NALULUHANG nakatingin ako ngayon mula sa labas ng isang mansyon sa isang eksklusibong subdivision. Pinagmasdan ko ang anak ko at si Sebastian. Namimiss ko na sila pero wala akong magagawa kundi ang titigan na lang sila mula sa malayo. Apat na taon akong hindi nagpakita at nagtago sakanila. Alam kong hinanap ako ni Sebastian pero ginawa ko ang lahat para lang hindi niya ako mahanap. Hanggang sa nag sawa at tumigil na siya sa paghahanap sakin. Sa loob ng apat na taon ay wala akong ibang ginawa kundi ang hanapin at mahalin ang sarili ko. Itinuon ko ang pansin sa trabaho at para akong wala sa sarili at ang isip ay nasa anak ko lamang. Trabaho lamang ang aking pinagkakaabalahan. Masakit sa parte ko ang ginawa kong pag iwan sakanila. Gusto ko lang alamin dito sa sarili ko kung ano ba talaga a

