Chapter 11
Tanghale na ng makabalik sila sa Hotel!
Pagkabalik nila ay nag shower agad si mia! Meron pa silang dapat asikasuhin ,
Kaya naman ay nling busy na ulet sila! Pagkatapus naman ni mia maligo ay nagbihis agad sya! Tsaka inayos ang susuotin ni axel!
Nakatapis na lumabas ng banyo si axel, sabay yakap sa likuran ni mia!
You smells good baby! Parang gusto kopang umisa!
Napa igtad naman si mia!
"Madami pa po tayong aasikasuhin remember mr. Montefalco!
Ngumiti naman ng pilyo ang binata tsaka yumakap ulet kay mia
"Magbihis kana po at malelate na tayo!
Tsaka lamang kumalas ng pagkakayakap kay mia si axel ng may tumawag sa bussiness phone nito, kaya agad namang sinagot ni mia ito!
Yes hello Good morning,
"Pakisabi sa boss mo, na nasa bataan ako, at Huwag nya ng tangkain na huwag akong kitain dahil Lagi nalang nya ang ini indian! Napatingin naman si mia sa gawi ni axel na busy na ngayun sa paglalagay ng necktie,
Boses palang ng nasa telepono ay kilala nya na ang may ari nito..
Si erika na laging pinapa cancel ng boss nya ang mga appointment dito!
Hello? Galit na wika sa kabilang telepono!
Ah yes hello mam! Busy po si Mr. montefalco today!
Wala akong paki alam! Paki Sabi Humanda sya asa akin!
Totot...
Tinulungan na ni mia ayusin ag necktie nito,
"Sino tumawag? Takang tanong ni Axel!
"Si miss Erika, Andito sya sa bataan at pinapasabi nya na humanda ka raw at lagi mo syang ini indian!
Next time dont answer her call! Nakakunot na wika ni axel!!
Makalipas ang ilang oras ay bumaba na sila.
Sa Ospital na abutan ni mia at ni Axel ang mga tauhan ng planta, Hindi naman naging malubha ang mga kalagayan ng mga ito, ngunit sinigurado ng binata na magiging ok ang lahat at, wala ng ibang iintindihin ang mga ito kundi ang mag pagaling,
"Maraming Salamat po mr. Montefalco at Hindi nyo po pinabayaan ang mga Asawa namin!
Wika ng isang Ginang na naroon.
"Kahit kailan Hindi ko papabayaan ang mga tauhan ko, sila ang Dahilan kung bakit umaasenso ang kompanya, Kung wala sila, Wala ang planta! Huwag po kayong mg alala
Kapag Ok na sila Agad naman po silang makakabalik sa trabaho, Mahabang wika ni Axel sa mga naroon
Nakangiti namang bumaling si mia binata! Lalo syang nahuhulog sa binata, dahil sa mga nakikita rito taliwas sa unang expression nya rito ng unang pagtatagpo nila.
Tanghale na ng makalabas sila ng Hospital
"Wow! Kaya ka pala laging busy! Wika ni Erika na ngayun ay nasa Likod nila miat Axel, Agad namang Hinarap iyon ng dalawa ,Hindi na nagulat pa si mia dahil inaasahan nya na ito ngayung araw!
"Axel what happened? Pagkatapos mo sakin jan nanaman sa secretary mo? O my God
"what are you talking about? Masungit na wika ni axel
Bigla naman lumapit si erika dito at lumingkis sa braso ng binata
"I really miss you Axel! Ilang buwan na tayong Hindi lumalabas! Simula ng Dumating yang babae na yan, nwalan kana ng Oras sakin! Samantala dati lagi moko pinagbibigyan.. parang batang wika ni erika dito...
Mr. Montefalco i think i should go, At baka Maiistorbo Ko pa ang date nyo ni miss erika!
Wika ni mia at Tuluyn ng Lumayo sa dalawa
Bago tuluyang maka alis ay natanaw pa ni mia na naghahalikan ang dalawa
Nakaramdam sya ng selos, at galit sa lalaki! Padabog syang Sumakay ng taxi pabalik ng Hotel
Pagka dating nya ng hotel ay duon sya nag gulong gulong sa kamasa inis ay napatalukbong nalang sya ng unan!
"Nakaka inis ka!!! Sigaw ni mia oara syang teen ager na nag seselos !
Kanina lng kasi ay hangang hanga sya sa binata, At ang mas malala ay kagabi lang ay ibinigay nya ang Sarili! Tapus ngayun may kasama itong ibang babae at Naghahalikan pa! Naiinis sya Habang iniisip ang mga bagay na iyon!
Nakaramdam ng gutom si mia, kaya napagpasyahan nyang kumain sa isang restaurant duon! Alas tres na ng makababa sya ng hotel.. Kumain lang sya ng sandwich at napag isipan nyang mag libot libot sa tabing dagat,
Habang nag lalakad Lakad ay duon Na relax ang kanyang isipan.. Nag balik tanaw sya sa nakaraan! Mga panahong Hndi nya pa kilala si Axel ,Marami na ang .
sa buhay nya, oo naging Madali na sa kanila ni milly ang pera, ngunit wala naman silang kalayaan ,Natatakot siya sa kalaban ng lalaki sa Negosyo, Dati pa man ay takot syang matunton sila ng ama ..
Kung magulo ang buhay nila noon buhay pa ang ina, ay baka kapag Nagtagpo ang landas ng kanilang ama ay baka lalo gumulo ang buhay nila.
Makalipas ang ilang oras na pag muni muni sa tabing dagat ay napagpasyahan na nya ng bumalik ng hotel mag aalasais na ng makabalik sya ,ngunit wala padin ang binata!
Inayos na lamang nya ang kanyang gamit, tama na siguro ang ilang Buwan na Sumunod sya sa Mga Gusto ng Binata ,kailangan nya nang harapin ang Mundo nilang magkapatid..
Palabas na sya ng Hotel ng makasalubong nya si Axel, gulat na gulat ito ng makita sya na hilahila na nya ang maleta, Agad sya netong hinawakan sa braso ng lalo syang mag madali ng lakad..
"whats wrong? Anong ginagawa mo? Nakataas kilay na tanong ng binata
Uuwe na ako Axel!
Sinubukan pang mag pumiglas ni mia ngunit malakas binata..
"Ngayun mismo mia?,Bukas pa ang uwe natin and what happened to you? Natatawang wika ni Axel
Kaya naman tinitigan pa lalo ng masama ni mia ito.
"Ano sa tingin mo ang nakakatawa? Inis na turan ni mia sa binata.. Lamapit Bahagya si axel kay mia tsaka binulungan ito
"So you're jealous? Nakangiting bulong neto kay mia
"Stop this nonsense Axel! Bulyaw ni mia dito kasabay ng nakakatakot na irap!
"Hinatid ko lang si Erika sa daddy nya sa resort,kaya ako natagalan!
"wala akong paki alam! Uuwe na ako sa ayaw at Gusto mo!
Sabay pagpumiglas ni mia, ngunit ayaw talaga syang bitawan ni axel!
"Ok fine uuwe na tayo, but let me fix my things and i will call my bodyguard,Wait for me here Ok
Tsaka lang sya binitawan ng binata tsaka ng tipa sa celphone nito!
"Pasundo na kami ngayun! "
Tsaka binaba na nito ang celphone at pumasok na ng Hotel!
Mga ilang minuto din ang tinagal ng dumating na ang body guard ng binata at kinuha ang gamit ni mia! Sumakay din agad si mia sa sasakyan habang inaantay ang binata!
Tahimik lamang si mia na nag aantay hanggang sa dumating na ang binata, hinayaan na lamang nya ito, na para bang wala syang katabi..
Agad namang pinaharorot ng Driver ang sasakyan, samantalang panay tingin naman si Axel kay mia, Ng hawakan ng binata ang kamay nito ay agad namang tinanggal ng dalaga ang mga kamay nya! Naiinis sya rito
"Look mia, Im sorry!Kung ano man yung nakita mo kanina thats nothing!
"Hindi ako tanga Axel, and Bago ko makalimutan, Wag kang mag alala, secretary molang pala ako! Kaya bakit ka humihingi ng pa umanhin? Mapaklang wika ni mia, kaya naman naging seryoso na ang mukha na binata!
"Mia, its not like that! Lo----------
"im tired, pag balik nalang tayo mag usap sabay talikod sa binata at humarap sa labas ng sasakyan!
Wala nang nagawa ang binata kundi manahimik nalang din sa buong byahe!
Tahimik lang din si mia buong byahe, gustuhin man nyang umidlip sa byahe ngunit d nya magawa magulo ang kanyang utak!
Tumunog ang celphone ng binata, agad naman itong sinagot at nakinig lang si mia
"Yes hello manang?
"what? Kelan pa?
"s**t! Ok we will be there soon!
Yun lang ang naririnig ni mia at naputol na ang tawag!
"Manong paki bilisan ng Konte!
Ok sir!
Anong Oras nadin kaya wala na gaanong traffic
Ilang oras pa ang lumipas at nakarating na sila ng manila!.,.
Pagkababa nila ay Nagmamadaling Naglakad si axel papuntang elevator, Kaya Nagmadali na din si Mia, Seryoso ang itsura ng binata kaya, medyo kinakabahan si Mia!
Agad naman silang nakarating sa penthouse at pag bungad nila duon sumalobong ang isang may edad na lalaki at babae, Halatang mayayaman at konektado kay axel!
"What the hell are you both doing here? Galit na bungad ni axel sa mga ito!
"so totoo nga ang Bali Balita! That You're dating with your assistant! Sarcastikong wika ng matandang lalaki!
At Nagpatira kapa ng mga basura dito!
Duon parang nabingi si mia sa mga narinig! Napapikit si mia at nanginginig na kinuyom ang mga kamay!
Isang malakas na suntok ang kumawala!
Hindi na napigilan ni axel ang sarili, nasuntok nya ang kanyang ama!
"Wala kang karapatan! Tawaging basura ang mga bisita ka! Galit na wika ni axel
"Hon are you ok? Wika ng babae!
"ha ha! Ako lang ang kaya mo? Sabay punas ng dugo sa labi nito!
"Get out?
Wika ni axel, sabay turo sa pinto!
Akmang aalis na ang dalawa ng tumigil ang mga ito sa harapan ni mia
"Kung ako sayo ija hahanap ako ng ibang maloloko!, Not my son he plays better! Wika ng matandang lalaki!
Pag ka alis ng mga ito, ay don lang Pumatak ang Luha ni mia!
Ano ang gustong ipamukha ng mga ito sakanya, ito ang mga bagay na hindi nya Napaghandaan. Oo matapang sya at matatag! Pero Hindi nya kayang ma atim ang ganito!
Dali Daling pumasok si mia sa kwartong kinaroroonan ng kapatid!
"ate anong nangyari?
Dali dali namang niyakap ni mia ang bunsong kapatid
"May problema ba ate mia? "
"Fix your things milly, uuwe na tayo!
"pero ate,
"Milly makinig ka nalang sakin!
Isang katok ang pumailanlan at nagpatagil sa mag kapatid.
"Mia lets talk! Wika ni Axel sa labas ng pintuan
Wala ng nagawa si mia kundi lumabas at harapin si Axel!
Pag ka labas ni mia ng kwarto ay agad syang hinawakan ni axel sa mga kamay!
"Tama na to Axel! Aalis na kami ng kapatid ko! Ayoko ng masangkot pa sa buhay mo!
Ayusin mo na muna ang buhay mo, at ang relasyon mo sa Ama mo!
Pag papaliwanag ni Mia rito!
"Mia please! Im sorry
"Hayaan muna kami! Kahit ngayun lang! Kailangan kung mag isip, Bigyan mo ako ng space na makapag isip! Please Axel!
Tinanggal ni mia ang mga kamay ni axel at tuluyan ng pumasok ng kwarto!
Nasapo naman ni axel ang noo!