Chapter 1: Flame

1394 Words
“Ayoko, Papa. I love her and I will never hurt her,” pagmamatigas ko sa aking ama. “Punyeta!” Bumaling ang mukha ko sa suntok na ibinigay sa akin ni Papa. “Fernando! ‘Wag mong saktan ang anak mo!” hiyaw ni Mama na agad yumapos sa akin upang proteksiyunan ako mula sa mga susunod pang atake ni Papa. “Kaya tumitigas ang ulo ng anak mo ay dahil palagi mong kinukunsinte!” galit na bulyaw nito sa aking ina at pagkatapos ay ako naman ang binalingan niya. “Florence, hindi ba at matagal na nating plinano ito?! Ngayong hulog na hulog na ang loob ng batang iyon sa’yo, ano at ayaw mo nang ituloy ang napagplanuhan natin para sa kanya?!” Halos mag-alab ang tingin ng aking ama sa akin. “Papa, mahal ko siya.” Natatakot man ay pinilit kong magpakatatag sa harap ng aking ama. “Mahal?! Punyetang pagmamahal ‘yan, Florence! Maibabalik ba ng pagmamahal na iyan ang titulo kong inagaw sa akin ng dupang na ama ng babaeng ‘yun?! Hindi ba at nag-usap na tayo?! We are already half-way in our plans! Dinala mo na rito at ipinagmalaking nobya mo ang babaeng iyon! Isang hakbang na lang, Florence!” Hinigit na naman niya ang kuwelyo ng damit ko at balak na naman niya sana akong suntukin ngunit muling ihinarang ni Mama ang kanyang katawan sa pagitan namin. “Papa, sana maintindihan mo that our plans backfired! Mahal ko na si Makie, Papa. I love her! And I will not push through with our plans of destroying her father through her!” Hindi ko na napigilan pa ang masigawan ang aking ama. Yes. My father and I are talking about my girlfriend. And yes, we are planning to destroy her father through her. Planado namin ni Papa ang lahat mula sa aming pagkakakilala, sa aking pagpapa-ibig sa kanya and later on to leave her broken-hearted and used and a lot more of evil plans you wouldn’t wish to know. Bakit namin iyon ginawa? Para makapaghiganti sa ama niya na tumalo sa aking ama sa pagka-congressman noong nakaraang eleksyon. We wanted to tarnish her father’s reputation through her. Our plans were solid until I’ve personally met her. Every plan started to blur when I’ve known how good-natured, lovable and beautiful she is inside and out. And I fell. Deeply and madly. Heart, body and soul. I forgot about the plans. I forgot about my father. The only things that went on in my mind are Makie and the love I have for her. “Papa, tama na. Ayoko nang ituloy ‘yung plano. Mahal ko na si Makie,” pakikiusap ko kay Papa. Nagpakatatag ako dahil ayokong saktan ang babaeng mahal ko. Kung kinakailangang magmakaawa ako sa ama ko ay gagawin ko. My father is a mean and an ambitious man. Wala siyang ibang nasa isip ngayon kundi ang maghiganti mula sa pagkakapahiya ng pagkatalo nitong nakaraang eleksyon. Hindi ko lubusang masisisi ang mga tao na maghangad ng bagong pinuno. My father ruled the province with an iron hand. Wala siyang pinipiling parusahan. Matanda, bata, babae o lalaki ay nakakatikim ng parusa sa kanya kapag nakagawa ang mga ito ng mga bagay na hindi niya nagugustuhan. Maging ang kanyang mga kakampi sa pulitika ay hindi niya pinapatawad. Maliit na pagkakamali ay agad niyang tinatanggal ang mga ito sa posisyon. And because of these, people grew tired of him so they elected someone new. Unfortunately, it’s Makie’s dad and my father wasn’t able to accept that. He wanted to get even kahit na gumamit pa siya ng dahas. Hindi lang niya makanti ang mga ito sa ngayon dahil kapag nalaman ng mga tao ang kasamaang gagawin niya ay madamamay ang mga kapatid niyang nasa pulitika rin. He belongs to a family of winners, powerful and dominating species of men. Two of his siblings are senators, three of my aunts are governors. At ang isang ugali na meron sila? Hindi sila marunong tumanggap ng pagkatalo. It saddens me that he has to use me, his only son, for his revenge. I really love Makie. Kapag nasa Martenei University ako, wala akong ibang iniisip kundi siya. Ilang ulit din akong nakiusap kay Marcus, ang founder ng grupong kinabibilangan ko at may-ari ng Martenei U, na payagan akong lumabas tuwing weekends para lang makasama si Makie. Good thing ay maunawain si Master sa kabila ng istriktong pamamalakad nito sa 7 Demons at Martenei. I never told my father about the changes in my plans. Una, natatakot akong madismaya siya. Sa kabila ng hindi magandang pakikitungo ni Papa sa ibang tao ay naging mabuti siyang ama sa akin. Of course, ako ang kanyang kaisa-isang anak. Ikalawa, natatakot ako sa puwede niyang gawin kapag nalaman niyang ayoko nang ituloy ang mga plano namin. Mahal ko si Makie. I got so jealous when I got to know that men are pestering her in school. I made a plan of claiming her on her birthday two days ago. In return, I have given her my whole. I took her virginity. She took mine. And that strengthened my will not to hurt her nor harm her anymore. Kung kinakailangan ko siyang protektahan mula sa aking sariling ama, then gagawin ko. I’m getting ready for it. What I didn’t expect was that it will be sooner. Kahapon, she asked me to introduce her to my parents. Ayoko pa sana but when she pouted, it melted my heart. Dinala ko siya rito kanina. My father was ecstastic. He thought that I’m already proceeding with our plan. Nang umuwi ako kanina pagkatapos kong ihatid si Makie ay nagtanong siya. Hindi ko na itinanggi ang gusto kong mangyari. And he got so f*****g mad that he brought hell into our house. “Are you telling me that you are choosing that girl over me na sarili mong ama, Florence?!” Dumagundong ang boses ni Papa sa bawat sulok ng mansyon. “Papa, wala akong pinipili. Mahal kita pero mahal ko na rin si Makie. Puwede bang kalimutan na natin ang plano and move on? Please, Papa,” pakiusap kong muli sa kanya. “Kalimutan?! Paano ko makakalimutan kung tuwing lumalabas ako ay umiismid ang mga tao sa paligid ko? Paano ko makakalimutan kung tuwing nagkikita at nag-uusap kami ng mga kapatid ko ay sinisisi nila ako sa pagkatalo ko?! Paano ko makakalimutan kung tuwing natutulog ako sa gabi ay napapanaginipan ko ang saya ng mga tao nang malaman nilang tinalo ako ng isang pipitsuging mayor?! Akala ko ba naiintindihan mo ako, Florence?! I thought you can feel my humiliation and pain?! You agreed on this! There’s no turning back now!” angil niya sa akin. “At binabawi ko na ang pagpayag ko, Papa. Yes! I feel your humiliation and pain. But I love her, Papa. Please, for my sake, kalimutan na natin ang paghihiganti.” “At paano kung ayoko?!” I can see the danger on his face that made me swallowed the lump in my throat when he said those words. “Then I will choose her. I’m sorry, Papa.” I wanted to regret what I’ve said when I saw the pain that crossed my father’s face. Something clutched my heart. I felt the pain too that made me want to cry. Walang imik niya kaming tinalikuran ni Mama. Hindi ko alam kung makakahinga ba ako nang maluwag dahil sa ginawa niya. Nakakalimang hakbang pa lang siya nang muli niyang tinawag ang pangalan ko. “Pinapatawad kita sa mga naging kabastusan mo sa akin sa oras na ito. Marahil ay nabubulagan ka lang sa ngayon kaya palalampasin ko ang lahat.” Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya upang muli lang pangapusan ng hininga sa mga salitang sumunod na lumabas mula sa kanya. “But that doesn’t change my mind. I’m giving you a month to pursue with the plan, Florence. r**e her. Abuse her. Do all the evil things we planned for her. Drug her and make her dependent on it until she’s destroyed because her destruction is her father’s, too. Gagawin mo o ako ang gagawa.” Pakiramdam ko ay nabagsakan ako ng milyong hallow blocks sa ulo at nabaril ng armalite nang marinig ko ang mga salitang iyon.. Hindi ako makakilos. Hindi ako makahinga. And I felt I’ve died at that very hour.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD