IBINAON ko ang mukha sa aking unan. Walang tigil sa pag agos ang aking mga luha. "Saan ba ako dapat magsimula?" Hinaplos niya ang aking buhok. Ramdam ko din ang paghigpit ng yakap niya sakin. "You know Baby, the first time I saw you. You captured my heart. Naaalala ko pa nung nakita kita sa hospital, you were shouting. I got curious kaya lumapit ako para lang malaman ko na bulag ka. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yon. Then, Nagpakilala ako sayo bilang Light.” He chuckled. “Sa lahat pa naman ng masasabi kong pangalan, iyon pang walang kabuluhan. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko bat lagi na lang kita naiisip noon to the point that hindi na ako makatulog ng maayos. And then suddenly nagkalapit tayo, kinantahan pa kita noon, I'd never imagine that I'll going to sing for a girl.

