Chapter 4

1920 Words
~~~~~~~~~~~  Yohan's POV ~~~~~~~~~~~  "Hi baby! Take a sit. What do you want to eat hmmm? Tell it to mama and i'll tell it to cheif Marga to prepare it for you." Hindi ko mapigilan ang mapailing at mapangiti sa inaasal na naman ni mama. Humalik muna ako sa kanyang pisngi bago naupo sa tapat ng table nya.  Nasa library kami ngayon ng bahay dahil may sasabihin daw sya sa akin na importante. "Im okay ma." "I insist son. You like eat ice cream cake? Or you want apple shake?" "Ma, ginagawa mo na naman akong bata. I'm old enough for that stuff." "Whatever you say, you're still my cute baby boy!" Wala na akong nagawa kaya pinagbigyan ko na. Tuwang-tuwa naman sya dahil hindi ko talaga sya mahindian. "So? Ano nga pala ang pakay mo sakin ma?" I open the topic when we finshed our food. May kinuha syang folder mula sa drawer at inabot sa akin. Pagbukas ko nito'y larawan ng isang teen age na babae ang bumungad sa akin. Bumagay sa maliit nyang mukha ang kanyang buhok na hanggang balikat. Two words that describe her. Beautiful and fearless. Todo ang kanyang ngiti na abot hanggang tainga ngunit may kung anong emosyon na nagtatago sa kanyang mga mata. Kalungkutan, at pangungulila. "That girl named Hope Louise Castroverde. Her deceased parents is our co-owner of Castrillo Subdivision and the head stock holder in our company. May sariling company din ang family nya at kasalukuyang pinamamahalaan ito ng family attorney natin dahil wala pa sya sa tamang edad para hawakan ang kompanya. Kamakailan lang ng malaman ko na inaalila pala sya ng kanyang madrasta so we need to look after her without her notice."  Seryosong pahayag ni mama. Sa mga ganitong usapin ko nakikita ang isang professional na Honeylin Castillo. Ibang-iba kanina sa childish mother ko. "So bakit niyo ho sa akin sinasabi ang lahat ng mga 'yan mama?" "Dahil ikaw mismo ang magbabantay sa kanya." Nagulantang ako sa sinabi nya at hindi makapaniwalang napako ang tingin ko kay mama. "Bakit ako?" "Dahil ikaw ang future husband nya." "What?!" Napatayo ako di oras sa balewalang pagkakasabi nya. Parang simpleng bagay lang 'yong sinabi nya. Parang walang pakealam na nagtapon ng balat ng saging sa daan. "Uhuh! You heard it right son. Fetus palang kayo ng magkasundo kami ng daddy mo at ng parents nya na ipakasal kayo paglaki ninyo. Oh di ba exciting 'yon?!"  Parang bata na naman sya habang pumapalakpak pa. Sumakit ang ulo ko at hindi kinaya ang mga sinabi nya. Ngunit biglang may sumagi sa isip ko na ikinalungkot ko naman kaagad ng husto. "Ma, hindi na ba pwedeng umatras sa kasunduan ninyo? Wala na ang parents nya. So bakit niyo pa kailangang ituloy ang naging kasunduan?" "Iyan!" Biglang syang tumayo at umikot sa mesa at naupo sa katapat kong silya. "Yan ang kinakatakutan ko dahil ilang gabi ko nang napapanaginipan ang papa nya. Isa lang ang ibig sabihin no'n. Kailangang matupad ang kasunduan" "Ma what are you talking about? Panaginip lang 'yon! Walang ibig sabihin ang mga 'yon ma." "Hindi Yohan. Ilang beses ko na ring nakikita ang mama nya sa mall sa labas ng bahay sa labas ng opisina at kahit saan. Minumulto ako ng bestfriend kong si Elly. Huhuhu!" Sumbong nya at yumakap pa sakin. "Please Yohan anak, tulungan mo nalang si mama. Sige na Cute baby boy. Huhuhu!" Drama na naman nya.  "Okay." Suko na ako. Hindi rin naman nya ako titigilan hangga't hindi ako pumapayag "I'm going to look after her. Pero hindi ko maipapangako ang kasal na sinasabi ninyo."  "Pag-isipan mo anak. Baka multuhin ka ng parents nya lagot ka! Awwwoooohhh!" Ibang klase. Tinakot pa ako ng sariling ina ko. Great. Bago ako tuluyang makalabas ng silid ay may sinabi pa sya na ikinatigil ko naman. "Yohan anak, itigil mo na 'yang pagiging gangster mo. Delikado ang buhay mo anak kapag nagpatuloy ka pa. Para sa amin nalang ng daddy mo umalis ka na sa Gang mo. Wala kaming payo na ikakasama mo. And beside, ayoko ng daughter in-law na gangster baka pati mga apo ko ay maging gangster din. Ayoko namang mangyari 'yon baby boy. Kaya umalis ka na sa pagiging leader ng gang." Nangungusap ang mga matang pakiusap ni mama. Hindi agad ako nakasagot dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Bumalik ako sa harap nya saka hinagkan ang kanyang noo. "Hindi po gano'n kadaling talikuran ang lahat mama, hindi ko kayang iwanan sa ere ang mga kaibigan ko. Don' worry about me, i can handle myself." Masuyong sabi ko rin ngunit sumagi sa isip ko ang muntikan ko nang ikamatay noong isang gabi. Kahit anong pagpumilit ni mama na umalis na ako sa gang ay hindi ako pumayag. Wala na rin syang nagawa kundi ang magbilin na mag-iingat ako palagi at wag daw akong mag-girlfriend ng gangster. ----- Nakahanda na pala ang lahat para sa misyon na ibinigay ni mama sa akin. Titira ako sa isang bahay namin katapat ng Castroverde Mansion dito rin sa Castrillo Subdivision na pagmamay-ari din namin. Ngayong araw din ay agad na akong pinalipat ni mama kasama ng Yaya Josephine ko at isang boy. Madaling araw na ay gising parin ako at iniisip kung paano ako makakalapit sa babantayan ko. Namintana ako at nakaharap sa malaking bahay na katapat lang din ng amin nang may nakita akong babae na nagmamadaling pumasok sa loob ng malaking bahay. Sabog ang buhok at naka pajama pa. Kinuha ko ang telescope para makita ang mukha nya nang lumabas sya ulit at umikot sa likod ng bahay at pumasok sa isa pang bahay. "Found you!" Pumunta ako ng terrace at doon nagpasyang magpa-antok ng hindi nagtagal ay nakita kong namatay ang lahat ng ilaw ng bahay na pinasukan nya at lumabas syang nagdadabog. Psh! "Saan ka pupunta ng ganitong oras?" Tanong ko sa sarili habang sinusundan sya ng tingin hanggang sa gate nila. Kinausap pa nya saglit ang guard at lumabas na rin at naglakad sa gitna ng kalsada.  Tumayo ako at nagmadaling nagbihis.  Susundan ko sya. Mabagal lang akong nag drive at nakapatay ang head light ng kotse para hindi nya agad mapansin na may nakasunod sa kanya.  Nakahead set at papitik-pitik pa sya ng kamay habang naglalakad. Saan kaya pupunta ang isang to at naglakad lang. Napangisi ako nang may naisip.  *Beeep~Beep* Bigla syang tumalon sa kabilang lane ng kalsada at sapo ang kaliwang dibdib. Lalo pa akong napangisi sa naging hitsura nya. Gulat na gulat at namumutla pa. Nagpasya akong magpakita sa kanya kaya bumaba ako ng kotse. Pinag-aralan nito ang mukha ko hanggang tingnan nya ako mula paa hanggang ulo. "Laway mo tumutulo." Sabi ko at dali-dali naman nyang hinawakan ang labi nya. Sa loob-loob ko ay nasisiyahan akong makita kung paano sya mamula sa inis.  Taas noo syang lumapit sa harap ko saka sumigaw. "Hoy ikaw na mukhang wanna be gangster! Tanga ka ba? Muntikan na akong atakihin sa puso dahil sa ginawa mo!" -_- Kababaeng tao ang lakas ng boses. "Stupid." Sabi ko na ikinangiti naman nya ng kakaiba. Namangha ako dahil bihira sa babae ang ngumiti dahil sa galit at inis. "A-a-anong s-sinabi mo?" "I said. You're stupid. Ikaw itong tanga na sa gitna ng kalsada naglalakad. Are you planning to end up your life? Kung gayun ma'y 'wag kang mandamay ng iba sa katangahan mo miss." Pagtatapos ko sa usapan at bumalik sa kotse saka ko ito pinaharurot palayo. Tama lang 'yong sinabi ko na stupid sya, eh kung masagasaan sya ng sasakyan dahil sa kabaliwan nya? Buti nalang walang masyadong sasakyan na dumadaan sa lugar na 'yon ng ganitong oras. Hindi ako concern sa kanya, concern ako sa driver na makakabangga sa kanya. Hindi na kasalan ng driver na mabangga sya dahil ang babaeng 'yon ang nasa mali. Inihinto ko ang kotse ko sa labas ng subdivision hindi kalayuan sa gate at hinintay hanggang sa makalabas na sya. Wala na akong balak na sundan pa sya kaya dito ko nalang sya hihintayin na makabalik. Isang oras ang makalipas hindi parin sya nakakabalik so i decided to take a nap. Nagising lang ako dahil tumunog ang aking cellphone. I check the time and i'ts already six o'clock in the morning. Ang tagal ko rin palang naka idlip. *Christopher Calling~* "What is it?" Tanong ko agad pagkasagot ko ng tawag. "Have you received a text message from anonymous texter?" Inilayo ko ng bahagya ang aparato upang tingnan kung may message ako at meron nga. "I'll check it first, i'll call you back." Saad ko at ibinaba ang tawag. Agad kong in-scan ang laman ng inbox ko hanggang sa number lang ang sender ng isang text message. Agad ko iyong binuksan at nangunot agad ang noo ko dahil sa nabasa. From +639175569*** Magpakasaya na kayo dahil bilang na ang mga araw ninyo Stele Gang. Lalong lalo ka na Sirius. Lahat ng mayroon ka ay mapapasa-akin. Hahahaha!!! Psh! Another asshole! Agad kong tinawagan si Christopher. "Track down the Service center number and the IP Adress of that sender. Baka ang taong 'yon ang kasabwat ng black hawk gang." "Ginawa ko na 'yan Sirius at huli na ang lahat. Hindi ko na siya ma detect dahil nag shutdown na agad ang Service Center at ganun din ang IP ad na ginamit nya." "Is that so? Sige hayaan mo na. Maghintay nalang tayo kung anong susunod na gagawin nila. Don't let your guard down. Laging maghanda at maging alisto. Nasa paligid lang ang hayop na 'yon." "Hai!" Tinapos ko na kaagad ang tawag dahil nakita kong bumaba na ng trysicle ang babaeng sinundan ko kanina. I can't remember her name. I'll check it again later. Dali-dali akong bumaba ng kotse nang mapansin kong may hindi magandang mangyayari kapag manonood lang ako. At tama nga ang hinala ko. Agad kong napigilan ang driver ng trysicle nang akmang susugurin na sya nito. "Oh my! Oh my! We meet again."  Sinulyapan ko lang sya at tumingin sa galit na driver. "Bitawan mo'ko at tuturuan ko ng leksyon ang batang 'yan kung paano magbayad ng maayos at hindi ihagis lang sa mukha ko!"  She did that thing?  What the-- Ganitong klase ba ng babae ang gustong ipakasal sa akin ni mama? Bastos, walang pahalaga sa pera at walang modo? Nakaka-turn off. "Mag-sorry ka miss."  Sinabi ko 'yon at mataman lang syang tiningnan. Inalog pa nya ang magkabilang tainga at tumingin ng hindi makapaniwala sa aming dalawa ng driver. "Ano kamo? Mag-sorry ako?" Nakapameywang na wika nya. "Hindi ako basta-bast nag-sosorry hanggat alam ko sa sarili kong tama lang 'yong ginawa ko. And who do you think you are to interfere with others business? Get lost the both of you!" Sabi nya at hindi ko inaasahan ang sumunod na kanyang ginawa. *Boooggssh~* Sabay nya kaming sinuntok ng malakas dahilan para mapasalampak kami sa semento. Sa sobrang lakas nya ay hindi agad ako naka huma. Bahagya akong nahilo at mariing napapikit. Pag dilat ko ay wala na sya. Damn that girl! Ang lakas nya! "Anong klaseng babae ang batang 'yon! Wala na nga akong kinita, nakatikim pa ako ng maagang sakit sa mukha! Tss! Sira ang kapogian ko nito sa mga chicks!"  Hindi ko pinansin ang lalaki. Tumayo na ako at bumalik sa kotse.  Kailangan kong makausap ulit si mama. Hinding hindi ako papayag na masakal ako sa amazonang babae na 'yon. Iisa lang ang gusto kong pakasalan. At walang iba kundi ang nag mamay-ari ng locket necklace at ang nagligtas sa buhay ko. Not to that stupid girl.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD