GOTW: 001

1654 Words
Chapter 1: Fundamental Abilities Ciella's POV Nakadungaw ako sa bintana ng aking kwarto. Pinagmamasdan ang mga batang naglalaro at inaaral ang taglay na F.A. o yung Fundamental Ability. I remember back then before human discovered their power or so called elements, I'm just a three year old that time, binabasahan pa ko ni mommy ng stories about having such element power. Mommy said that it's not going to happen. But one day, one of our neighbors accidentally fell from the second floor of their house. Nag alala lahat that time, syempre nagulat kami kase bigla nalang syang sumigaw, we wait hanggang sa marating nya ang baba, pero imbis na tuluyang mahulog, nagulat nalang kami at di makapaniwala na nakokontrol nya ang gravity upang di bumagsak. Hanggang sa nagkasunod sunod na lumabas ang iba't ibang klase ng kakayahan na meron ang mga tao. Not just here in this country, but in the whole wide world. Pinag aralan ng mga tao na kontrolin ang kakayahan. Gumawa rin ng batas ang lahat ng bansa para sa tamang paggamit nito. Pinahalagahan at inalagaan ng tao upang mapalakas. Ginamit sa pangaraw-araw na pamumuhay. Pero may mga tao parin namang masasabi kong normal, kung normal pa bang matatawag ang walang ganitong kapangyarihan. Yes, may ilan parin na di madiskubre ang kakayahan. Mga late bloomer na tinatawag. Sila yung mga api at madalas ibully. Gaya ko I'm a late bloomer, lahat ng kaibigan ko ay na discover na ang powers. Ako nalang din sa pamilya namin ang walang F.A but I don't mind. Wala ring bumu bully sakin sa di maipaliwanag na dahilan. Ilag sakin ang lahat at animo'y mayroon akong malalang sakit. Pero ok lang, at least tahimik ang buhay ko. May friends naman ako pero bilang lang at pawang di pa totoo. Siguro takot lang sila kase kilala akong b***h sa buong bayan. Walang pinapalagpas kahit may super strength pa ang katapat. May isang bagay lang ang labis kong pinagtataka, sa dami na ng F.A na nadidiscover wala paring may kakayahang gumamit ng Main Elements. Sa tagal na ng panahon na merong ganito ang mga tao ay nahati narin sa iba't ibang grupo ang mga kakayahan. First group is what we call, late bloomers dito nabibilang ang mga katulad ko na wala paring F.A, kami yung madalas mabully at itinuturing na pinakamababa at api. Sunod ay ang mga, Grandes nahahati sila sa tatlo, ang unang grupo, sila yung mga Plebeyos kung tawagin at common na yung powers tulad ng mga strength, speed, at flying. Sila yung sunod saming pinakamababa. Pangalawa ay yung mga Fuerte o yung may mga kakayahang gumamit ng witchcraft, telekinesis, at copying or ung nakakakopya ng anyo ng lahat. At ang huling grupo, ay yung kung tawaging Regalias sila ang puma pangalawa sa mga matataas. Sila yung may dalawa hanggang tatlong uri ng F.A, pwede silang magtaglay ng pinaghalong powers galing sa 1st at 2nd group, pwedeng strength at telekinesis, pwede ding fly at copying. Sila yung malalakas at talagang may ipagmamalaki. Ang huling grupo ay yung mga Superior, sila yung may mga main elements. Yung may fire, air, spirit, snow, water, plant, lava, earth, sun, thunder, at metal. Pero gaya nga ng nabasa niyo wala paring nakakadiskubre nito. Kaya wala paring sapat na impormasyon ukol sa mga ito. Bukod sa mga nasabing grupo may isang theory ang mga scientist na nagaaral ng F.A, ito ay ang pinakamalakas sa lahat ng users. Siya o sila ang may kakayahang gamitin ang lahat ng kapangyarihan. Marahil nakakamangha ang magtaglay ng ganitong klase ng regalo, pero kahit na ganoon ay may takot paring nakadikit dito. Gaya ng mga nababasa kong kwento ay di maaaring mawala ang kasamaan. Kasabay ng pagtuklas ng F.A ay ang pagsulpot ng iba't ibang klase ng masasamang grupo. Kung nagkaroon ng alyansa ang mga ligero o mabubuting users, nagkaroon din ang kasamaan o oscuro. Talagang nakakatakot ang kaya nilang gawin, dahil hindi lang basta basta ang F.A nila. Mas malalakas sila at mas masasama ang pwedeng mangyari sa paggagamitan nila nito. Kaya hanggang ngayon ay di parin tumitigil ang namumuno na ligero sa paghahanap sa mga Superior bago sila maunahan ng kabilang panig. Hindi ko alam kung wala pa ba talagang nakakadiskubre o nagtatago lang ang may mga taglay nito. Pero, isa lang ang hiling ko sa kanila, sana, sana lang magpakita na sila. Kailangan sila ng mundo, kailangan ng mga users ng tgapagtanggol. 'Tok tok tok' "Nak?" si daddy. "Yes?" "Nagbabasa ka na naman?" tanong pa niya. "Hmm, nope." "Eh? Ano yang ginagawa mo?" "Iniisip ko lang kung paano ko madidiscover yung F.A ko." mapait pa kong napangiti. Hindi naman ako naglulungkot na wala ako F.A, actually mas pabor nga sakin yun eh. Walang hassle, walang kailangang pagaralan. I'm just teasing him, I want to know kung maaapektuhan ba sya ng pagda drama ko. "I'm so sorry princess. Alam kong nabubully ka dahil sa pagiging late bloomer mo, pero ginagawa ko ang lahat para malaman kung bakit hanggang ngayon wala ka paring F.A, I'm sorry dear." Madramang sabi pa ni Daddy. Di ko na napigil ang tawa ko na siyang nagpasimangot sa kanya. "Hahaha, kung nakita niyo lang yung itsura niyo kanina baka natawa narin kayo!" naluluha ko pang sabi. "Ah, ganun ha?" naging seryoso bigla si Daddy kaya nakaramdam ako ng kaba. "Eh!? Daddy galit ba kayo?" Tanong ko sa kanya. Kinakabahan ako sa ekspresyon niya, blanko lang. "Ayy, dad? Sorr-" "Ikaw ah!" naputol ang sasabihin ko dahil bigla nya kong kiniliti! "Oh my gad! Dad stop it!" "Hahaha, no princess it's your punishment!" "Hahaha, mom! Help me! Hahaha" tawag ko pa kay mommy. "Hey what is it?" Si mommy. Tumakbo ko sa kanya at saka parang batang nagsumbong. "Mom oh si Daddy!" "Hey, mukhang nagkakasiyahan kayo dito ah?" Si-- "Kuya Brix!" "Princess, how are you?" "I'm doing well, kuya I miss you!" nakayakap ko pang sabi sa kanya. "Me too, my princess." sabi pa nya sa naglalambing na boses. Siya si Brix Salazar. First cousin ko sa side ni Mommy, actually siya lang talaga ang pinsan ko. Only child lang si Daddy, dalawa lang naman sila Mommy at pareho nang only child ang grandparents namin both side. Kaya tatlo lang kami nila kuya na lumaki sa pamilya. Wala na ang parents ni Kuya Brix kaya samin na siya lumaki. Nawalan kami ng contact sa pamilya niya sa father side kaya kinuha na nila Daddy ang custody para samin na tumira si Kuya. At dahil nga wala na kaming malalapit na relatives, kami- kami nalang din ang magkakasama. Kaya rin daw sila over protective sakin dahil ako ang unika iha sa pamilya, maski sila Kuya Les ay umuuwe bigla galing states kapag may emergency daw, kahit di naman talaga matatawag na emergency. Si Kuya Lester ang panganay, syempre dahil kuya ko siya. "Eh ako, di mo ba ko namiss? Magseselos na talaga ko kay Brix." speaking of Kuya Lester. "Kuya Les!" Dali akong tumakbo at pumasan sa kanya. Grabe ang bango ng kuya ko, pero mas mabango si Kuya Brix hehehe. "Namiss kita bunso." ginulo pa ni Kuya ang buhok ko. Grabe namiss ko tong mga kuya ko. Si Kuya Lester kase ay sa States naka base, siya ang nagpapatakbo ng company at mga negosyo namin dun, sabay sa pagaaral niya. Si Kuya Brix naman ay sa isang dormitory school pumapasok, kaya di ko din siya madalas makasama. "Oyy, tama na yan. Matagal tagal pa kayong magkakasamang tatlo." Singit ni Daddy samin nila kuya. "Nakaw! Si Daddy nagseselos!" Tukso nila kay Dad. Di naman sila pinansin nung huli. At bumaba na habang akbay si Mom na halata namang nagpipigil ng tawa. "Sige na bunso magpahinga ka na." Hinalikan ako ni Kuya Lester sa noo bago sumunod kila Daddy. At si Kuya Brix naman ay ginulo nalang ang buhok ko saka ito humabol. Maraming inaasikaso si Kuya Les sa States, siya ang tagapagmana ng mga Davis kaya pressured siya masyado, malaki rin kase ang tanda samin nito, 23 na si Kuya Les, si Kuya Brix naman ang magmamana ng Salazar pero since 17 palang siya ay hinahayaan muna nila ito sa kung anong gustong gawin. Isa naman si Daddy sa mga scientist na pinagaaralan ang F.A, he's one of the best researcher that the ligero ever had. Ayaw ni Dad na manahin ang yaman ng Davis kaya kay Kuya Les ni Lolo ipapasa. Mataas naman ang position ni daddy sa association na namamahala sa paggamit ng abilities. Kaya di rin nadisapoint sila Lolo sa kanya. Dahil sa kanya ay nakilala ang pamilya namin, sumikat dahil sa yaman at ginalang dahil sa katalinuhan ng bawat myembro. Pero kahit na ganun, ay di ako kilala ng mga mamamayan bilang anak ni Kiel at Allaine Davis. Ayaw ng pamilya ko na ipakilala ako bilang unika iha ng pamilya Davis at Salazar, dahil sa mga traydor na nakapaligid sa pamilya namin. Malamang na ako ang puntirya nila dahil sa ako daw ang weakness ng malakas na pamilya. Maraming gusto kaming pabagsakin, pero di nila magawa. Malaki ang papel ng dalawang pamilya sa underground. Kaya naming mapaikot ang lahat sa palad namin, kaya naming magpabagsak ng napakaraming negosyo sa isang iglap. Pero dahil sa wala pa namang nakakakilala saking negosyante ay wala parin kahit isa ang nagtatangka saking buhay, kaya wala parin sila kuya'ng napapabagsak. Hindi lang ang pera namin ang habol nila, pati rin ang F.A nila Mom at Kuya Les. Si Mom ay may witchcraft at flying na kakayahan, magagamit ito ng kalaban para malaman ang impormasyong nais nilang makuha. Si Kuya Les naman ay pinaghalong strength, speed at copying na magagamit sa digmaan. Si Dad ay may telekinesis at strength kay Kuya Brix. Sa tagal ng pagiisip ay di ko namalayang nakatulog na pala ako. -------------------------------------------------------------------------------------------------------------- So here it is!!! This chapter contains 1654 words, from here. So please enjoy!! If you like it feel free to vote! Thanks!!:) Mwuah* Hope you guys enjoy it! -cheeseforlifeeeee
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD