Hope's POV
Venomous High School.
Fifthteen years ago nang mag-sara ang school na ito. Walang nakakalam kung bakit. Basta nalang daw ito nagsara nang hindi sinasabi sa publico ang dahilan. Humor said that Cobra, the legendary Gangster and the leader of the Serpentes Gang is the real owner of this School. I wonder how strong she is. And where she is now. Napaka-mysterious naman kasi kung bakit bigla nalang syang nawala. Some say's that she's dead. And many said that she's still alive living in a far away place together with her husband. Pero matagal na panahon na iyon. Ipinamana nya daw kasi lahat ng ari-arian nya sa adopted child ng kapatid nya. At ang tagapagmana na iyon nga ang may-ari ng VHigh fifthteen years ago.
Well, wala na akong ibang alam tungkol sa school na ito. At wala na akong alam pa tungkol kay Cobra at sa tagapagmana nya. But i need to know why this school is connected to our house. Pero next time ko na aalamin. Sa ngayon. Kailangan ko nang umalis dahil late na ako sa laban!
Waaaahh!
*BRROOOM*
Mabilis akong nagmaneho ng motor paalis na abandoned school na iyon.
Nang lumagpas ako sa intersection ng Apple street ay bigla ko nalang napansin na may sumusunod na sa aking police patrol car.
*Smirk*
Muli kong piniga ang manibela at lumingon saglit sa umiilaw na patrol car. Napangiti pa ako bago ko pinaharurot muli ang motor. Tiyak na sa kulungan ang bagsak ko kapag nahuli nila ako. Walang plate number ang motor, wala akong driver license at lalong wala akong helmet! Wehehe! Pero hinding hindi ako magpapahuli. Bleeehh!
"Pull over. Pull over." Boses ng isang lalaki Mula sa megaphone. Masunurin naman akong bata kaya huminto muna ako sa gilid ng daan at hinintay na huminto din sa likuran ko ang patrol car. Hanggang sa ilang saglit pa ay narinig ko na ang pagbukas at pasara ng pinto ng kotse. Ngumiti ako at hindi na lumingon at bunuhay muli ang makina nang motor at pinasibad ko na ito palayo sa kanila. Ahaha! Salbahe na kung salbahe, wala akong pakialam!
Napadaan pa ako sa village namin bago ko tinahak ang daan papunta sa UG. Pagdating ko sa harap ng lumang building ay nakatayo'ng hinihintay na ako ng tatlo.
"Whoa! Ano 'yan ah? Bakit ka may ganyan?" Segunda agad ni Sunny.
"Gaga! Syempre motor 'to!" Banat ko naman. Hindi nya pinansin ang sinabi ko at namamanghang lumapit sa akin na nakatayo parin sa tabi ng motor.
"Whoah! Ibang klase! Mahal 'to ah! Can i ride this just once? Pretty please?" Natawa na lamang ang dalawa sa kanya. Kung tutuusin kasi, mas maganda pa 'tong motor ko keysa sa kanilang tatlo.
"No way. Baka magasgasan pa 'yan. Alis nga. Napaka-clumsy mo pa naman." Sabi ko at tinabig ang kamay nya sa manibela.
Napa-pout naman syang tumingin sa akin."Y-O-U A-R-E S-O M-E-A-N Talaga! Huhuhu! Pero tingnan mo itong tambutso oh, parang kakaiba?" Tiningnan ko lang saglit ang sinabi nya. Gano'n din ang dalawa ngunit, wala namang kakaiba sa sinasabi nya. Baliw talaga.
"Girls, lets go. Kanina pa naghihintay ang stele gang. Baka isipin nila na nag-back out tayo."
"Tama si Deathenious, kanina pa nag-iingay ang ibang Gangster." Sangayon ni Kanji kay Vince
"Demonious, lets go. Walang kakaiba sa motor ko. Sadyang maganda lang talaga 'yan." Hinila ko na si Sunny papasok sa loob ng lumang building.
"Meron talaga akong napansin Satanious, kakaiba talaga ang motor mo. At 'yong kanang manibela, it look's like a handle of a katana. Huhugutin ko sana kanina ang kaso baka magalit ka na sa akin." Napahinto ako saka sya nilingon.
"Okay, para matahimik ka. Tara balikan natin." At hinila ko na sya pabalik sa motor ko. Good thing dahil walang ibang tao dito liban sa aming apat.
"Hoy! Tara na! Saan pa kayo pupunta?" Si Kanji.
"Saglit lang. Ang kulit kasi nito eh!" Turo ko kay Sunny at mabilis na kaming nakabalik sa pwesto ng motor ko. "Oh sige na, gawin mo kung ano mang gusto mong gawin." Nangingiti naman syang lumapit saka hinila ang kanang manibela. Walang nangyare dahil hindi nya ito mahila. Gaga talaga. Kung ano-anong kalokohan kasi ang iniisip. Pinahirapan pa ang sarili. Bigay todo pa talaga sya sa paghila ngunit wala talaga.
"Ano ba 'yan! Kainis ah! Mauubos ang lakas ko.nito eh!" Pagsuko nya.
"Hahahaha! Sabi ko naman kasi sa'yo eh."
"Ikaw kaya mag-try? Baka sakali lang." Tingnan mo 'to dinamay pa ako sa kagagahan nya. Napailing ako at pinagbigyan sya.
Hinawakan ko nga mula sa dulo ang manibela saka marahang hinila. Walang nangyare. "Oh kita mo na? Wala talagang kaka--"
*PSSSSHHHH*
"Hala!" Gulat na itinuro ako ni Sunny habang ako naman ay napatulala nalang.
"Ano 'to?" Nasambit ko habang pinagmamasdan ang nasa kamay ko.
"Gaga! Eh di Katana! Saang planeta ka ba galing?" Tiningnan ko sya ng masama. Nakaganti eh.
"Oh? Saan galing 'yan?" Napalingon kaming dalawa ni Sunny kina Vince.
"Sabi ko sa inyo may kakaiba sa motor na 'to eh. Ayaw niyo kasing maniwala. Hahaha!" Pagmamayabang ni Sunny sa dalawa.
"But how?" Kanji ask. Nagtataka din ako kung paano naging katana ang handle ng motor ko. Ano ba ang nangyayare? Una 'yong underground Gym. Then the VHigh that connected to our house and lastly is this thing in my hand.
"Let's find it out later. We have a fight to finish first." Sabi ko at ibinalik ang katana sa pinanggalingan nito. "Let's go."
"Alright! Hehehe!" Hiyaw ni Sunny at nanguna pa sa pagpasok sa loob.
Nang makapasok na kami sa loob ng lumang building ay tinungo namin ang hagdan pababa. Dito lumalabas ang Gang na lalaban sa arena. Sa kabilang building naman magmumula ang Gang na makakalaban ng grupo na manggagaling dito. Sa Ibang daan naman manggagaling ang mga manunuod lang ng laban. Magtatagpo ang dalawang gang sa loob na ng ring. Isa lang ang rules. You must save your life in any way you want. You can kill if you want. Ngunit mas mainam kung patutulugin mo nalang ang kalaban mo. Sa gano'ng paraan ay magiging underlings ng gang ang kalaban na natalo nila. Just like us. Underlings na namin ang ibang gang na natalo namin including lixes gang.
Mahaba ang hagdan pababa sa mismong ring. Kulay pula din ang ilaw na nasa pader sapat lang para makita namin ang dinadaanan pababa. Pagdating namin sa dulo ay saglit pa kaming napahinto. Nasa loob na ng ring ang Gang na makakalaban namin. Apat din sila. Tatlong lalaki at isang babae.
"Be careful, sila ang ultimate rank one gang ng UG. Hindi sila basta basta. Wala pang nakakatalo sa kanila." Wika ni Kanji. Hindi ko kilala ang gang na 'to dahil wala naman akong pakialam sa profile ng gang na makakalaban namin. Ang pusta ang importante sa akin! Hehe!
Naghiyawan ang buong tao nang lumabas kami mula sa dilim. "The long wait is over! Gangsters and council let me represent to you! On the black corner of the ring! The rank one of the underground! The Stele Gang!" Anunsyo ng emcee na nasa gitna ng ring. Naghiyawan at nagkalampagan ang lahat ng tao sa paligid. "And on the red corner the undefeatable, merciful, fearless and deangrous Gangster of the new generation of gangster. I am proud to present to you, the famous Satan Gang!"
Kung kanina ay nagkakalampagan at naghihiyawan ang mga tao. Ngayon naman ay nagwawala na sila.
Nagwawala na makapunta dito sa ring para kami ay paslangin. Haha! Akala niyo naman mga fans ano?
Nope! They are eagerly wants to kill us. Marami ang galit sa amin. Lalong lalo na doon sa mga natalo na namin na hindi pumayag na maging underlings namin sila.
"Capella, ito ba ang sinasabi mong malalakas at wala pang nakakatalo na Gang?" The tallest of all them said. Katulad namin ay may suot din silang maskara. His voice sounds familiar to me. But nevermind. I don't really care.
"Bakit Sirius, may problema ba?" Tanong ng nasa kanan nya. He smirk before he looked at us with his disgusting look.
"Don't underestimate us a**h*le! You don't even know how capable we are!" Wika ko dahil sa inis.
"I didn't say anything."
"Tama na Sirius, wag mo nang pikonin baka umatras pa ang mga 'yan." Sabi ng nag-iisa nilang babae.
"Isa ka pa Spica. Ginagatungan mo pa eh. Enough okay? Let's settle." Sabi ng katabi naman ng babae.
"Whatever Arcturus. Hey bithes, prepare to die."
"Aba't gagang 'to ah! Ang yabang! Akala mo kung sino!" Pinigilan ko na agad si sunny dahil may nakakuha ng atention ko nang hubarin ni Sirius ang kanyang jaket.
"My locket necklace." Nakatulala ako sa kwintas na suot nya habang pinipigilan parin si Sunny.
"Ha? What did you say Satanious?" Natauhang saad ni Sunny. Lumapit din sina Vince at Kanji upang tingnan kung saan ako nakatingin.
"Paanong napunta sa kanya ang kwintas mo?" Tanong ni Vince sa akin. Napakurap ako at tiningnan silang tatlo.
"i dont know how."
"Kunin natin. Sabihin natin na sa'yo ang kwintas na suot nya."
"Hellenious, baka magkapareho lang kami?"
"Hindi ba't ang sabi mo. Walang katulad 'yon?" Hindi ako nakasagot.
"Isa lang ang paraan para malaman natin kung 'yon nga ba ang kwintas mo." Ani Vince at tumindig ng maayos. "Before we start. Sirius can i ask you a question?"
"You're asking now." Pilosopo ang gago. "Psh kidding. Go on, what is it?"
"Saan mo nakuha ang kwintas na suot mo?" Bago pa makapatanong si Vince ay inunahan ko na sya. Sana 'yan nga ang nawawalang kwintas ko! Lord sana nga 'yan na po na 'yon!
"Binili ko, bakit?"
What?! Is he kidding me? Walang nabibili na ganyan kahit saan! Pinagmasdan kong mabuti ang suot nya at katulad na katulad nga iyon ng kwintas ko. Ang ahas na naka engrave sa locket at ang hitsura ng pagiging luma.
"Liar." Malamig na sabi ko. "That necklace is mine and i want you to give it back to me." Hindi sya agad nakahuma. Nakikita ko ang pamilyar nyang mata na napatulala din sa akin bago ngumiti. Kakaibang ngiti actually.
"Oh, so it's you who saved my life?"
"Ano? Niligtas ko ang buhay mo? Wehehe! Nagpapatawa ka ba? The hell! Kailan naman nangyari 'yon? Iisa pa lang ang tinulungan ko. Lalampa 'yon at gusto na siguro mamatay dahil hindi marunong lumaban! Ahahah--"
"Ako nga iyon. Ang lalaki sa kagubatan na pinagtulungan ng limang lalaki."
"Eherm." I clear my throat dahil sa pahiya ako eh. So sya nga 'yon? Pfft! Hahaha! Isang lampa pala ang makakalaban namin ngayon. Ang lakas ng loob para maghamon!
"Oh e'di kay Satanious nga 'yan! Ibalik mo na sa kanya 'yan!" Kung makapag-react naman 'tong si Sunny akala mo, sya ang may-ari ng kwintas eh.
"Sure." At hinabad na nya ang kwintas.
"Ang dali naman palang kausap nyan eh! Sige na Hope, lumapit ka na at kunin mo sa kanya." Bulong sa akin ni Sunny. At gaya nga ng sinabi nya ay lumapit na nga ako kay Sirius. Naka-alerto pa rin ang katawan at pandama ko kung may hindi magandang mangyayari. Nakangiting inilahad ko ang kamay sa harap nya at hinintay na ilagay nya ang kwintas ko doon.
"Ibibigay ko ito sa isang kondisyon." Ay putakteng malagkit! Akala ko pa naman ibibigay nya agad! Nangalay lang pala ang kamay ko sa ere.
"Anong kondisyon?" Gagong 'to. Maiisahan pa yata ako.
"Kapag natalo mo ako in one on one, ibabalik ko sa'yo ang kwintas mo. Pero, magiging girlfriend na kita." Ang kapal ng mukha ng lalaking 'to! Sing-kapal ng isang dangkal na makapal na libro ang mukha!
"Okay." Sabi ko. Ayoko nang patagalin pa eh. "Paano kapag hindi kita natalo? Syempre ikaw ang panalo no'n di ba? Ibabalik mo parin ba ang kwintas ko?"
"Oo naman."
"Talaga?
"Hmm, may bunos pa."
"Wala akong interest sa bunos na sinasabi mo. Pero ano ba 'yon?" Interesadong sabi ko. Hehe! Curious ako eh.
"Boyfriend mo na ako kapag ako ang nanalo."
What?! Eh parehas lang naman kapag ako ang nanalo eh! Gagohan ba 'to?!
to be continue