CHAPTER 6
NASA library ako ngayon, tinitignan ang likod ni Kiarra na kung saan ay siyang nagwawalis sa ibang bahagi ng silid. Napapalunok pa ako, hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin, dahil kanina sa nangyari ay para na akong nahiya sa kaniya.
“Siya ‘yon, ‘di ba? Iyong kapatid ni Kyo?” nagpupunas ako ng mesa nang marinig ko ang bulungan ng iilan, “Oo, siya nga ‘yon! ‘Tignan mo, kamukhang-kamukha ni Kyo,” napasinghap ako, bakit ba nila kailangan pang sabihin ang mga ganiyan, alam naman nilang para kay Kiarra ay nakakasakit ang mga nasasabi nila. “Nako, sana ay sinunod na lang niya ang sabi ng magulang niya, ‘di sana ay hindi siya nagwawalis ngayon..” kumunot nanaman ang aking noo, bakit ba ganiyan ang sinasabi nila lagi.
Hindi ko na iyon pinansin, kung si Kiarra nga ay wala lang sa kaniya ay dapat ako rin. Buhay niya iyon, tulad ng sabi niya kanina ay hindi dapat ako nakikialam sa kaniya, sino ba naman nga ako. Hindi niya nga ako tinuturing kaibigan. “Be! Patapon naman ako!” diretso pa rin ako sa pagpupunas ng ibang lamesa, “Hoy!” doon na lamang ako napalingon, ako ba ang tinatawag nila? “Bingi ka ba? Sinasabi kong patapon ako, ‘di ba?” mataray niyang tanong sa akin, “Alyanna, tinitignan ka lang niya oh!” kalabit sa kaniya nang kaniyang katabi.
“Titignan mo lang ‘to?” turo niya sa boteng hawak niya, hindi naman iyon babasagin. Bote iyon na gawa sa plastic, hindi naman kasama iyan sa trabaho ko, bilang scholar kaya hindi ko na siya pinansin. Mabilis akong tumalikod, wala akong pakialam sa kaniya. “Aw!” napasigaw ako, marami ang tumingin sa aking gawi, nasa library kasi ako at ako itong sumigaw.
Tinignan ko ang plastic na boteng tumama sa aking ulo, hula kong binato niya ito sa akin, “Ano ang nangyari?” mahinang tanong sa akin ni Mellisa, isa sa mga kasama namin sa library. Malaki kasi ito at dalawang palapag, maganda ito at magarbo. Iyong tipong hindi ka tatamarin magbasa, “Mga scholar sh*ts,” dalawa kaming napalingon ni Mellisa sa aming likod, hawak-hawak ko pa rin ang aking ulo. “Ano’ng sabi mo?” tila galit na tanong ni Mellisa sa babae.
“Alyanna, don’t go to far..”
“This sh*ts are ain’t to far,”
“’Wag mo kami ma-ingles-ingles! Ikaw itong binato ang kaibigan ko ng bote, wala ka ‘bang kamay?” mahina ngunit asar na tanong niya muli sa babaeng pangalan ay Alyanna, “Excuse me? Kakaiba ang mga scholar ngayon ah, makakapal na ang mukha..” ngumisi ito at umiwas ng tingin, ngunit binalik niya naman iyon sa amin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, saka niya inilipat ang tingin sa kaibigan kong si Mellisa, “Inuutusan kayo, in short utusan kayo ng paaralang ito.”
“Oo, tama ka. Alam mo naman pala ang sagot, bakit ka nag-uutos sa iba ng gawaing dapat ay gawain mo? ‘Wag mong sabihin ay hinuhugasan ka pa rin ng nanay mo sa pwet pag natae ka?” sumama ang mukha ni Alyanna sa sinabi ni Mellisa, hinawakan ko ang braso nito upang mailayo sa gulo. Marami na kasi ang nakatingin sa amin, tila walang sumasaway sa amin. Sino ba ang babaeng ito, “Hah! Y-you!” namumula sa galit ang kaniyang mukha kung ituro si Mellisa. “Mga scholar kayo rito! Parang kami na rin ang nagpapaaral sa inyo! Wala kayong binabayaran rito, pero kami ay mayron! Ang pampaaral niyo ay sa amin kinukuha!”
