VILLA MANSYON PROPERTY OF BERLINGTON FAMILY . . .
“Yaya, nasaan na nga pala si David? Wala siya sa campus! Alam mo ba kung saan iyon nagsuot?" tanong ko kay Yaya Amelya nang dumaan siya sa aking harapan. Si Yaya Amelya ang naging tagapangalaga namin ni David mula bata at siya ring pinakamatanda at pinagkakatiwalaan ng aming mga magulang.
Pasalya akong nanunuod ng TV. “Sir, umalis ho kaninang umaga kasama ang mga barkada. Baka mag-iinuman ang mga iyon, sir. Alam nyo naman si sir David, libre nang libre sa mga kasama kaya nawawalan ng allowance.”
Mataman akong nakatutok sa pinapanuod kong teleserye. "Mabuti pa kayo, sir, masunurin kina sir at ma’am! Kayo ho siguro ang magmamana ng lahat ng negosyo nila sir?" tanong pa ni Yaya Amelya.
“Hindi ko pa iniisip iyan ngayon. Pangarap kong malayo sa sinasabi mo dahil mas gusto ko ang maging sikat na nobelista balang araw. Hindi para maging abogado o businessman o hindi kaya ay Doctor,” magalang kong sagot sa aming maid bago tumalikod.
Kanina sa campus, wala man lang ni anino ni Esteffany ang aking nadatnan hanggang sa uwian. Masakit at nakakalungkot man aminin, inlove pa rin ako kay Esteffany kahit alam ko na hindi niya ako gusto. Patuloy pa rin ang pagtibok ng puso ko para kay Esteffany.
“Alam kong kay David lang si Esteffany at kahit anong gawin ko ay hindi ko na maibabalik at maitutuwid ang lahat. . . Pero teka, sabi sa akin ni David, may ibang gusto si Esteffany at hindi si David? Matutuwa ba ako dahil sa kadahilanang hindi isa sa amin ni David ang mahal ni Esteffany? Siyempre hindi! "himutok ng puso ko habang nag-uumpisa nang maglakbay ang aking diwa.
8:30 PM, BAHAY NI ESTEFFANY . . .
Dahan-dahang binuksan ni Esteffany ang pintuan nang mapag-alamang si David ang kumakatok dito. “David, pasok ka . . . "pagpapatuloy ni Esteffany nang mag-umpisang pag-aralan si David.
“Salamat, Esteffany. . . "pabulong na sagot ni David at masigasig na tumititig sa mga mata nito. Nag-aalangan man ay binalewala ni Esteffany ang pakiramdam na pilit na umuusbong sa kaibuturan ng kaniyang puso.
“Maupo ka muna at kukuha muna ako ng makakain, "ani Esteffany ngunit hindi pa siya nakakahakbang ay mahigpit siyang niyakap ni David. “Ano ba, David? Hindi ako makahinga! Please, David, bakit ka ba nagkakaganiyan?" malakas na sigaw ni Esteffany. Imbes na makinig ay itigil niya ang ginawi ay malakas pa siyang niyugyog ni David.
“Akin ka lang. . . "bulong ni David kay Esteffany. Pilit siyang nilalabanan ni Esteffany.
Itinutulak niya palayo si David ngunit hindi niya maawat ang binata dahil mas nakakahigit ang lakas ni David kaysa kaniya. Hanggang sa nabuwal sila . . . patuloy pa rin sa pag-yakap sa kaniya si David at pilit siyang hinahalikan sa leeg.
“Tama na, David, please. . .” mahinang sambit ni Esteffany sapagkat nahihirapan na ito sa paghinga. Dahan-dahang lumalabo kay Esteffany ang lahat-lahat pati na rin ang pagpipigil ng mga kamay ni Esteffany sa mapangahas na kamay ng aking kapatid.
Unti-unting nawalan ng ulirat si Esteffany at matagal bago hindi natunugan ng aking kapatid na nawalan na ng malay si Esteffany. Matutuwa na sana si David ngunit kapagdaka’y nawalan ng kulay ang kaniyang mukha. Mabilis niyang dinama ang pulso ng dalaga.
Nababahala siya dahil sa mga pangyayari . . . pabagal ng pabagal ang pagpintig nito.
Mabilis niyang binuhat si Esteffany. Idinala niya ito sa malapit na hospital at nagkataong Uncle Leo niya ang Doctor na umasikaso kay Esteffany.
11:35 PM, SILENT HOME CARE HOSPITAL, ROOM 304.
Maamong tinitigan ni David ang natutulog na dalaga. Ngayon lang siya naalimpungatan. Aminin man niya sa sarili ay wala siya sa sarili kanina. Alam niyang muntik na niyang lapastanganin si Esteffany ngunit hindi natuloy dahil sa isang pangyayari. malungkot na lang niyang dinama ang mga palad ng dalaga.
Kitang-kita ni Tito Leo ang labis na lungkot at pagkabahala ng aking kapatid. Marahang kumatok sa pintuan si Tito Leo. "David, mamaya bumaba ka at pag-uusapan natin ang tungkol sa pasyente,” agaw ng atensiyon ni Tito kay David.
Biglang napatayo sa kinuupuan si David. "Tito, critical ba si Esteffany?” nag-aalalang tanong ni David. Manipis na ngiti ang nasilayan ni David ngunit bakas kay Tito Leo ang kakaibang ligalig na nakabalong sa kaniyang mga mata.
Hindi sumagot si Tito Leo. Ang magagawa lang ng aking kapatid ay maghintay sa anumang resulta na maaari niyang malaman.
12:00 AM, STILL AT HOSPITAL.
Ini-off na muna niya ang kaniyang phone bago pumasok sa private office ng aming Tito Leo.
Kinakabahang naupo ang aking kapatid sa malamig na silyang kaniyang inuupuan. Natatakot siyang may malaman at siyang labis na nagpapakaba sa kaniya.
“Tito. . .” panimulang wika ni David.
“As far as I know, all the detailes of Ms. Esteffany is very private. I dont know if it’s okay to discuss it with you. I have one question to you David. . . what is your relationship with Ms. Esteffany Perez? "
“She. . . She is my girlfriend. . ." nauutal na sagot ni David.
“According to her file, her parents past away 5 years ago and her only financial back up was her parent’s trust fund. . ." basa nito sa file ni Esteffany.
“Oo, Tito, tama po. Wala siyang kamag-anak. . . "
“Tama ka, David, kaya sa 'yo ko sasabihin ang kaso ni Ms. Perez. . ." Ibinigay nito ang kopya ng files sa aking kapatid. "Nasa mga papel na iyan ang kasagutan sa kalagayan ng nobya mo David. . ." matalinhaggang pahayag ni Tito Leo.
Habang binubuklat ni David ang laman ng folder ay hindi mapigilan ni David ang mapasinghap. Hindi malaman ni David ang gagawin. Napanganga at napakanuot-noo siya sa mga nalaman sa kalagayan ni Esteffany.
Napaiyak at napahilamos sa mukha niya ang mga palad na nanginginig na dahil sa natuklasang resulta ng eksamin ni Esteffany. Nakikinita na niya ang mga susunod na pangyayari kung saan magtatapos ang lahat.
Marahan siyang tinapik ni Tito Leo at pinakalma. "It’s allright, David, mas mabuting nalaman mo nang maaga bago nahuli ang lahat. I know it shocked you. . . but you have to accept it and be strong so that Ms. Perez can face it also or cope up with her situation. . ." pampapalubag ni Tito Leo kay David na labis talagang nagdamdam sa mga nangyayari.
“Tito, huwag n’yo sanang ipapaalam kina papa at mama ang kalagayan ng nobya ko. Lalong-lalo na kay Kuya Lawrence. . . "pakiusap ni David sa aming Tito.
“Why not? They have to know this. . . para masuportahan ka sa dilemang kinakaharap ng nobya mo, David," pang-uudyok pa ni Tito Leo.
“H-hindi alam nina papa at mama na may nobya na ako at kapag nalaman nila ay tiyak na magagalit sila. Hindi nila ako pakikinggan, lalo na kapag nalaman nila tungkol sa kalagayan ni Esteffany. Mas maatim kong balikatin mag-isa ito, Tito, "mariing pahayag ni David.
“Pero paano ang Kuya mo? Tiyak na maiintindihan ka rin niyon. I know he can help you. He will understand. . ." Pero hindi pa natatapos ni Tito Leo ang sasabihin ay sumabat na si David.
“You don’t understand, Tito Leo. My brother hates Esteffany dahil ang alam ni Kuya pineperahan at ginagamit ako ni Esteffany,” nagdadamdam na pahayag ni David.
Naunawaan naman ito ni Tito Leo. "Then, hindi ko ito ipapaalam kay Kuya Lawrence mo. . ." pangako ni Tito Leo.
Biglang lumiwanag ang mukha ng aking nakababatang kapatid. "Thanks, Tito!” pagpapasalamat ni David kay Tito Leo.
“It’s past midnight, David. You can go home first so you can rest. Hindi siguro maaatim ni Esteffany na ikaw naman ang magkasakit sa pag-iintindi sa kaniya," pagpapaalala ni Tito Leo kay David.
“Okay, Tito. Pupunta lang ako saglit sa kuwarto ni Esteffany then Ill go ahead na. . ." ang paalam ni David.
“Sige at may aayusin pa akong ilang papeles ng mga pasyente ko. . . "pagpayag naman ni Tito Leo.
Nang makaalis ang aking kapatid ay matamang pinagmasdan ni Tito Leo ang pintuang nilabasan ni David. Marahan niyang binuklat ang referrence ni Esteffany. Napangiti siya nang malungkot nang mapagtugma ang relasyon ni Esteffany sa nagngangalang Frederick Perez. Ang kaniyang kababata at matalik na kaibigan since highschool. "Siya pala ang anak ni Fredi. Ang sama talagang magbiro ng tadhana. . .” matapat na turan ni Tito Leo sa sarili.
Marahang ipininid ni Tito Leo ang folder at matamang sumindig sa swivel chair at marahang ipinikit ang nahahapong mga mata. Sa mga oras na iyon ay napagdesisIyonan ni Tito Leo na akuin ang lahat ng gastos at gamot sa nag-iisang anak ng kaibigan.
Kapag ginawa niya iyon, tiyak na pasasalamatan siya ng kaibigan at makakabayad na siya sa mga utang dito. Naalala tuloy niya ang kaniyang nakaraan . . .
“May problema ka ba Leo?” tanong ni Fredirick sa kababata at bestfriend.
“Alam mo na naman yong mga problema naming mga mahihirap. . .” malungkot nitong daing sa ama ni Esteffany.
“Iyon lang ba? "marahang dinukot ni Fredi ang kalope at naglabas ng isandaang piso.
“Nakakahiya naman sa iyo, pare. Hindi ko alam kung hanggang saan ang pasasalamat ko sa iyo. Hindi ko alam kung paano ko mababayaran ang mga utang ko sa yo,” nahihiyang tugon ni Leo. Bagamat nahihiya ay kinuha na rin ang ibinigay ni Fredirick.
Nakakariwasa sa buhay si Fredirick. May-ari ang pamilya nito ng ekta-ektaryang lupain ng San Sebastian at mayroon pa itong tubuhan, sugar mill at napakalawak na palaisdaan. May-ari din sila ng cattle raising farm, kung saan makikita sa palibot ng hacienda ang mga kabayong sinasanay din para maipagbili sa ibang bansa.
Hindi matukoy ni Leo kung bakit kahit na napakayaman ng kababata ay hindi pa rin ito lubos na masaya. Madalas niya itong tanungin kung ano bumabagabag dito. Ang lagi lang nitong binabanggit ay . . . Nag-aaway na naman sina mama at papa.
Nandoon siya sa tabi ng kababata kapag malungkot ito at balisa. Hindi nailihim ng papa ni Esteffany na ipinagkasundo lang ang mga magulang nito para lalong mapayabong ang kaniya-kaniyang ari-arian ng Perez at Cervantez. Pero sa murang kaisipan ng ama ni Esteffany ay naipamulat dito na hindi nagmamahalan ang mama at papa nito.
“Nag-away na naman sina mama at papa. . .” malungkot na sabi ni Fredirick sa aking Tito Leo.
“B-bakit na naman daw?” malungkot na tanong ni Tito Leo. Marahas na huminga at malayong nakatingin sa malawak na lupain ang papa ni Esteffany.
"Magfi-file ng diborsiyo si mama kay papa. . . hindi na matiis ni mama ang p*******t at pang-iinsulto ni papa. . .” nasasaktan na pahayag ni Fredirick.
“Pa’no ka na niyan, Fredi?” malungkot na panambitan ni Tito Leo. "Tatapusin ko na lang ang Secondarya rito. Saka kami lilipat ni mama sa Maynila at doon na ako matatapos sa Kolehiyo. . .”
“Pa’no ang papa mo?” tanong pa rin ni Tito sa ama ni Esteffany. Naningkit ang mata nito at kinuyom ni Fredirick ang kamao. Mababasa ni Tito Leo ang labis na pait sa mukha ng kaibigan.
“Maiiwan si papa dito kasama ang nakakatandang kapatid ko. Talagang m-mahal ni papa ang babae. Alam mo ba kung gaano kasakit ang malaman mong may anak sa pagkabinata ang papa at mas pinili niya ito kaysa sa aming mag-ina?”
Mataman lang nakikinig si Tito Leo." Kaya balang-araw ay magmamahal ako ng isang babae lang. Kaya ikaw, Leo, abutin mo ang pangarap mo. Di ba gusto mong maging mahusay na doktor?” pilit na pinasigla ng papa ni Esteffany ang tinig. Ayaw ipakita nito ang kaduwagan sa harap ni Tito Leo.
“Tama ka, pare, magsisikap ako. . .” nakangiting sang-ayon ni Tito Leo. Masayang nakatingin si Fredi sa kaniya sapagkat parehas sila ng pangarap ni Tito Leo.
“Ipangako mo na magiging mahusay kang Doktor!” habol pa ng ama ni Esteffany.
“Oo, pangako, Fredirick. . .”
Pangako, mababayaran din kita sa lahat, Fredirick. . .
12:30 AM
Marahang iminulat ni Tito Leo ang kaniyang mga mata nang marinig sa intercom na tinatawag siya para sa isa niyang pasyente. Mabilis niyang dinaanan sa mga mata ang folder ni Esteffany at malungkot na naalala ang kababata.
Matapos umalis ang mama nito at si Fredirick ay hindi ito pinamanahan ni singko ng ama. Unti-unting naibenta at nalugi ang pag-aari ng ama nito. Hindi alam ni Tito Leo kung nalaman ni Fredirick ang nangyari sa ama nito. Hindi niya din nagisnan kahit ni minsan sa burol ng ama nito. . .
Ilang beses ding binabagabag ng samo’t saring alalahanin si Tito Leo kung kumusta na ang kaibigan. Ipinagpatuloy na lang niya ang pagdarasal sa matalik niyang kaibigan hanggang sa dumating na ang mga oras na iyon. . .
Balisang inalis ni Tito Leo ang mga mata sa folder at tuloy-tuloy na lumabas ng silid.
SA SILID NI ESTEFFANY . . .
Matamang pinagmamasdan ni David si Esteffany habang haplos ang buhok nito.
“Magpahinga ka na muna, Esteffany. Babalik ako bukas ng gabi. Sana sa pagmulat ng mga mata mo ay ako na ang mahal mo. Patawarin mo ako kung makasarili ako. Mahal lang kita kaya ginagawa ko ito sa yo," malungkot na salaysay ni David sa tulog na si Esteffany.
Binigyan niya ng masuyong halik si Esteffany sa noo bago tumindig si David. Pero hindi pa nakakahakbang si David ay umusal ng salita si Esteffany na labis na kinasuklaman ng aking kapatid.
“Lawrence, k-kailangan kita. . ." tila wala sa huwisyong bulong ni Esteffany. Marahas na bumuntong-hininga si David sa labis na panibugho sa akin.
“Ano bang meron kay Kuya Lawrence at mahal na mahal siya ni Esteffany?” bulong sa isip ni David kasabay ng pag-alis sa naturang establisyemento.
6:00 A.M, AUGUST 21, 2008, DINING AREA.
Habang kumakain ako ng almusal ay napagtanto kong hindi pa bumabangon ang nakababata kong kapatid. Mabilis kong tinawag ang atensyon ng isang katulong. "Yaya, anong oras dumating si David?" wala anu-anong tanong ko.
“Madaling araw na po, Sir Lawrence. . . "
“Maghanda ka ng kaniyang makakain at hahatiran ko siya. . ." utos ko sa aming maid bago marahang tumayo at kinuha ang tuwalya at tuloy-tuloy na pumasok sa banyo.
Habang nagsho-shower, inalisa ko sa aking isip ang naganap na enkwentro sa amin ni Esteffany. Sa totoo lang ay hindi ako pinatulog ng mga matang iyon na tigib ng luha. Nag-iisip ako kung tama nga at naaayon ang hakbang na ginawa ko.
Hanggang sa pagtatapos sa aking iniisip ay mas matimbang pa rin ang ginawa kong p*******t kay Esteffany. "Tama lang ang ginawa ko kaya hindi dapat ako mag-dalawang isip,” pagtatapos ko habang pinapatay ang dutsa at palabas na ng banyo.
Nakabihis na ako nang kumatok sa pintuan namin ang aming maid. Mabilis kong kinuha sa kaniya ang tray at tinahak ang daan papuntang kuwarto ni David.
Kinatok ko ito at hinintay kong payagan ni David ang pagpasok ko. Umismid ito nang makita ang aking bulto. "Breakfast in bed. . ." masuyo kong panimula.
"Akala ko si Yaya Amelya ang naghatid. Kung alam ko lang sana na ikaw ang maghahatid . . . nunca kitang papasukin sa silid. . ." matiim niyang panimula.
“Kumain ka na muna at may pag-uusapan tayo . . ." mahinahon kong sagot tungkol sa parunggit niya. "Paano ako gaganahan kumain kung ikaw ang kaharap ko?" marahas niyang sigaw sa akin.
Ilang beses akong marahas na huminga bago ako nakakuhang makapagsalita. "Sige, hahayaan kitang kumain. Lalabas muna ako. Pero dapat pagkatapos mong kumain ay mag-usap tayo nang maayos!" diin ko sa huling katagang binitawan ko.
Hindi siya sumang-ayon sa akin pero kita ko sa kaniyang mga mata ang labis na pagkaligalig.
“Ano bang pag-uusapan natin? Kahit anong mangyari ay hindi ko iiwasan si Esteffany. Kahit na kailan ay hindi kita susundin!” pasigaw na sagot ni David sa akin.
Sa mabilis kong hakbang ay marahas kong hinatak ang kuwelyo ng kaniyang polo at inilapit sa akin. "Wala kang karapatan para sigaw-sigawan ako, David! Ako ang nakatatanda mong kapatid kaya sa ayaw at sa gusto mo ay susundin mo ang gusto ko! Iyan ba ang natutunan mo kay Esteffany, huh?" marahas kong buwelta sa kaniya habang binibitiwan ang kaniyang kuwelyo.
Galit siyang bumaling sa akin at malakas na itinapon ang almusal na inihanda ko sa kaniya. Handa ko na sana siyang pagbuhatan ng kamay ng masama siyang tumitig sa akin.
“Sige, gawin mo yan sa akin at makikita mo! Huwag na huwag mong isasali si Esteffany dito dahil mabuti siyang tao. . . hindi katulad mo!” sigaw ni David habang tinitimpi ang sariling mapabulalas ng iyak.
Mataman ko siyang tinitigan at saka ngumisi. "Akala mong bata ka, palalampasin ko ang mga ginagawa mong kalokohan ngayon? Hindi!" mariin kong sabi sa kaniya. “Sasabihin ko kay Papa ang mga pinaggagawa mo! Sasabihin kong grounded ka!" pagtatapos ko sa usapan namin.
Mabilis ko siyang iniwan sa kaniyang kama at hinayaang tumimo sa utak nito ang mga sinabi ko.
Malakas niyang pinagkakalampag ang pintuan. Mabilis kong ini-lock iyon at hinayaan siya. "Kuya, buksan mo ito. Kailangan ako ni Esteffany!” nagmamakaawang hiyaw ni David sa akin mula sa nakapinid na pinto.
“Hindi ko iyan magagawa, David. Masyado nang matigas ang ulo mo! "marahas kong sigaw sa kaniya. Sa paglayo ko sa naturang kwarto ay napansin kong nakatingin lang si Yaya Amelya.
“Hindi yata tama ang pagdidisiplina mo sa kapatid mo, Lawrence. . ."naguguluhang sabi nito.
“Hayaan niyo siya para magtanda, yaya. Habang maaga ay puputulin ko ang sungay ng batang iyan,” hayag ko kay Yaya Amelya.
"Pero b-baka nabibigla ka lang, Lawrence,” pukaw pa rin nito sa akin.
“Ayokong sabihin sa akin nina mama at papa na napabayaan ko si David. Uuwi mamayang gabi sina papa at mama. Saka ko isasangguni na sa States pag-aralin si David,” pagtatapos ko sa usapan habang palabas ng mansyon. Napapailing na lang si Yaya Amelya dahil sa nangyayari sa aming magkapatid.
7:01 AM, CLASSROOM.
Mula sa aking pagmamasid sa aming silid-aralan ay napagtanto kong wala pa rin si Esteffany. Naiinis kong ibinaling sa harapan ang aking atensyon. Isinasalaysay ng aming guro ang nalalapit na Buwan ng Wika.
Wala sa isip ko ang tungkol sa napipintong okasyon sa aming paaralan. Ang isip ko ay lumilipad sa naganap sa amin ni David kanina lang. Ibinilin ko sa mga katulong na huwag na huwag palabasin si David. Hindi ko alam pero marami ang idinudulot na problema sa amin si Esteffany. Magmula nang makilala at mapalapit siya sa nakakabata kong kapatid ay umiba na ang turingan namin ni David.
Lagi na lang kaming nagbabangayan. Marahan akong tinapik ni Novice at tinanong. "Kumusta kayo ng kapatid mo?” tanong nito.
“Hindi maayos, s**t! paano ba maayos ang problema namin ni David?” nagugulumihang sagot ko sa kanila.
Mataman akong tinitigan ni Novice. "Kung papayag ka sa plano ko, tiyak na magkakaayos na kayo ni David, Lawrence," matalinhagang pahayag ni Novice pero kaakibat noon ang biglang pag-alpas ng kaba sa aking dib-dib.
Kilalang-kilala ko ang mga titig ni Novice at tiyak na magbabadya ng malaking pagbabago sa amin nina David at Esteffany ang mga susunod na pangyayari . . . na labis kong pagsisisihan . . .
11:35 AM, SILID NI DAVID.
Matamang nakatitig si David sa kisame. Namumugto ang mga mata niya at hindi makakilos dahil sa labis na kakaisip sa problemang kaniyang kinakaharap.
Marahang pumihit ang seradura at pumasok doon si Yaya Amelya. Marahang ibinaba nito ang pagkain para sa alaga. "D-David, kumain ka na muna. . ." pilit ng matanda sa kaniya.
Inot na tumabi sa kama si Yaya Amelya at hinaplos ang buhok ng binatilyo. "Sige na, David, kumain ka na muna. Lagyan mo ng kaunting laman ang iyong sikmura. H-hindi magugustuhan ni Esteffany kapag nalaman niyang pinapabayaan mo ang sarili mo. . ." malungkot nitong udyok.
Maang na napatingin si David rito. Nagtataka siguro ito kung paano nalaman ni Yaya Amelya ang tungkol kay Esteffany.
"Madalas kong marinig ang pinagtatalunan ninyo ng Kuya Lawrence Paul mo, David. . ." sagot nito nang maintindihan ang kahulugan ng iniisip ni David.
“Ang unfair, Yaya,” marahang sabi ni David sa Yaya habang sumusubo. Napabilis ang subo ni David. Mukhang takam na takam ito. "Mukhang nagutom ang alaga ko, huh?” nagagalak na sabi ng matanda nang sunod-sunod itong sumubo.
“Da best talaga ang luto mo, Yaya!" sa wakas ay nakangiting sabi ni David pero bakas pa rin sa loob ang problemang dala-dala.
Hinayaan na lang ni Yaya Amelya na kusa itong mag-open up na kadalasang ginagawa ni David. Malungkot na lang niyang pinagmasdan si David.
1:00 PM, SILENT HOME CARE HOSPITAL, ROOM 304.
Marahan niyang iminulat ang mga mata. Hindi alam ni Esteffany kung ilang oras siyang nakatulog. Ang alam niya lang ay nasa bahay siya at nanlalaban kay David. Bumalikwas siya kaya napansin siya ng nurse na nag-a-assist sa kaniya.
“Asan ako, Nurse? mahinahong tanong ni Esteffany.
“Nasa hospital ka. Sandali lang at tatawagin ko si Doc Hernandez.”
Marahang tumango si Esteffany. Nahahapong nahiga ulit si Esteffany at mariing ipinikit ang mga mata.
“Ms. Esteffany, ako ang iyong Doctor at ito naman si Nurse Mirriam. Siya ang mag-aasikaso sa yo habang wala ako. . ." ani Tito Leo sa kaniya.
“Pero Doctor, wala akong maibabayad sa inyo,” malungkot na pahayag ni Esteffany. Sinulyapan ng Doctor ang Nurse na nakatingin at dahan-dahang lumabas ng kuwarto.
“Hija, nais kong magpakilala sa yo. Ako nga pala si Leo Hernandez. Ako’y lumaki sa bayan ng San Sebastian, Tarlac. Kababata at matalik na kaibigan ko ang iyong ama na si Frederick Perez. . . matapat na sagot ni Tito Leo.
Namilog ang mga mata ni Esteffany sa narinig. Napaluha siya sa labis na galak. Ngayon ay alam na niyang wala siyang magiging problema sa salapi na gagastusin sa ospital.
“B-bakit nyo po ako tutulungan?" tanong ni Esteffany kay Tito Leo.
“Malaki ang utang na loob kay Frederick, hija. Kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ako nakapagtapos ng medisina at naging ganap na Doctor. Siya ang hingian ko ng tulong patungkol sa mga materyal na bagay at iniwanan din niya ako ng halaga para sa aking pag-aaral. Ngayong wala na siya. . . tutulungan kita sa abot ng aking makakaya, magaan nitong pangako kay Esteffany."
“Po? Pero malaking abala po sa inyo ang pagpapagamot ko,” malungkot na sambit ni Esteffany. "Huwag kang mag-alala. Lahat ng ito’y bukal sa aking loob. . ." dagdag ng Doctor kay Esteffany.
Inilabas ng Doctor ang folder at ibinigay nito iyon kay Esteffany. Marahan siyang tinapik ni Tito Leo at hinayaang iwan si Esteffany para magkaroon ng privacy.
“Esteffany, tatagan mo ang sarili mo.”
Iyon ang pilit na pumailanlang sa isip ni Esteffany nang mabasa ang lahat ng nilalaman ng folder.
Bumalong sa mga magandang mata ni Esteffany ang luha. Hindi niya iyon maampat dahil sa nag-uumigting na katotohanan.
Marahang inilapat pasara ni Tito Leo ang pinto at marahang tumayo. Inilabas nito ang cellphone at kinontak si David.
“Hello, David? Gising na siya at puwede mo na siyang dalawin. . ." pagbabalita ni Tito Leo kay David.
“Talaga, Tito? Is she okay?" tanong ni David mula sa kabilang linya.
“Yeah . . . at ipinabasa ko na rin ang folder,” malungkot na hayag ni Tito Leo.
“Tama ba na malaman niya, Tito?” naghihinakit na saad ni David.
"She deserves to know it. I know it’s hard to accept but she can. . ." pagpapagaan ni Tito Leo sa usapan.
“Alam ko, Tito, nararamdaman ko. Hindi siya okay sa loob pero alam kong matatag siya. . ." kumbinsidong sagot ni David.
"So, kelan ka dadalaw?"usisa pa ni Tito Leo.
“I can’t, Tito,” masakit na bigkas ni David.
"Why not, David? Esteffany needs you. . .” mabilis na sagot ni Tito Leo na labis na nabigla.
“Ikinulong ako ni Kuya Lawrence. . . and I was grounded, malungkot nitong sabi kay Tito Leo.
"Paano na ang pag-aaral mo?” tanong ng aking Tito.
"Hmmp. . . I can still go to school pero dahil grounded ako ay school at bahay lang. . . My brother is trying to get me away from Esteffany. He’s cruel!” parang maiiyak na sambit ni David mula sa kabilang linya.
“Stay calm, David. . ." pagpapakalma ni Tito Leo sa kapatid ko.
“Paano ako kakalma, Tito, kung alam kong kailangan ako ni Esteffany sa ngayon? himutok pa rin ni David.
“Maaayos din ang lahat, David,” sabi na lang ni Tito Leo para mapakalma si David.
"Si Esteffany, papasok pa ba?" tanong ni David na puno ng simpatya.
"Oo, last year naman niya ito sa secondary. . . "sagot naman ni Tito Leo.
Matapos ang pag-uusap na iyon ng aking kapatid at ni Tito Leo ay biglang sinasalsal ng kaba ang dibdib ni David at hindi niya iyon maintindihan.