Chapter 60 “Hindi mo sinuot ‘yung binigay ko sa ‘yo?” tanong ko nang makita kong wala sa kaniyang leeg ang choker na bigay ko. “Nakakasakal.” matipid niyang sagot, habang nagda-dirve pauwi sa aming dorm. Kagat-kagat ko ang aking labi, nasa tabi niya ako habang siya naman ay nagmamaneho. “Pero-” Hindi na niya ako pinatapos nang bigla niyang palakasin ang tugtog. Ngumuso na lamang ako, bakit ba hindi niya ako pinapatapos sa lahat nang sasabihin ko. Kahit kanina ay ganito rin siya, hindi nga ako makapaniwala na siya talaga ang kasama ko, tapos ganito pa siya. Mas lalo tuloy akong naniniwala sa sarili ko na may pag-asa pa ako. Ngunit nang maalala kong nagkausap sila ni Jen, hindi kaya ay sinabi niya kay Jen? Mas nauna niya pang sabihin kay Jen, kaysa sa akin. Samantalang ako dapa

