CHAPTER 19 “TEBEZ? IKAW BA ANG SUMAGOT?”umalingasaw ang boses ni miss sa loob ng aming silid. Mukhang nahalata niya ang aking boses! “Tebez,” ulit niya muli sa aking apelido. Agad akong tumayo at tumingin sa ilalim, “Ikaw ba ang sumagot?” ginawa naman niya iyong big deal? Nariyan naman si Kiarra at nakikita naman niya, ngayong ano naman kung ako ang sumagot? Hindi ko naman iyon masabi, dahil wala naman akong karapatan dahil umpisa pa lang ang turi ng iba rito sa mga scholar ay basura. Tulad ng sabi ni Alyanna sa akin. “Masyadong feeling ang isang ‘yan, tinawag lang ang Vallino ay akala niya isa na siyang Vallino, feeling ka ‘te?” sarcastic niyang sabi sa akin, iilan ang tawanan sa room, dahil sa sinabi ni Alyanna. Iilan sa mga kasama niya ang nagtawanan at tinignan ako na tila parang

