CHAPTER 12 WALA akong kasama ngayon sa dorm, tila parang nakakapanibago at nakakalungkot. Gusto ko sana siyang tawagan ngunit naririto ang kaniyang telepono. Naiwan kasi ito sa akin kanina, kumunot ang noo ko ng maisip ko ang binabalak ko. Pwede kaya tawagan ang kapatid niya? Pwede naman hindi ba? Noon kasi ay nakausap niya na ito, ngunit pinipilit niya akong ipakilala kay Kyo, ngunit ayaw ko. Napalunok akong tignan ang kaniyang teleponong nasa taas ng kaniyang mesa mula sa tabi ng kaniyang kama. “Bahala na si batman!” si batman nanaman ang bahala sa lahat, mabuti na lamang at alam ko ang password niya. Lagi naman kasi siyang busy sa pag-aaral at kung minsan ay sa akin niya inuutos kung ano ang pwedeng gawin sa cell phone niya. “Nako! Ang pogi!” hindi ako mapakaling tignan

