Chapter Seventeen

2005 Words
“A-ako na niyan. Nakakahiya, hinatid mo na nga ko,” ngumiti lang siya at hindi hinayaang kunin ko sa kanya ang hawak na malaking bag kung saan nakalagay ang mga gamit ko. Ang bait niya. Ang laki ng tinulong niya sa akin dahil una, niligtas nya ako sa nambabastos sa akin kanina at pangalawa, nakatipid ako sa pamasahe para dalhin ang mga gamit ko dito sa mansion. Flashback Nang makalabas ako sa building, nag-abang na muna ako ng jeep o taxi na masasakyan para makauwi na muna sa bahay at madala ang mga gamit sa mansion. 20 minuto na ang nakakalipas ay wala pa ring dumadaan na pwedeng masakyan dahil lahat ng dumadaan ay puno na. Di ko mapaliwanag pero kanina pa naninindig ang balahibo sa mga braso ko na tila may nagmamasid sa akin. Lumingon ako sa paligid pero wala naman akong nakikitang nakatingin sa akin. “Malamig lang siguro,” pagdadahilan ko sa sarili. Wala pa ring dumadaan na pwede sakyan kaya napagdesisyunan kong umalis na lang sana at maglakad sa kabilang kalsada nang bigla may humawak sa kamay ko. Agad kong binawi ang kamay dahil kinilabutan ako sa paraan ng paghawak niya sa akin. “Miss, kanina ka pa dito nag-aabang ah. Saan ka ba pupunta? Hahatid na kita,” sa paraan ng pagtitig niya ay hindi ko na gusto at parang may masamang binabalak. Mas nilawakan ko ang pagitan namin bago siya sagutin, “Hindi na kuya. Pupunta na lang ako sa kabilang kalsada.” Hindi naman siguro ako mapapahamak dahil nasa publikong lugar kami at kung sakali man, sisigaw na lang ako. Pero teka, wala akong makitang security guard. Aalis na sana ako nang bigla nya akong hilahin pabalik. Agad kong hinawi ang paghahawak niya at alam kong hindi ko na maitago ang kaba sa sarili. “Okay lang po t-talaga ako manong. Salamat nalang ho.” “Mapapagod ka lang miss. Hatid na kita. Andyan yung jeep ko sa tabi. Tara.” Magsasalita na sana uli ako nang may humarang sa harap ko, kaya naitago niya ako sa likod niya. “Hindi mo ba siya narinig? Ayaw niyang sumakay. Aalis ka ba o tatawag ako ng guard?” “A—aalis na ako. S-sige.” “Salamat,” nakayuko pa ako habang nakahawak sa dibdib. “Mag-ingat ka sa mga ganung klase ng lalaki lalo na’t nasa Manila ka. Madaming siraulo dito. Better if you run kapag nasa public place ka pa and shout for help, okay?” Tumango ako, “Thank you.” Medyo may katangkaran itong tumulong sa akin kaya kailangan ko pang tumingala para makita siya. “Hello? Gail, bakit ka tumawag?” Gumilid siya nang kaunti para sagutin ang tawag. Nakablue suit siya at nakasuot ng eyeglasses. Wavy ang buhok at may katangusan ang ilong. Hindi siya ganun ka-fit pero sakto lang ang katawan niya. Dito din kaya siya nagta-trabaho? Baka employee siya ni Jann. Pero tingin ko boss siya e. Yun ang dating niya. Swerte naman ng mga employees niya kung ganun. Mukha siyang mabait. “Ano? Cancelled ang conference? Great,” napahawak ito sa sentido nang basta sabihin ang huling salita nang sarkastiko. Nagpasalamat ito sa kausap at ibinulsa ang phone niya saka humarap sa akin nang nakangiti. “Where are you heading?” “Huh?” Nagtataka kong saad sa tanong niya. He lets out a loud sigh. “Na-cancel ang conference ko,” he says it so calmly and intently like we are close friends and he needs to throw tantrums. “Ni-cancel ko lahat ng appointments ko para dun so technically, I have nothing to do. At!” He raises his finger at me like he has something else to say when he gets a hint that I am going to interrupt him. “Ayokong bumalik sa office kasi nandun yung stalker ko. Trust me she does not bother nagging me ALMOST ALL of the time.” He adds, almost pleading. “So please? Can I give you a ride?” End of Flashback Hindi talaga ako pumapayag nung una pero sobrang kulit niya. Para siyang bata na inaaway ng mga kalaro niya at nanghihingi ng ice cream. I felt that he was so upset kaya pumayag na ako sa huli. At isa pa, ayaw niya daw talagang makita ang stalker niya ngayon araw. Napaisip tuloy ako kung anong itsura nung girl na tinatawag niyang “stalker.” Jasper. Yan ang name niya. Sobrang naaliw ako sa kanya buong byahe dahil ang daldal niya at ang dami na niyang nakwento sa akin tungkol sa buhay niya. Pakiramdam ko sobrang close na namin. Sinuri niya ang mansion at parang kunti na lang ay ngingisi na siya sa kung anuman ang naiisip. “Dito ka magwo-work? Dito nakatira ang amo mo?” Tumango ako. “Interesting,” ngumiti siya sa akin at ibinigay na sa akin ang bag. “Okay, I’ll leave. Pano ba yan? See you, Tin. I’m VERY sure we will bump into each other soon.” He winks before waving goodbye and gets into his car. “Trisha iha! Sino yun? Boyfriend mo? Bakit hindi mo muna pinapasok dito?” Sunod-sunod na tanong ni manang habang pinagbubuksan ako ng gate. Agad kong winagayway ang mga kamay, “Naku manang, hindi po. Kaibigan ko lang po siya.” Nakangisi pa rin si manang nang makapasok ako at parang nanunukso pa. “Namumula ka iha. Naku mga kabataan talaga ngayon.” Awtomatiko akong napahawak sa mga pisngi at tawang-tawa si manang dahil halata raw ang pagkahiya ko. Hanggang sa makapasok na kami ay tinutukso niya pa rin ako at panay naman ang tanggi ko. “Manang, mag-isa lang ba si sir Michael dito?” Naghihiwa ako ng sibuyas habang binabantayan ni manang ang pinapakuluang karne. Tinawagan ni Jann si manang kanina at nagre-request ng sinigang dahil dito daw siya kakain. Hay. Mukhang sa isip ko nalang siya matatawag na Jann. Hindi ako sanay. Gusto kong matutong magluto ng mga paboritong pagkain ni Jann kaya tinulungan ko si manang. Nakilala ko na din kanina ang mga maids at hindi naman sila mahirap pakisamahan. Pakiramdam ko nga ay malapit na ako sa karamihan sa kanila. Nilapag ni manang sa mesa ang patatas at petsay. “Curious ka talaga kay Michael ano?” Pumwesto ito sa harapan ko at nagsimula ng balatan ang mga patatas. “Minsan lang umuwi ang mga magulang ng batang iyon. Paano laging nasa ibang bansa, kung hindi dahil sa trabaho ay nagbabakasyon naman. Kaya ayan, laging mag-isa dito sa mansion. Kaya nga bihira lang yun matulog dito dahil mag-isa lang naman daw siya, mas gusto niya dun sa condo niya. Nagulat nga ako nung nagrequest siya ng sinigang. Bihira lang siya kumain dito.” Hindi ko maipagkila ang tuwa kasi ito ang unang pagkakataon na lulutuan ko si Jann. “Manang sa susunod din po, magpatulong kayo sa akin magluto ah?” Nagulat ako nang makitang nakangisi si manang tulad ng panunukso niya sa akin kanina. “Naku kang bata ka. Crush mo si Michael ano? Akala ko kanina e si Jasper ang boyfriend mo? Naku baka magselos iyon.” Nag-iinit na ang pisngi ko sa mga saad ni manang. “Manang! Hindi ko nga po yun boyfriend.” At hindi na naman nagtigil si manang sa mga tukso niya sa akin. Nagitla ako nang biglang may magsalita sa likod ko. “Sino si Jasper?” Nilingon ko siya at hindi mapinta ang mukha niya. May nangyari kaya sa opisina kaya hindi maganda ang timpla niya? “Michael iho! Andyan ka na pala, maupo ka na mesa at ipaghahain na kita. Malapit nang maluto itong sinigang.” “Magandang gabi sir,” hindi siya tumugon at kumunot lang ang noo nito. “Iha, yung petsay,” tatalikod na sana ako nang bigla ulit nagtanong si Jann. “Sino sa Jasper?” Medyo may inis na sa tono niya, marahil ay dahil hindi agad sinagot ang tanong niya. “Ah! Si Jasper kamo? Boypren nitong si Trisha. Itong bata ayaw pang umamin,” pinandilatan ko ng mata si manang Julie. Hindi magandang biro iyon! Baka kung ano ang isipin ni Jann. “Manang Julie!” Agad kong nilingon si Jann. Muntikan ko pang mabitawan ang hawak na bowl ng petsay. “Hindi totoo yun Jann—Michael pala! Hindi ko boyfriend si Jasper. Hinatid niya lang ako!” Umalingawngaw ang boses ko sa buong kusina pero parang walang narinig si Jann at hindi nagbabago ang expression niya. Galit ba siya? Pero hindi nga totoo iyon! Nilampasan niya ako at nagtungo kay manang. Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko dahil kita kong galit sa akin si Jann. “Manang, mamaya na ako kakain. May pupuntahan pa ako. Magpahinga na kayo. Trisha,” sabay talikod niya para harapin ako. “Ikaw na ang maghain ng pagkain mamaya pagkauwi ko. Hintayin mo ako.” “Manang, bakit niyo sinabi yun? Hindi nga ho si Jasper ang boypren ko.” Nakasimangot kong sambit habang binibigay sa kanya ang mangkok. Si Jann ang boyfriend ko. Gusto ko pa sanang idagdag. Natawa lang si manang, “E may boypren ka na pala iha. Ganun na din yun. Mahirap na at baka magkagusto ka kay Michael. Sobrang lapitin ng babae iyon. Naku kahit kilala ko na siya mula pagkabata ay ayoko pa ring mapalapit ka sa kanya.” “Po? Anong ibig niyong sabihin?” “Iyang si Michael, alam mo ba? Hindi yan nagtitino sa iisang babae. Pilyo ang batang iyan. Nung hayskul yan, iba-ibang babae ang laging kasama,” ang lakas ng t***k ng puso ko sa puntong gusto ko nang ibahin ang topic at nang maitigil si manang sa mga ikukwento pa niya. Hindi ako handa sa mga maaari niyang sabihin. Pero para akong napipi sa kinatatayuan ko. “Nang nagkolehiyo, ganun pa rin. Pero ang ikinatataka ko e nung lumipas ang ilang taon, nakita kong may pagbabago sa mga inaasal ni Michael. Hindi na siya nag-uuwi ng mga babae dito at mas maligalig na siya di tulad noon. Akala ko tuloy-tuloy na iyon. Sobrang saya ko dahil ang laki ng pinagbago niya.” Nung mga panahong naging kami kaya ni Jann... hindi na siya ganun? Bumalik bigla ang alaala ko noong nasa bus ako at nakita ko siyang kahalikan—Hindi. Hindi ganun si Jann. Pero... bakit— “Kaya lang nitong mga nakalipas na buwan, bumalik na naman siya sa nakagawian niya noon. Hindi ko nga alam bakit naging ganyan na naman ang batang iyan. Kaya ikaw iha, nag-aalala lang naman ako sa iyo. Nakikita kong mabait kang bata at ayokong makitang nawawasak yang puso mo. Mag-ingat ka kay Michael.” Michael Jann I feel that the world around me is turning upside down but somehow I still managed to drive and get home. Thank God I was not caught for drunk driving. I needed to get home because I know someone is waiting for me here. Well, I told her to. Hindi ako nagpunta sa bar where I used to go to. I went back to the office. I own a bar there, so I reserved the whole place for myself. Hindi ko maintidihan kong anong nangyayari sa akin but earlier, when I heard that Jasper’s name—damn! Am I really this jealous? I shouldn’t be feeling this way! Nang buksan ko ang pinto, siya agad ang hinanap ng mata ko. Hindi naman ako nahirapang hanapin siya na ngayon ay nasa sofa ng sala at mahimbing ang tulog. Sh*t! Was I gone for long? I try to check my watch but all I can see is a cracked screen and the hands of it are not even moving. I can’t possibly get rid of this watch even if it is not working anymore. This is Tin’s gift for me. How can I? Dumako ang mga mata ko sa babaeng mahimbing na natutulog. I might have lost track of time. I let out a loud sigh. “Michael?” Now I’m really starting to dislike my second name.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD