Palingon-lingon ako sa aking likod dahil sa takot na sumunod sa akin ang white lady. Wala naman kaya nakahinga ako ng maluwag. Naghiwalay kami ni Ate Trialyn. Papasok na ako sa silid namin. Nagtaka ako dahil madilim ang kuwarto. "Wala pa ba si Glenna?" tanong ko sa sarili pero nakita ko namana ng sandals na gamit niya sa may pinto. Kinapa ko ang switch ng ilaw para pailawin. "Ah!" sigaw ko dahil sa isang pigura sa kama ni Glenna. Gulo ang buhok nito habang nakaupo sa gilid. "Shai..." alulong niya...este, umiiyak ba ito? Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Umiiyak nga ang g@ga nang bigla siyang lumapit sa akin at yumakap. Anong nangyari sa kanya? "Ano? Bakit umiiyak ka?" sita ko sa kanya noong medyo tumigil na siya at mahimasmasan. "Kanina lang ay okay ka ah? Tignan mo, m

