Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko habang nakatayo sa Harap ng Isang Dalawang palapag na Bahay. Hindi naman gaano kagarbo pero nasa loob ito ng Subdivision. Maganda ang Bahay at Simple. Tama nga si Jake, Maayos ang Buhay ng Pamilya ko. Hindi ko alam kung paano ko siya pasasalamatan sa ginawa niya sa akin at sa Pamilya ko gayong Nagdesisyon akong makipaghiwalay sa kanya. Napatingin ako sa Gate ng Bigla itong Bumukas. Iniluwal ito ang isang Babaeng Pamilyar sa akin. Maiksi ang Buhok at makinis ang balat. Halata ang Matumal na Pagtanda nito. "Jusko!" Nabitawan niya ang Garbage Bag nang magtama ang mga mata namin "R-Rian?" Mangiyak ngiyak na Tawag nito sa akin. Bigla nalang ako napaluha nang tinawag niya ang Pangalan ko "Ma?" "Anak ikaw nga yan!" Naiiyak na sabi ni Mama sa

