang po kayo kapag luto na."
"Okay sige, kailangan ko kasing mag beauty rest ng maaga para sa photo shoot namin bukas. You know naman di ba? Model ako so.... Blah! Blah! Blah! Blah"
Hindi ko na pinansin ang iba pa nyang sinasabi dahil kasabay ng pagkulo ng nilagang baka ay ang pag-vibrate ng phone ko. 'What do you want?' Tanong ko sa isip. Alam ko'ng si Kanji 'yon. Vibrate mode ang si-net ko sa sound profile niya bilang palatandaan kapag sya ang tumatawag. Kailangan kong maitaboy ang bangaw na putak nang putak na nasa likod ko. Mahirap na't mahadira talaga ang walang hiya na 'yan.
"Ahm Beatriz?"
"Yes?" Maarteng sagot nya.
"Alam mo bang nakakasira ng balat ang masyadong malapit sa kalan? Kahit ilang dangkal lang ang layo mo sa kalan ay madadagdagan ka ng fifthteen calories sa katawan? At hindi lang 'yon. Masusunog pa ang mga black heads mo na ikaka-itim pa ng mukha mo!," Nilingon ko sya at gusto kong humagalpak ng tawa dahil sa itsura nya. Nanlalaki ang mga mata. Nakanga-nga at nakahawak sa kanyang tiyan. Ganyan nga, matakot ka sa imbento ko. Psh!
"Tawagin mo nalang kami kapag tapos ka na. Sige akyat na ako." Sabay tingin nya sa akin mula ulo hanggang paa. Parang nandidiri pa sya bago tuluyang lumabas ng kusina. Gaga talaga! Eh kung saksakin ko kaya ng kutsilyo 'yong naglalakihan nyang mga mata? Grabe kasi kung makatingin sa akin. Para akong may nakakahawang sakit at nakakadiri. Bwesit na babae. Kapag ako napunong napuno na talaga. Matris lang ang walang latay sa kanila. Magkamatayan na...
Iniwan ko muna ang niluluto at pumasok sa loob ng CR.
"Bakit?" Tanong ko agad sa kabilang linya.
[Seven tonight at UG. Five million"]
"Clear."
Hindi ko na hinintay ang sagot nya at baka mabuko ako kung magtatagal pa ang pag-uusap namin. Alam na din ni Kanji 'yon, kaya hindi sya napipikon sa akin kapag binababa ko na kaagad ang tawag.
Sino naman kayang malas na nilalang ang makakaharap ko? Tamang-tama dahil kailangan ko'ng mailabas ang sama ng loob ko doon sa sosyal na adik at sa driver ng trysicle. Isama pa natin ang mag-iinang walang ibang ginawa kundi bwesitin ako.
Pinatunog ko lahat ng daliri sa kamay at sumuntok sa ere na parang nag bo-boxing.
"Malas mo kung sino ka ma'ng makakaharap ko mamaya." sabi ko bago tuluyang lumabas ng CR.