"Anton!" muling sigaw ni Mader Earth. Nataranta na ako kaya tinakpan ko ang bibig niya. "Mader Earth! Maghulos dili ka. Wala pa tayong ebidensiya!" muli kong bulong sa kanya. Pilit sinasabuyan ng tubig ang nag-aalab niyang damdamin. Mukhang ang balak kong usok lang ay naging apoy na na tumutupok sa pagkatao ni Mader Earth. Tinapik niya ang aking kamay na nasa kanyang bibig kaya inalis ko iyon. "Ebidensiya? Hindi ba at nakita ng sarili mong mga mata!" saad niyang nanggagalaiti pa rin sa galit. Lumingon sa gawi ng mag-ama na nag-uumpisa nang mag-almusal. "Ako? Hahaha! Mader Earth, sino maniniwala sa akin? Kalap muna tayo ebidensiya, okay? Relax muna tayo ui! Relax muna pepe natin. Bawal.muna tumalak!" Pinagpapawisan ako ng malagkit. Baka mabulilyaso pa ang plano nf mag-ama dahil sa a

