Shai Inhale. Exhale. Ulit! Ilang beses kong ginawa iyon bago nagkalakas ng loob na pindutin ang doorbell ng gate nila Mader Earth. Isang linggo na rin ang nakalilipas simula noong magkalabuan kami ng tae niyang anak. Malabo sa paningin ng 100 years old na lolo sa kabilang baranggay. Pero buti pa siya may ayuda kahit malabo na ang mga mata. Eh ako, nawalan na nga ng madadakma. Nawalan pa ng magpapaligaya. Oh well, life is life! Matuto akong magsarili! Ka-text ko naman lagi si Mader Earth. Hindi ko nga lang pinagbibigyan kapag umuungot siyang puntahan ko siya sa bahay nila. Kahit sabihin pa niya na wala si EJ. At ang taeng iyon. Hindi talaga ako tinext. Galing-galing ng ogag na iyon. Parang pinatunayan niya lang na hindi talaga ako mahal. Saka lang naisipang i-text ako dahil kailangan ak