“Alyanna..” napatingin kami sa likod, isang babaeng sobrang ganda at matangkad ang papalapit sa amin, tinignan niya kami bahagya at sumulyap muli sa babaeng si Alyanna na nakatayo, habang ang kaniyang dalawang kamay ay nakapatong na sa mesa. “What?” maarteng tanong nito at medyo pagalit. “Hindi ba’t matalino ka? Alam mo naman ‘kung ano ang ibig sabihin ng scholar, hindi ba?” taas kilay na tanong ng babae.
“Jen! God!” taray pa nito, halos parang namumukhaan ko ang babaeng tinawag niyang Jen, parang kilala ko ito. Ngunit sa tuwing naiisip ko kung saan ko siya nakita ay parang kinakabahan ako. “Government ang nagpapaaral sa mga scholar at hindi ikaw, not anyone else who paying tuition and etchetera in this school.”lumukot ang mukha ni Alyanna sa sinabi ni Jen, “Pagpasensiyahan niyo na lang ang utak nitong si Alyanna, sa sobrang talino ay wala ng paglagyan ang utak ng salitang respeto.” napanganga ako, aminado ako.
Mukhang nakikilala ko na kung sino ito.
“Tara na!” hinila si Alyanna ng isa niyang kaibigan, “Nako! Mabuti na lang talaga at may tumulong sa atin!” pinulot ni Mellisa ang boteng nasa lapag na kung saan ay yoon ang itinapon ni Alyanna sa akin kanina. “Nice to see you here, Rae..” napahinto ako, kinilabutan ako sa aking narinig, tila naalala ko nanaman ang iilan mula sa aking nakaraan.
“Siya ang pumatay sa kapatid niya!”
Mabilis akong umiling, ang kaba na mayroon ako ay tila parang lalabas na ang puso ko sa bilis. “Hoy, ayos ka lang?” palunok akong tumingin kay Mellisa, nakadungaw na ang kaniyang mukha sa akin. “Para kang namumutla?” tanong niya pa, umiwas ako ng tingin at huminga nang malalim. “J-jen?” mahinang bulong ko nang tawagin ko ang pangalan niya, siya ang dati kong kaibigan. Ang kaibigan kong mas nagpalala ng sitwasyon ko. “Long time no see, Rae!” masaya niyang bati sa akin at saka ako niyakap.
Siguro ay nakalimutan niya na iyon, siguro ay ako lamang ang nakaramdam ng gano’n.
“Hindi na ako nakabalik ng Samar, pag pasensiyahan mo na lang si Alyanna ah!” iniayos niya ang aking buhok, inilagay niya iyon sa aking dibdib. “By the way, scholar ka rito? Ang galing mo naman!” masaya niya pang bati, hindi ko alam kung ngingiti ba ako, nakakatakot dahil naalala ko nanaman. “Buti ay nakakalabas ka na?” sunod niya pang tanong, doon ko naramdaman ang sakit sa aking dibdib, ayoko nang maalala iyon. Narito ako sa Manila para baguhin at kalimutan ang nakaraan ko. Ngunit, bakit naririto rin ang mga taong, isa sa mga sumira sa akin?
“Ah, a-ayos na ‘ko.” mahinang tugon ko, kita ko ang pagtungo-tungo niya, tila nakikitang naniniwala ito sa akin. “Good to know,” hinawakan niya ang balikat ko, “Aalis na rin ako, enjoy!” paalam niya at umalis, “Kilala mo ‘yon? Ang ganda naman no’n! halatang mayaman ‘yon!” tila paniniko sa akin ni Mellisa, “Siguro ay mayaman ka rin ‘no!” agad akong umiling, “Hindi! Ano, nakilala ko siya, ano..” hindi ko mapaliwanag at hindi ko makwento.
“Hay nako! Sa susunod mo na ikwento at parang wala ka namang balak pa sa akin ikwento.” tumikhim ako ng kaunti, “Babalik na ako sa nililinisan ko, bahala ka na d’yan sa mga mesa.” kindat niya at umalis. Halos iyon lamang ang ginawa ko magdamag, iilang lamesa kasi yon. Kasama na ang pangalawang palapag, madali lang naman kung sanay ka sa gawaing bahay. Nalilibang naman ako, masyadong maganda kasi ang natawin at tila para akong nasa hotel.
Pagod na pagod akong bumalik ng dorm, napansin kong nakabukas ang ilaw sa banyo at naririnig ang ilang ingay ng tubig. Palagay ko ay naririto na si Kiarra, mabilis siyang natapos sa gawain niya sa library.