Chapter 2: Nightmare
Ciella's POV
Masyado nang magulo ang mundo, marami ng napapahamak at lumalaganap na ang kasamaan. Di man halata dahil nagiging masaya at nakakapamuhay pa naman ang mga mamamayan ng maayos, ay di parin maitatago ang katotohanang may paparating na panganib.
N-nararamdaman ko, nakakatakot, m-may paparating na d-delubyo. D-di ko alam kung bakit nalalaman ko ito, a-ayoko ng ganito, di ko g-gusto ang t-takot na ito, nakakapanghina. Alam k-ko, nakikita ko ang mga mangyayari, maraming m-mamamatay. Sasakupin ng dilim ang mundo. Nakakarinig ako ng panaghaw, sigaw at paghingi ng tulong.
'A-ayaw ko na'
"Aaaarrrrgggghhhhh t-tama na p-pleaseeee!!!!"
"E-ella!?" n-naririnig ko.
"Princess! K-kumalma k-ka l-lang!" n-naririnig ko sila. Pero bakit, b-bakit di ko sila makita!?
A-ang dilim, sobrang d-dilim. Wala kong makita, n-nasaan ako? Tulong p-please!.... A-ayaw ko na dito...
May nakita kong liwanag mula sa malayo, kahit sobrang dilim pilit akong pumunta doon. Pilit kong inaaninag ang matigas na lupang linalakaran ko. Kahit natatakot pilit kong pinalalakas ang loob para marating ang liwanag. From a slow walk turning into a fast run. I can see the light, I can hear noises from afar. Nang malapit na ko sa liwanag ay kinalma ko na ang sarili. As I walked away to escape in the dark, a little smile start forming in my mouth, I felt so much excitement but faded when I found a chaos. That little glimpse of light who I've seen from afar is now a town. Pero hindi lang basta bayan, ang bayan na ito ay nasa apoy. Literal na nasa apoy! Nasusunog ang buong bayan!
'Tulong! Tulongan niyo kami!'
'parang away niyo na!'
'aaahhhhhh'
'nay! Inay nasan po kayo!'
'jay!? Nasan ka anak ko!'
D-dito ko n-naririnig yung mga n-nakakakilabot na sigaw. Trahedya, yun ang nakikita ko ngayon. Nakakatakot na delubyo, a-ang daming d-dugo. Maraming Patay, maraming umiiyak, maraming wala na sa sarili. Hindi lang matatanda ang patay sa paligid ko, m-meron ding b-bata?
'Hindi ayoko na dito'
"Nak!? Ella!?" si mommy?
"Mommy!? Nasan kayo!?" nasan sila? Bakit di ko sila makita?
"Bunso!? Naririnig mo ba kami!?" oo Kuya Les naririnig ko kayo.
Pero, n-nasan kayo?
"Nak? Ella gumising ka na baby ko." daddy?
"Daddy!!"
"Mommy!!"
"Kuya Les!?"
"Please tulong!!"
"Kuya Brix!"
Dumilim na naman? Nasan na yung bayan bakit ang dilim? D-di na ko makahinga. Nauubusan ako ng hangin. P-parang may humihigop sa hangin. Nasan ba ko!?
"H-haaaa!" isang malalim na hininga ang pinakawalan ko kasabay ng pagbangon ko na animo'ng galing sa pagkakalunod.
Nilibot ko ang paningin ko at nakitang nasa hospital ako. Walang tao sa kwartong kinaroroonan ko, wala sila kuya. I'll tried to speak but no words comes out from my mouth. I tried to cough but never heard it. Wala din akong maramdaman, tinry ko ring tumayo pero di ko maramdaman ang mga paa ko. Nagsisimula na naman akong manginig sa takot, I tried my best to walk, only to fell in the ground. I thought I would feel any pain, but I was wrong. Nangangatal na gumapang ako patungo sa pintuan ng kwartong ito. Marami kong naririnig na boses sa labas, ngunit na dismaya lang ako sa pagbukas ng pinto ay wala naman akong nakitang tao sa labas.
'nasan ang mga tao?'
Pinipilit ko ang sariling tumayo at sumandal sa pader upang may makapitan. Kahit hinang hina ay lumakad ako ng lumakad, nagbabaka sakaling may masalubong na tao. Pero sa tagal ko ng naghahanap ay wala parin kahit isa. I heard noises again but when I'm going to where it is coming from, the voices faded.
Kahit nanghihina pa ay lumabas na ko sa hospital na iyon. Pero mas magugulat pa pala ko sa maaabutan kapag lumabas ako, kung walang katao tao sa hospital mas walang tao sa labas nito. Parang abandunadong bayan ang kinaroroonan ko. Naglakadlakad ako palibot sa bayan, pero kahit isang nilalang ay wala parin. Bukas ang ilaw ng mga try establishment pero walang customer o kahit bantay man lang. Humangin ng malakas na siyang nagdagdag ng kilabot sa'kin, feeling ko nasa isa akong horror film.
Pinikit ko ang mata dahil sa labas na frustration, f*ck! Ayaw ko sabi ng ganito ehh!!
Akala ko ay imagination ko lang na may nakikitang tao habang nakapikit, pero hindi pala nabunggo ko pa yung isa. Bakit nagkaroon bigla ng tao? At kung kelan nakapikit ako? Wait! What? Nakapikit nga pala ko. Weird! nakakakita ako pag nakapikit? Humarap ako sa salamin na nasa harap ko at pumikit ule, gaya ng inaasahan ay nakita ko ang repleksyon ko sa salamin. Pero hindi na ko nakapikit, h-how come?
"Iha? Are you ok?" May matandang lumapit bigla sakin.
"Ha!? Ahh, opo I'm fine."
"Are you sure you look pale." Nagaalalang tanong ule niya.
"Hmm, yes po."
"Eh kung ganun, hulihin niyo siya!!!!" Bigla ay sigaw niya. Nung una nagtaka pa ko, pero nung lumakad na palapit yung mga malapit sa'min ay kinabahan na ko. Agad akong tumakbo palayo sa kanila, dumilat na ko pero naririnig ko parin sila. Napapagod na din ako at kung san san na nagtago pero nasusundan nila. Kasalukuyan akong nagtatago sa ilalim ng lamesa dito sa isang resto nang biglang, may humila sakin.
"Ahhhhhh."
"Wag ng matigas ang ukol bata." Sabi pa nito. Wala akong nakikita pero nararamdaman at naririnig ko sila. Nagpasya akong pumikit na sana di ko nalang ginawa dahil sa aking nakita. A-agnas na ang katawan ng bumubuhat sa'kin ngayon. Ibinagsak niya ko sa lupa at gaya nga kanina wala pati akong maramdamang sakit.
Natahimik ang paligid dahil sa pagdating ng isang babae, maganda siya pero mas maganda pa sya kung walang hawak na kutsilyo. Ang kaninang mabagal na paglakad niya ay naging mabilis na takbo patungo sa'kin. Hindi ako nakagalaw, di ko nagawang iwasan ang kutsilyo'ng sasaksak sakin. Nagslow motion pa ang paligid bago ko naramdaman ang sakit na dulot ng pagtarak ng patalim sa mismong dibdib ko.
"Aaaarrrrgggghhhhh."
Nakarinig pa ko ng nakakakilabot na tawanan bago dumilim ang lahat.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------
1033 words for this chapter.
Don't forget to vote!!!
-cheeseforlifeeeee