Kabanata 5

1736 Words
HUNYO 14, 2008, FRIDAY, 6:30 AM. NASA loob na kami ng silid-aralan at masayang nagkwekwentuhan nina Novice at Rudny nang pumasok si Esteffany. Pagpasok pa lang niya sa aming silid ay nasa kaniya na ang buong atensyon ko. Wala akong pakialam kahit napansin kong pasulyap-sulyap na sina Novice at Rudny sa akin dahil hindi na ako nakikinig sa kanila. “Hey, pare, makinig ka naman, oh! Bakit mo na naman tinititigan si Ms. Panget? May nagawa na naman bang masama iyan?” untag ni Novice sa akin habang pabalik-balik ang tingin niya sa akin at kay Esteffany. “Wala, nawalan lang ako ng ganang makipag-usap,” sagot ko sa tanong ni Novice na halata namang umaliwalas ang mukha mula sa pagkakakunot. Ang gusto ko sanang banggitin ay “Mas gusto ko siyang kausap kaysa sa mga katulad ninyong boring!” Pero siyempre, hindi ko na iyon naisatinig. Minabuti ko na lang na itago ang totoo kong nararamdaman. “Ah, ganoon ba? Iyon lang pala, eh. Akala ko kung ano na. Sige, mamaya na lang," pamamaalam ni Rudny na halata ring nawalan ng gana dahil sa inungkat kong paksa tungkol kay Esteffany. Dahan-dahang nagsigalawan ang kaniyang mga daliri sa pindutan ng cellphone niya na sa tingin ko ay nagpapaka-busy sa katext. Naupo si Novice at matamang nakatitig sa corridor. Habang Masaya akong nakikinig sa aking I-pod ay bigla akong napasulyap kay Esteffany na dahan-dahang tumayo sa kaniyang kinauupuan at direktang tumigil at tumayo sa aking harapan. Mataman niya akong tinitigan pati ang mga bestfriend kong sina Novice at Rudny na maang na napatingin sa kaniya. Sinusuyod siya ng mga ito mula ulo hanggang paa. Maasim nilang tinitigan si Esteffany. Kanina lang ay naging abala sila sa mga bagay-bagay ngunit bigla na lang napunta kay Esteffany ang atensyon nila. Mula sa aking kinauupuan ay mabilis kong hininaan ang volume ng aking Ipod. “Lawrence, ito na pala ang projects at assignments mo. Natapos ko na iyan at naayos ko na ring mabuti. Sana magustuhan mo na rin sa ngayon,” mahinang sambit niya sa akin sa napakalambing na tinig. Nagbabakasakali siguro itong marinig ko dahil nga nakasuksok pa rin sa aking tenga ang earphones. Akala siguro niya ay hindi ko naririnig ang bawat katagang binitiwan niya. Mayamaya ay inilapag niya sa aking lamesa ang hawak niyang mga papel. Hindi ko naman ipinahalata na siya’y narinig ko at napagtuunan ng pansin. Siguro, sa sobrang kaba niya sa aking mga kaibigang matalim siyang sinusulyapan ay minabuti niyang lumayo na lang sa akin at umupo nang tahimik sa kung saan siya nakaupo kanina. Maingat kong inalis ang earphones na nakasuksok sa aking tenga at maingat kong hinawakan ang papel na nakapatong sa aking lamesa na kanina lang ay inilapag ng aking iniibig. Dahil siguro sa nangyari kanina ay lumabas at tumungo muna siya sa rest room. Mula sa pagkakatitig ko sa mga papel ay hindi ko maiwasan ang maawa dahil isa ito sa mga naipagawa ko na lubos kong pinagsisisihan sa aking sinisintang si Esteffany. Sa kabilang banda naman ng aking pagkatao ay mayroong isang munting tinig na nag-uudyok sa aking matuwa at magdiwang dahil sa pagpapahalaga ni Esteffany sa aking nararamdaman kahit hindi pa nito alam ang tunay kong nararamdaman. Dahil sa kalaliman ng aking pag-iisip ay hindi ko tuloy napansing nakalapit sa akin sina Novice at Rudny na matamang nakatingin sa akin. Hindi ko mawari ang tumatakbo sa kanilang isipan sa mga oras na iyon pero ang alam ko lang ay iba ang tensyon sa aking paligid sa tuwing kasama sila at ganoon ang titig nila sa akin. Para silang nagbabadya na masyado ko namang pinangagambahan. Ang mga mata nila na aking pinagmamasdan ay nagtatanong na tila sa isang musmos na bata. Parang may gusto silang marinig na kasagutan mula sa akin. “Pare, ba’t mo naman tinanggap iyan? Sana ipinamukha mo na lang kahapon na walang kwenta at balewala ang effort niyang paggawa niya sa bagay na iyan,” nanggagalaiting sumbat ni Novice sa akin habang direktang nakatingin sa aking mga mata. “Akin na nga!” mabilis na sumbat naman sa akin ni Rudny habang ang isa namang kamay nito’y pilit na hinahawakan at inilalayo sa akin ang mga papel. “Ano ka ba naman, Lawrence? Para ka talagang bata kung mag-isip! Parang ito lang, na-appreciate mo na? Napakababaw naman ng kaligayahan mo!” pasigaw na sumbat sa akin ni Rudny habang tinitingnan nang mabuti ang mga papel na nakusot na pala. “Hindi ako na-overwhelm sa gawa niya! Tiningnan ko lang naman!” buwelta ko kay Rudny na naisigaw ko na rin dahil sa sobrang tensyon. “Okay, kung hindi ka nga nao-overwhelm sa gawa ng pangit na iyan. . . I will give to you these papers. Ito ang ipapasa mo at hindi ang ibinigay ng babaeng iyon! Ang pangit, eh! Okay? "susog sa akin ni Novice habang ibinibigay ang computerized na documents na ipapasa ko bilang kapalit ng ginawa ng aking Esteffany. Dahan-dahan kong kinuha mula kay Novice ang mga papel habang mataman kong tinititigan ang bumbon ng papel na pinagpipilian ko, ay lumalalim rin ang aking pag-iisip. Muli akong tinitigan ng aking mga kaibigan na sina Novice at Rudny na malagkit na nakatitig sa akin at tila nagliliyab ang mga mata na nakahalata kong anu ang aking isasagot. “Hindi naman siguro masama kung pipiliin ko ang gawa ni Esteffany, hindi ba?” matalinhagang pahayag ko. Bagamat mahina ay masasabi kong napakasarap bitiwan mula sa aking mga labi ang mga katagang labis na nagpapasaya sa mura kong damdamin para kay Esteffany. Sa muli kong pagsulyap sa aking mga kaibigan ay hindi ko lubos maunawaan ang tumatakbo sa kanilang gunita. At sa muling pagkurap ng aking mga mata ay napagtanto kong hindi ko na mababawi ang mga katagang nagpupumiglas sa kaibuturan ng aking pagkatao na matagal ko nang gustong isatinig. Ngunit hindi ko naman magawa pagkat mas pinairal ko ang ilihim at itago mula pa lang sa umpisa na kong saan nasilayan ko ang babaeng nagbigay buhay sa akin. Siya ang babaeng nagpapaikot at iniinugan ng aking nagkukubling masasayang alaala habang siya’y nasisilayan ko dito sa daigdig. Natahimik kaming tatlo sa pangyayaring iyon. Ang unang bumasag sa aming katahimikan ay si Rudny na halata namang hindi mapigil ang pagkadismaya sa aking tinuran. “Lawrence, wala ka ba sa sarili mo? Hindi ka na ang dating kaibigan namin! Iba ka na!” naghihinakit na pahayag sa akin ni Rudny. Habang ang isang kamay naman ni Novice ay humugot sa aking palad at pumunit sa mga papel na pinaghirapan ni Esteffany para sa akin nang mga nakaraang araw. Dahil sa bilis ng mga pangyayari ay hindi ko nagawang pigilin ang sumunod na naganap. Nainis naman na sumunod sa kabilang banda si Novice. “Lawrence, masyado ka namang nagpapakita ng awa sa babaeng yan. Iyan tuloy, sa sobra kong pagka-offend ay nasira ko ang gawa ni Ms. Pangit!” nang-iinsultong sambit ni Novice sa akin na halata namang iniba ang gustong sabihin sa akin. “Isa ka pa! Ang sabihin mo, hindi awa ang gusto niya. Gusto lang ng Lawrence na ito ang maging maganda ang image niya kay Ms. Panget. Ikaw, Lawrence Berlington, bilang nakatataas sa aming dalawa ay tungkuling makiisa at gawin ang magpapasaya sa atin! Hindi iyong ganito! Ang tingin ko sa yo ay mas mababa ka pa sa lahat ng inaapi natin dahil sa pagbabago mo. Parati ko namang inuulit-ulit sa kukote mo na tayong tatlong gwapo ay hindi dapat apektodo sa mga mababang uri. Dapat ay hindi natin sila kaawaan at hinding-hindi natin babaliin ang nabuo nating priority habang magkakasama tayo. Ibabaon mo na lang ba sa limot ang nangyari kay Novice noon?” madamdaming pahayag ni Rudny na alam kong punong-puno na. Dahan-dahang akong tumayo sa aking kinauupuan at pinulot ang mga nagkalat na papel na walang-awa nilang pinagtulungan. “Alam ko. Hinding-hindi ko kalilimutan ang priority natin kahit na kailan. . .” sabi ko kasabay ng aking nagdaramdam na tingin sa kanila. Pinulot ko ang mga pira-pirasong papel. “Hindi ko kayo iiwan pero sanay hindi n’yo na lang pinunit at kinuyumos ang mga ito. Sana ay ipinatapon n’yo na lang at para wala nang kalat. Hindi sana ganitong isang mababaw na bagay ang pinagdidiskitahan ninyo!” pahayag ko sa tinig na nagtitimpi at naghihinakit. Kasabay ng aking nagdaramdam na salita ay ang aking pagsulyap sa kanilang kinaroroonan. Dahan-dahan akong tumayo upang tahakin ang direksyon papunta sa basurahang malapit sa pintuan. Pero sa sulok ng aking mga mata'y kita ko ang tila nanlilisik at nananakot na sulyap na ibinato nila sa akin. "Siraulo ka talaga, Lawrence! Wala ka na talagang magawa, no? Kaya napagdidiskitahan mo iyang babaing pangit? Pinatataas mo ang dugo naming istupido ka!” inis na turan ni Rudny sa akin habang handa na ang kamao para upakan ako at patumbahin ako sa aking kinatatayuan kahit ako’y nakatalikod na. Pinigilan siya sa kamay ni Novice at sinabing hayaan na lang ako para makapagisip-isip at balang araw ay magigising din daw ako. Dahil doon ay naawat naman si Rudny pero nanatiling matalim ang pagkakatingin nito sa akin. Patay-malisya na lamang ako habang dahan-dahan kong ipinipilig ang aking sulyap sa direksyon na kung saan nakatayo at nakatingin sa akin nang diretsahan si Esteffany. Sa pagkakataong iyon ay bigla kong naihulog mula sa aking mga palad ang mga piraso ng papel. Mabuti na lamang at dumiretso iyon sa basurahan. Mula sa pagkakatitig ko kay Esteffany ay natunugan ko kung ano ang nararamdaman niya. Ngunit sa labis na pagdaramdam niya ay minabuti na lang niyang manahimik at maupo sa kaniyang upuan. Sa pagbaling ng aking sulyap ay nakita ko ang aking mga kaibigang tila nagdiriwang dahil sa nakatatawang eksenang nangyari. Wala man lang akong nagawang hakbang para humingi ng tawad sa babaeng aking iniibig na labis kong nasaktan at nabigyan ng bagong sugat sa kaniyang puso. Napapikit na lang ako dahil sa buong pangyayari. Sa pagbabalik ng aking reyalidad . . . ang una kong nasulyapan ay ang basurahang napagtapunan ko. Muli kong pinagsisisihan sa mga oras na iyon ang nagawa ko. Tahimik akong naupo sa aking silya habang nakikinig sa bagong musika na dumadampi sa aking pandinig. Oh, kay sarap pakinggan habang nakatitig sa pinakamamahal kong si Esteffany Perez. Sa hapon ding iyon ay hindi nakapasok sina Novice at Rudny dahil may pinuntahan daw ang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD