Natapos ang araw ko na nakangiti. Nangyari ang imposible sa buhay ko. Ewan ko ba? Noong hinahanap ko ang kaligayahan ko sa isang tao, hindi maibigay-bigay. Noong handa na akong i-give up ang lahat at magmadre na lang, bigla naman pinunan ng Diyos ang pantasya ko. Pinaglalaruan ba ako ni Lord? "Salamat," ika ko kay Jerome nang makababa na ako sa tricycle niya. "Shai..."Napabaling ako kay Jerome nang muli niyang tawagin ako. "Puwedeng makuha number mo?" "Number?" Tumango siya. "15," sagot ko. Napakamot siya sa ulo. "Shai, number mo sa..." "Tsaka 1 at 12," sabi ko pa. "Tataya ka ba sa lotto? Hatian mo ako kapag nanalo ang number na hinihingi mo ah!" ika kong lumapit pa uli sa kanya. Lalong napakamot si Jerome sa kanyang ulo dahilan para mapahagikgik ako bahagya. Nakakatuwa siyang pagm

