Hinila ko si Mader Earth sa dressing room. Ngayon ang kasal nila ni Fader Earth. Hindi niya pa rin alam na siya ang ikakasal. "Naku, Shai. Anong gagawin natin dito?" takang tanong ni Mader Earth. Hindi ko siya kinibo. Inutusan ko lang ang nakahandang make-up artist na make-up-an na si Mader Earth. Nasa simbahan na ang kapatid ni EJ at inaayos na ang lahat. Si EJ naman daw ay parating pa lang galing Maynila. Busy na busy sa kasong hawak nito. "Shai?" "Trust me Mader Earth!" sabi ko at naupo sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya. "Ikaw ang pinakamaganda at pinakamasuwerteng babae sa mundo," dagdag ko na naluluha pa talaga. Nang matapos siyang make-up-an ay kinuha ko ang gown niya na pangkasal. Nanlalaki ang mga mata niyang napatingin sa akin. "Huwag na nating paghintayin si Fader

