"He’s the criminal.” Napapitlag si Crystalle nang biglang nagsalita sa likuran niya si Paolo. Hindi niya pala namalayan ang paglapit nito dahil natigagal siya sa nakita. Ito yung binata na tumulong sa kaniya nang muntik na siyang mahold-up at saksakin. Bagamat may inis siya sa tao dahil sa walang paalam nitong panghahalik sa kaniya hindi siya naniniwalang ito ang kumidnap sa kaniya. He once saved her life. Imposible na ang lalaking ito ang kidnapper. Nakita pa nga niya kung gaano ito nagbigay simpatya sa binatilyong maagang natuto sa masamang Gawain. “A-are you sure that he’s the kidnapper?” Nakangiting tumango si Paolo. Hindi pa rin matanggal ang mga ng dalaga doon sa biktima dahil nasa kalunos-lunos itong sitwasyon. Sabog ang labi nito. Ang mga mata’y namamaga at nakapikit. Walang pa

