Chapter 5

1336 Words
"Alam mo Artur! Ang pangit mo! Hindi talaga kayo bagay ni Glenna!" ika ko sa pagmunukha ni Artur na hindi ko maintindihan kung bakit   akay ako. Lasing na ba siya? Kung ako ang tatanungin? Hindi ako agad tinatablan ng kalasingan. Kahit magtuos pa kami ng mga sunog baga sa home along da riles. Tatalunin ko sila. Ako ang huling nakaupo at tumatagay. Nakakairita ang daan dahil ekis-ekis iyon. Nahihilo tuloy ako sa paglalakad. "Ano ba, Artur! Wala na ba tayong ibang daraanan? Grabe ka naman idaan mo ako sa bako bakong daan. Nakakahilo maglakad!" singhal ko sa kanya at tinampal siya sa mukha. Kainis! Nalasing na lang siya't lahat. Hindi pa nila ako nahanapan ng papa. "Anong bako? Iyang paglalakad mo ang may diperensiya. Ang bigat mo pa!" rinig kong reklamo niya mula sa pagkakayuko ko. "Tutulungan na lang kita Jowahoney," mula sa likod ay rinig ko si Glenna. Pilit ko siyang nilingon. Ngumisi ako nang makitang may hawak siyang sapatos. Humalakhak ako. Lasing na rin ba siya at hindi na kaya ang sarili pati paglalakad ay hindi na niya kaya kaya nagtanggal na ng sapatos? Nagpatuloy kami sa paglalakad. Wala talagang matinong daan. Panay liko-liko. Hindi ko tanda kung saan abnda ang ganoon daan sa lugar. "Aray!" sigaw ko nang masaktan ang paa ko sa natapakan. Hindi ko alam pero tila may bato. Ang tigas at naramdaman ko kahit may suot naman akong sapin sa paa. Langya yung sapatos ko. Nabili ko kasi sa Uk iyon eh. Gusto ko kasing magpasosyal ng kaunti kaya nabili ako sa UK ng original at may tatak na kagamitan. Gaya na lamang nung sapatos. Na wala naman silbi dahil nasaktan pa rin ako. Next time, ayoko na mag Uk, kamahal pa naman. 100 pesos iyon. "Langya ang ukay-ukay sa bayan! Sabi ni Aling Benay, original ang sapatos!" reklamo ko dahil masakit talaga ang paa ko. "Itigil mo nga iyang bunganga mo! Nakakarindi!"saway sa akin ni Artur. Umismid ako sa sinabi niya kaya lalo akong nag-ingay. "Busalan ko ng.medyas iyang bunganga mo kapag.hindi ka tumigil!" banta niya sa akin. "Tse! Bitiwan mo nga kasi ako. Bakit ako ang inaakay mo eh iyang jowabebes mo ang lashing na lashing!" saad ko saka siya itinulak para mabitiwan ako. Aray! Nakita kong natumba si Artur ngunit bakit ako ang nasaktan. Dinig na dinig ko ang kalabog sa paligid ko. Pumikit ako. Gusto kong kumilos ngunit hindi ko na magawa. Bigla akong nakaramdam ng lamig. Bakit basa ako? "Artur, dali itayo mo si Shai! Basa na siya ng tubig ulan!" narinig ko g saad ni Gkenna na natataranta bago ako lamunin ng dilim. Lasing na talaga sila! *** May kung anong mainit na dumadampi sa aking braso, pataas sa akong leeg. "Eneh beh, nakikiliti ako? Oh! ah!" nakapikit kong ungol at tila kiti-kiting ginalaw ang katawan ko. Mas lalong dumiin ang dumadampi sa akin na naramdamn ko na ang sakit. Ano man iyon, hindi na siya nakakatuwa. Itinaas ko ang braso ko na dinadampian ng kung ano ngunit agad kong naibaba iyon ay napaigik sa sakit. Marahan akong nagmulat ng mga mata. Naaninag ko ang mukha ni Glenna na nakasimangot habang nakaupo sa gilid ng kama ko. "Glenna..." tawag ko at pupungas-pungas na pinilit makaupo. Tinulungan naman niya ako.  "Nangyari?" "Tsk! Inom pa more, Shai! Hindi mo tanda mga pinaggagawa mo ano?" nakaismid na ika niya. "Dakila kang panira ng gabi,alam mo ba iyon?" sobgahl niyangbl ibinaba ang hot compress sa maliit na mesa ko. Nang may marinig akong kaunting hilik kaya bumaling ako sa kanang bahagi ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Artur sa kama ni Glenna. Hubad baro dahil nalihis ang kumot nito. "Dito natulog si jowahoney mo? Gumawa kayo ng kababalaghan?" magkasunod na tanong ko. Napatutop pa sa aking bibig. Hindi makapaniwala. Bakit wala akong narinig? Di sana, na-videohan ko sila. Pang black mail ko sana! Sayang! "Gag@!" Tinampal niya ang braso ko na kanina pa masakit. "Paanong magkakaroon ng kababalaghan eh, pasaway ka! Ikaw ang dakilang third wheel. Gusto mo pa yatang maki-threesome dahil gumigitna ka sa amin!" asik niya ngunit natatawa naman. "Weh," usal kong hindi naniniwala. Bakit naman ako gigitna sa kanila? Bakit? Type ko ba siya? Lalaki gusto ko. Hindi katulad niya. "Oo nga! ang likot mo kagabi. Para kang ewan!" dugtong niyang itinuro sa akin ang braso ko. May malaki iyong pasa.  "Sorry nga pala best. Nasakal kita kagabi dahil kinawawa mo ang jowahoney ko." Napahawak ako sa aking leeg na nakakunot noo. Medyo masakit nga iyon. Nag-peace sign sa akin si Glenna. Pilit kong inaalala ang pangyayari kagabi pero wala talagang pumapasok sa utak kong napuno yata ng hangin. "Sinabunutan mo kasi. Kawawa naman ang jowahoney ko..." nakanguso niyang saad bago tumayo mula sa pagkakaupo. Sinundan ko siya ng tingin nang puntahan niya si Artur at ayusin ang kumot sa katawan nito. Halatang mahal na mahal ni Glenna ang kanyang boyfriend.  Napabuntong hininga ako. Tumayo ngunit napaupo ulit nang sumigid ang sakit sa aking ulo. "Masakit ang ulo mo? Sandali at ipagtitimpla kita ng kape," saad ni Glenna. Bakit pakiramdam ko ay ibang iba siya ngayon? "Nga pala, Shai." Napabaling ang tingin ko kay Glenna na nasa pinto na. "Tumawag ate Trialyn mo kagabi. Ako na ang sumagot dahil lasing ka." Napatutop ako sa aking bibig at nanlalaki ang mga mata. "Ano ang sabi? Pupunta ba rito? Kailangan ko na bang magtago sa baul?" Natawa si Glenna. Alam niya kung gaano kami ni ate Trialyn ko. Kung magtagpo kami, isang malaking world war taong kupong-kupong ang mangyayari. Mahirap kaming magsama. Nangingitim pa ang singit ko kakukurot niya. "Kinukumusta ka lang naman. Baka raw lumuwas dito. Hindi sinabi kung kailan," sagot ni Glenna. Napahilamos ako sa aking  mukha. Sinasabi ko na nga ba. Agad kong kinuha ang cellphone ko. Kailangan kong malaman kailan siya darating dito nang makainom agad ako ng gamot ko. Lahi pa naman kami ng mga buang. Dapat kahit isa ay may matino man lamang humarap sa sangkatauhan. 'Ate, kailan ka luluwas parito? Text me asap. Mag-a-out of the country kasi ako.' Text ko. Pinaglalaruan ko ang cellphone ko habang hinihintay ang text back niya. Agad kong binasa nag text nang tumunog iyon. 'Anong out of the country? At saan ka naman pupunta?' Natugil ako sa pagtipa dahil wala akong masabing dahilan. Nang bigla ay may umilaw sa aking ulo na bumbilya. Ang galing ko talaga. May ideya agad ako. Hindi pa pala.puro hangin ang laman. 'Magtatrabaho ako. Maaring hindi niyo na rin ako makita. Malaki-laki ang suweldo, ate. Instant yaman tayo.' Text kong seryoso. Naiiyak pa nga. Tumulo ang luha ko. 'Aba'y mabuti naman. Anong trabaho at saan?' text agad niya. Wow, si Ate Trialyn kapag napag-uusapan ay ang pag-alis ko ng bansa ang bilis niya mag-text. Gusto talaga ako patalsikin sa bansang Pilipinas. 'Alam mo bang isang milyon ang suweldo isang araw?' 'Ano?meron ba niyon? Pinagloloko mo na ako, Shai!' Natawa ako sa reply niya. With angry emoji pa. "Meron ah! Tiga-salo ng bomba sa Iraq. Kapag nakasalo ako, kahit isa...milyonarya na tayo!" Reply kong bumunghalit ng tawa. Na agad rin naman natigil nang may unang tumama sa akin. Hindi na ako magtataka at magtatanong kung sino iyon. Ang dakilang alambre lang naman ang kasama ko sa kuwarto. "Buw!sit ka Artur!" singhal ko sa kanya. "Ang ingay mo, Best. Natutulog ang tao eh," asik niya na nakapikit pa. "Hindi na tayo bestfriend uy!" singhal ko sa kanya. Itinatanggi ang kaugnayan ko sa kanya. Oo, bestfriend ko si Artur. Pero simula noong ligawan niya si Glenna, pinutol ko na ang aming ugnayan. Charot! Kaibigan ko kasing dalawa pero siyempre, kakampi ako sa babaeng kaibigan ko. "Bunganga mo, Shai. Katanda mo ng tao, para ka pa ring bata. Hindi ka rin tatanggapin sa kumbento dahil ganyang ang bunganga mo!" sermon niya sa akin na ikinalabi ko. "Tse! Last kahapon ang ibinigay kong palugit sa sarili ako. Papasok talaga ako sa kumbento!" pahayag ko na ikinahalakhak niya. Ayaw nila maniwala? Puwes! Makikita nila. Magbabagong buhay ako bilang si Mother Shaira!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD