Nang binuksan ko ang Pintoan sa kwarto ni Jake ay napabalikwas ako ng takbo palapit sa kanya nang makita kong pilit niyang binabangon ang sarili niya "Anong kailangan mo may gusto ka bang gawin o puntahan?" Nag aalalang tanong ko kay Jake. Marami pa kasi itong hindi kayang gawin at siguro matatagalan pa kami dito sa Hospital. Hindi pa niya kayang kumilos mag isa at makapag lakad. "Nababagot na kasi ako dito. Hindi ko magalaw ang mga paa ko at hirap akong bumangon. Wala masolong gawin. " He sound so disappointed " Parang wala na akong silbi." Nag iwas ito ng tingin sa akin at yumuko. Tinulungan ko siyang Bumangon at isinandal ang likod niya sa Unan na ipinatong ko sa Higaan niya "Wag mo ngang sasabihin yan. Gagaling ka naman. Hindi nga lang ganun kabilis. All you have to worry is to

