SA PAARALAN ng St. Sanity Madrigal School, ika-2 ng Hunyo, nasa ikaapat na taon na ako sa high school noon at ga-graduate na sa susunod na taon. . .
MONDAY 7:00 A.M - (S.Y 2008-2009)
Nagmumuni-muni lang ako sa aking kinauupuan. Nasa pinakadulo ang aking lamesa na ngayon ay inookupahan ko. Matalim akong nakatitig sa puno ng akasya na katabi lamang ng bintanang katapat ko. Animo'y nagsasayaw ito sa saliw ng hangin bagamat may katandaan na ang naturang puno.
Nakakalbo na rin ito dahil sa unti-unting paglalagas ng mga dahon, Sa kabila niyon ay maganda pa rin ito sa aking paningin.
Naagaw ang atensyon ko nang biglang pumasok ang aming adviser na may kasamang babae na tila nahihiya at napipilitan pang pumasok.
"Magpakilala ka na, Ms. Perez. Maiwan na muna kita at may gagawin pa ako sa aking opisina," pagpapaalam ng guro. Mataman siyang tumitig sa lahat ngunit napako ang kaniyang paningin sa aking kinaroroonan. Inayos niya ang salaming nakaakibat sa kaniyang mga maamong mga mata.
"Ako nga pala si Esteffany Perez, 16 years old at honor student sa dati kong pinapasukang paaralan. Sana makasundo ko kayong lahat," mahina at malambing na pagkakasalaysay ni Esteffany sa klase. Ngunit imbes na ngitian ng aking mga kaklase si Esteffany ay pinagbabato pa siya ng kung anu-ano. May papel na gusot, may lapis at iba pa. Sinabayan pa nila iyon ng malakas at mapanuksong salita.
"Baduy! Jologs! Yackie! Kadiri!" sigaw ng aking mga kaklase. Habang siya'y papunta sa kaniyang upuan na katabi ko lang pala ay nagsimula na ring magsitahimik at magsitigil ang mga ito sa ginagawa nila kay Esteffany.
Tulad ng karaniwang kabataan ay mas pinairal ko ang aking pagkatorpe kahit kilala ako bilang crush ng campus sa aming paaralan. Sa kagustuhan siguro ng iyong ina na makilala at makipag-usap sa akin ay napilitan siyang pakisalamuhan ako kahit may pagkaantipatiko ako.
"Hi! P'wede bang makipagkaibigan? Ano nga pala ang iyong pangalan? Hmm. . . Ako nga pala si Esteffany Perez," maikling salaysay niya sa akin.
Noon ko lang nalapitan at napag-aralan ang kabuuan ng iyong ina. Mas maganda pala siya sa malapitan at kung kakausapin ka niya sa napakalambing niyang tinig ay matutulala ka na lang talaga.
Hindi ako ang tipo na mapapangiti agad. Seryoso ako sa madaling salita. Ngunit sa dinami-rami namang mood na ipinakita ko ay ang napakapangit at napakaaroganteng salita ang lumabas sa aking mga labi.
"P'wede ba? Wala akong ganang makipagkaibigan sa isang mababang katulad mo! At kahit na kailan, hindi mo ako makakausap nang matino. Miss, p'wede ba? Get out of my sight! Naiirita ako sa 'yo!" mariin kong pagkakasabi sa kaniya sa malamig na tono.
Naramdaman kong nasaktan at nalungkot ang iyong ina. Pero siguro dahil sa bugso ng kaniyang nararamdaman ay ipinilit pa rin niya ang kaniyang ninanais.
"Kahit hindi na kaibigan, kung ganoon. Pangalan mo lang ay masaya na ako," malambing at maiksing pahayag ni Esteffany sa akin habang nakatitig sa aking mga mata.
Habang siya'y bumibigkas ay hindi ko pa rin mapigilan ang aking sarili na titigan siya. Hindi na ako muling bumaling sa ibang bagay. Sa kaniya na lang nakatuon ang buo kong pagkatao. Kasabay niyon ang pagbilis ng t***k ng aking puso. Ngunit ngayong siya'y malapit at nakaupong kinakausap ako ay parang wala akong masambit na kahit ano.
Na-inlove na ba ako? Masasabi bang first love ko ang babaeng ito na nagngangalang Esteffany Perez at ngayon ay sinusuyod ang aking kabuuan?
Habang nagpapakilala siya at umaani ng limpak-limpak na panunukso mula sa aking mga kaklase ay tahimik lang akong nagmamatyag. Animo'y nasusukol siya at wala nang matatakbuhan kundi ang sarili lamang.
Kumukulo na ang aking kalooban dahil sa itinatago kong hinanakit sa mga ito. Sa aking pag-iisip, parang gusto ko na siyang itakbo palayo sa kanila at yakapin nang may buong pagsuyo. Gusto ko siyang ikulong sa aking mga bisig at damhin ang napakabango niyang halimuyak na parang sa inosenteng dilag.
Ngunit hindi. Hindi ko iyon ginawa. Hanggang sa pananahimik na lang ako sasadlak para tanglawin ang iniibig kong dilag. Sa pagbabalik ng aking reyalidad ay nadatnan kong iniinsulto na pala nila ang aking mahal.
"Hoy, pangit, ba't kinakausap mo si Mr. Nice Guy? Inaakit mo ba siya o hindi kaya'y naghahanap ka lang ng gulo? Sumagot ka!" pasigaw na turan ni Novice kay Esteffany. Sa sobrang kabiglaan naman ni Esteffany ay hindi ito nakahuma.
"Hoy, kinakausap ka ng gwapo! Huwag mo kaming inisin!" matigas na turan ni Rudny sa kaniya.
"Hindi, tinatanong ko lang naman sa kaibigan ninyo ang pangalan niya," nanginging na sagot niyang tila natatakot sa nangyari. "Totoo ba ang narinig ko, pareng Lawrence Paul Berlington? Na iyon lang ang kailangan ng pangit na ito sa 'yo?" tanong ni Rudny sa akin. Tumango lang ako at naintindihan na nila ang lahat. Dahan-dahan nilang tinitigan ang aking Esteffany.
"Ikaw, Ms. Panget, hindi ka ba nahihiya sa hitsura mo at nakikipag-usap ka dito sa Crush ng Campus? O makapal lang talaga ang pagmumukha mo?" inis na turan ng aking kaibigang si Novice.
"Salamat na lang kung ganoon, Lawrence," malambing na sagot niya sa akin na lihim namang ipinagdiwang ng aking puso.
Dahan-dahan siyang tumayo at nagpaalam sa akin. Hindi naman nito pinapansin ang aking dalawang kaibigan. Hinawakan siya sa dalawang balikat ni Novice at hinila siya paupo.
Kasabay noon ay ang matalim at tila nanunugat na titig ng dalawa sa kaniya. Mukhang napuno na ang mga ito.
"Kapag kinakausap ka ng tatlong gwapong ito ay huwag na huwag kang tatalikod. Kundi, babasagin ko ang pangit mong mukha!" pasigaw na mura ni Rudny. Itinaas nito ang isang kamay para hampasin na sana si Esteffany pero pinigilan ko ito.
"Pare, huwag kang masyadong mainitin. Babae pa rin iyan at kahit pangit iyan ay malambot pa rin ang tuhod niyan. Kung iyan ang gusto mong balaking gawin sa kaniya ay huwag na lang. Tapos na, hindi mo na maibabalik pa." Malamig at kontrolado ang pagsasalita ko nang mga oras na iyon pero sa kaloob-looban ko'y nagngingitngit na ako.
Tahimik lang na tumango sa akin si Rudny at pagkatapos ay seryosong tinitigan si Esteffany bago tuluyang umalis.