Chapter 4: Makie

2034 Words
Nagkatinginan kami ni George. He knows about my relationship with Flame. Isa siya sa masaya para sa amin kahit na hindi pa sila personal na nagkikita o nagkakakilala. Sa ilang buwan naming relasyon ni Flame, nalaman kong mas gusto niyang dalawa lang kaming magkasama kapag may oras siyang dalawin ako. I tried telling him about George pero palagi niyang sinasabi na dapat ‘yung tungkol lang sa amin ang pag-uusapan namin at hindi tungkol sa ibang tao. Kung ‘di ko pa nga siya pinuntahan sa Martenei noon, ‘di ko pa makikilala ang mga kaibigan niya. “Oh, bakit gustong makipag-bonding ng biyenan mong hilaw sa’yo? Masyado namang advance ‘yang father ni Flame,” bulong sa akin ni George habang sinusundan ang mga lalaking nakabarong papunta sa nakaparadang itim na Pajero. Nagpumilit kasi akong samahan niya. “Baka mas gusto niya lang akong makilala pa,” bulong ko rin sa kanya. Nang makapasok na kami sa loob ay mabilis na pinaandar ng isa sa mga nakabarong ang sasakyan. May kabang bumubundol sa puso ko ngunit binalewala ko iyon. “Tawagan mo kaya si Flame.” Nasa boses na rin ni George ang kaba habang ibinubulong sa akin iyon. Laking gulat naming pareho nang tutukan kami ng mga nakabarong ng mga baril dahil tila narinig din nila ang sinabi ng kaibigan ko sa akin. Napasiksik ako kay George sa takot na nanuot sa akin. “’Wag n’yong subukang tumawag kundi mapapadali ang pagpunta n’yo sa langit!” mabangis na pananakot sa amin ng nasa likuran namin. Mabilis naman na naagaw ng kidnapper na nasa tabi ko ang mga bag namin ni George. On instinct ay napayakap kami sa isa’t isa. “S-sino po ba kayo? A-akala ko po ba g-gustong makipag-usap sa akin ni Mr. Alonzo?” nahihintakutan kong tanong sa kanila. “Mr. Alonzo?! Mga pare, may kilala ba kayong Mr. Alonzo?!” nang-aasar na tumawa ‘yung katabi ng driver. “Wala akong kilalang Mr. Alonzo! Ang kakilala ko ay si Mr. Demonyo! Hahahaha!” Nakakabinging tawanan ang pumuno sa loob ng sasakyan. Pareho kaming pinanlamigan ni George. Gosh! Mga kidnappers! “Itali mo na ang mga ‘yan, pare. Mamaya pagpi-fiesta-han natin ang mga ‘yan! Hahaha!” Nanindig ang balahibo ko sa aking narinig. “Mga walanghiya kayo! Hindi n’yo ba kilala ang papa ko?! Congressman siya ng probinsiya namin! Akala n’yo ba makakaligtas kayo sa ginagawa n’yo sa amin?! Bitiwan mo ako!” Nagpumiglas ako nang hilahin ako ng isang kidnapper. Hinila ako ni George pabalik sa katawan niya ngunit pinalo ng kidnapper na nasa likuran namin ang ulo ng kaibigan ko kaya agad siyang nawalan ng malay. “George!” pagpapalahaw ko habang pilit pa ring kumakawala sa mahigpit na paghila sa akin ng kidnapper sa tabi ko. Sinubukan kong manipa, manabunot at mangagat ngunit may itinakip na telang may mabahong amoy sa mukha ko ang lalaking nasa likuran ng sasakyan. Chloroform. Iyon ang huling salitang nasa isipan ko nang balutin ako ng kadiliman. ... I woke up with a very heavy head. Halos hindi ko ito maiangat mula sa kinahihigaan nito. Pati ang mga mata ko ay hirap akong imulat. Ang katawan ko rin ay namamanhid. Hindi ako makagalaw. I groaned. What happened to me?! Then I heard a loud bang and a growl. Biglang yumugyog ang kinahihigaan ko. Nakarinig ako ng mga sigaw at pagmumura at sobrang ingay na parang may nagwawala. I tried to focus on the voices that I am hearing. Narinig ko ang sigaw ni George. George? GEORGE! Ang huling natatandaan ko ay sumakay kami sa Pajero ng mga nakabarong na lalaki, tinutukan kami ng mga baril at ... gosh! Baka pinapatay na nila ang bestfriend ko! I gathered all my strength and pushed my eyelids open. Pain shot right through them when I succeeded in opening my eyes. Sinubukan kong bumangon pero napasapo ako sa ulo kong nanakit dahil sa biglaan kong paggalaw. Lord, give me strength! I have to save my bestfriend. Muli akong nagmulat ng mga mata at nagulat ako sa nabungaran kong katawan ko. Diyos ko! Bakit ako hubad?! “f**k you! I’m gonna kill you! I’m gonna kill you!” My head snapped towards the direction of that familiar voice. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Flame ‘yun! Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong walang habas niyang pinagsusuntok si George na hubo’t hubad ding tulad ko. Oh, God! Ano ang nangyayari?! Bakit nagkakaganito?! “Aargh!” I heard George screamed in pain habang pinagsisipa siya ng namumula sa galit na nobyo ko. Muli akong nag-ipon ng lakas at inabot ang kumot para ibalot sa hubad kong katawan. Kailangan kong mapigilan si Flame dahil kitang-kita ko sa mukha niya ang determinasyon na patayin si George. Nang masiguro kong balot na ako ay agad akong tumakbo papunta sa kanila kahit na nanginginig pa ang mga tuhod ko. “F-flame! Tama na!” Nang marinig niya ang boses ko ay galit siyang bumaling sa akin. Sinalubong niya ako at binigyan ng isang malakas na sampal na hinding-hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko. Humagis pa nga ako sa sahig dahil sa lakas ng impact nito. Nanlaki ang mga mata ko habang napasapo sa namamanhid kong pisngi habang nakahandusay ako sa sahig. “f**k you! How can you do this to me?! Minahal kita! Handa kitang ipaglaban sa sarili kong ama pero ano?! Ito pa?! Ito pa ang igaganti mo?!” Galit na galit niyang bulyaw sa akin. Hinablot niya ako at ihinarap sa kanya. Tumambad sa akin ang mukha niyang namumula dahil sa sobrang galit na nadarama. Hindi ako makapagsalita sa labis na pagkalito, pagkagulat at sakit na nadarama hindi lamang ng katawan ko kundi pati na rin ng puso ko. Ang tanging naramdaman ko bukod sa masakit na hawak niya at pamamanhid ng pisngi kong sinampal niya ay ang sunud-sunod na pagtulo ng mga luha ko. I wanted to tell him the fear that I am feeling right now ngunit pakiramdam ko ay hindi na ang mahal ko at mahal akong si Flame ang kaharap ko ngayon. “I... I... no! F-flame... Hin---- aah!” Mahigpit niyang dinaklot ang mga braso ko na lalong nagpaiyak sa akin nang malakas. God! Please tell me this is just a nightmare! Please, gisingin n’yo na po ako! Ayoko ng ganito! “Putang ina mo!” Isang sampal pa ang ibinigay niya sa akin na nagpadugo naman sa mga labi ko. Wala akong ibang nagawa kundi ang mapahagulgol sa tindi ng sakit na nadarama ko ngayon. Ni hindi ako makabuo ng anumang salita para makapagpaliwanag o makapagtanong kung ano ba ang talagang nangyayari. “f**k you, Maryknoll Vargas! Sana sinunod ko na lang si Papa! Sana hindi na lang kita minahal! You are such a w***e! I hope you rot in hell! ‘Wag na ‘wag ka nang magpapakita sa akin dahil sa susunod na magkasalubong tayo, papatayin na kita! I hate you to the hell and back!” I cried even harder when I heard every cruel thing he said. Gusto ko siyang habulin nang maramdaman ko ang marahas niyang pagtayo at paglalakad palayo sa akin pero hinang-hina na ako sa pinagsamang sama ng loob, sobrang pagkalito at sakit ng p*******t niya sa akin. “F-f-fl...fla...me.” I mumbled. Please don’t leave me. Please don’t go! Flame, mahal kita. Wala akong alam sa nangyayari. Please, bumalik ka! ‘Wag mo akong iwan! I wanted to tell all of these pero hindi ko mahanap ang lakas ko. Ultimo pangalan niya ay hindi ko mabuo. Ano ba talaga ang nangyayari?! Bakit nagkakaganito ang mundo ko?! “M-m...m-mak-ie.” George? My eyes wildly searched for him. Pinatigas ko ang mga kamay ko upang maiangat ko ang nanghihina pa ring katawan ko para hanapin ang kinaroroonan ng kaibigan ko. “G-g-geo-rge.” Hindi ko na marinig ang sarili kong boses. Ni hindi ko na nga maintindihan ang boses ko. Muling tumulo ang masaganang luha sa mga mata ko nang makita ko ang bugbog-saradong kaibigan ko na gumagapang papunta sa akin. Oh God! Bakit?! Bakit kami nagkaganito?! I struggled to meet him halfway across the floor. Nakakaawa ang itsura ng kaibigan ko. Nangangasul na ang paligid ng mukha niya. Nagdurugo ang kanyang ilong at mga labi. Napayakap kami sa isa’t isa nang saw akas ay magtagumpay kaming magkalapit. Parehong kumukuha ng lakas sa isa’t isa para subukang intindihin kung ano ang talagang nangyayari. Umiyak ako sa dibdib niya. Iniiyak ko lahat ng sakit sa ginawa sa amin ni Flame at ang labis na pagtataka at galit sa sitwasyong kinasasangkutan namin ngayon. ... “ISA KANG MALAKING KAHIHIYAN!” Mag-asawang sampal ang isinalubong sa akin ni Papa. Pagkatapos naming huminahon at makapagpahinga ni George kanina ay agad kaming nag-check out sa resort na hindi namin alam kung paano namin narating. Most probably na-set up kami ni George ng mga nagpakilalang kidnappers para magkasira kami ni Flame. Ang nakapagtataka pa, pati ang mga gamit at damit namin ay iniwan nila. Pero bakit nila gagawin ‘yun?! Sino ang nag-utos sa kanila para gawin iyon sa amin?! Si Mr. Alonzo nga ba? Pero imposible dahil una, itinanggi iyon ng mga kidnappers at ikalawa, wala akong makitang dahilan para gawin niya ‘yun sa akin dahil napakabait naman nito nang magkakilala kami. Dito kami dumiretso sa bahay para sana makapagsumbong kay Papa ngunit hindi pa man ako nakakapasok sa mansyon ay sinalubong na niya ako ng p*******t. “Saan ba kami nagkulang, Maryknoll?! Ibinigay naman namin ang lahat ng gusto mo! Ang lahat ng luho mo! Ito pang kahihiyan at pagsira sa pangalang iniingatan ko ang igaganti mo?!” Napapikit ako nang isampal ni Papa sa akin ang mga hawak niyang larawan. Tiniis ko ang sakit na dala ng paghaplit ng mga ito sa aking mukha at sa nanginginig na mga kamay ay pinulot ko isa-isa ang mga iyon at tinignan. Nanigas ang panga ko sa galit. The pictures captured me under George. Pareho kaming hubad. Kung hindi alam ang katotohanan ay iisipin ng makakakita na may ginagawa nga kaming kalaswaan. May mga larawan ding nakasubsob sa hubad kong dibdib si George. May larawan ding nakasubsob siya sa mga hita ko. Ilan sa mga larawan ang nagpapakitang ako naman ang nakasubsob sa gitna ng mga hita niya. Ayoko nang isipin pa ang iba ko pang nakita dahil hindi iyon matanggap ng isip at puso ko. Whoever that person who wanted to destroy me succeeded dahil bawat larawan ay nagpapakita na isa akong kaladkarin at walang kuwentang babae. I wanted so much to explain but the pain from everything that is happening was so overwhelming. Hindi ko alam kung paano at saan ako mag-uumpisa sa pagpapaliwanag dahil ako mismo ay litong-lito na sa mga nangyayari sa akin. Ano ba ang nagawa kong kasalanan at nangyayari sa akin ito? “Paano kapag kumalat ang mga larawang iyan?! Paano kung... Argh!!!” Agad akong napatingin sa aking Papa nang daklutin niya ang kanyang dibdib. “Victor!” hangos ni Mama papalapit sa aking ama na namimilipit na sa sakit. Agad niyang sinaklolohan si Papa na unti-unti nang napapaupo sa sahig. Tinangka kong lumapit sa kanila ngunit binulyawan ako ni Mama. “Tignan mo ang ginawa mo, Maryknoll! Pati ang Papa mo ay nagdurusa dahil sa mga kabalbalan mo! Madali ka tawagin mo ang driver nang maitakbo natin sa ospital ang ama mo! Bilisan mo!” taranta ngunit galit niyang utos sa akin. “Manong! Manong!” Walang pakundangan kong sigaw para tawagin ang driver namin habang natatakot akong nakatingin kay Papa na namimilipit sa sahig habang sapo ang dibdib. Oh, God! Bakit nagkasunud-sunod naman ang mga masasamang pangyayari sa buhay ko?! ... Malungkot kong pinagmamasdan ang ama kong nararatay ngayon. Gusto kong kausapin siya ngunit hindi ko magawa dahil sa sitwasyon niya ngayon. My own mother didn’t want to talk to me. Her eyes were telling me that I am to be blamed for everything that was happening to my father. Wala akong ibang magawa kundi ang umiyak na lang sa isang tabi habang malungkot kong pinagmamasdan ang pagtaas at pagbaba ng dibdib ng aking Papa at ang umiiyak sa tabi niyang si Mama. Kung kanina ay nalilito, nagagalit at nasasaktan ako sa lahat ng masasamang nangyayari sa akin, ngayon ay may kasama na iyong takot para sa kaligtasan ng ama ko. God, why is this happening to me?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD