Chapter 6
Tahimik na tinungo nila ang kotse, pagka pasok nila duon saka lamang naka bawe si mia,Hindi alam ng dalaga ang nangyayare, dahil bigla nalamang nito nakita na sinuntok ang nakilalang bisita sa party,
"Ano ba ang problema mo?
Binitawan naman sya ng lalaki tsaka tumingin dito ng Masama!
Stop being so naive Mia, Galit na wika ni axel.
Lets go jong! Ani nito tsaka na upo na ng maayos,
Inirapan nalang sya ng dalaga,tsaka ng cross arms!
Naka rating sila ng tapat ng apartment ng hindi nag iimikan, bumaba na si mia, nagpasalamat sya kay jong tsaka hindi na pinansin ang binata..
Masyadong mainitin ang ulo,
Napailing nalang si mia habang papasok ng apartment, quarter to 12 na kaya pag pasok nya ng bahay, tulog na ang kapatid nya,, nagbihis lang sya at tinanggal ang make up,
Hindi maalis sa kanyang balintataw ang galit na anyo ni Axel! Naiinis sya rito..
Kina umagahan!
Maagang Bumangon si mia,
Ginawan nya ng almusal ang kapatid bago pumasok sa trabaho! Mini skirt na kulay black at long sleeve na puti,Suot nya papasok ng trabaho!
"Ate, Aalis kana agad?
Tumango lamang si mia
"May kailangan kaba milly?
"Wala ate, Saka yumakap ito sa kapatid
"na Miss lang kita ate,Lagi kana kasing busy sa trabaho, bulong nito
"Yun lang ba? Tanong ni mia
"Ate, Sumagi din ba sa isipan mo si papa?,Hinahanap din kaya nya tayo? Tanong nito..
Hinarap ni mia ang kapatid!
"Bakit mo naman naisipan ang taong nang iwan satin? Tsaka Andito naman ako, Wag munang Alalahanin yun ok,
Tumango tango naman ang kapatid, pero mababakas sa mukha nito ang pagka lungkot,
"Kuya jong hindi na po kailangang Susunduin nyo pa ako rito, kaya ko naman pong pumunta mag isa, "wika ni mia
"pasensya na po mam,yun po kasi ang bilin ni Boss !
Pumasok na si mia ng sasakyan, wala syang magagawa dahil gun ang gusto ng amo nya,
Nakarating naman agad sila ng office, si jong na ang nagdala ng mga gamit sa office nya, HINDI na din sya nag abala pa para makita sng binata, Tinignan nman ng dalaga ang mgs schedule nito, Isa lang ang schedule nito, at mamaya pang hapon.. Pero dahil sa personal assistant sya nito ay di maiiwasan ang makita nya ito, dahil ultimo Tubig ay hinihingi sa kanya nito,
Ngayun ay nasa office sya ng lalaki, dala dala ang mineral water na ipinabili pa sa body guard!
"Whats my schedule in the afternoon? Tanong nito sa dalaga habang nag papaikot ikot sa kanyang upuan!
Dinner Meeting with Mr. Apolo
Tumago tango lamang si Axel dito,
"Prepare your self, you'll go with me"
"ok sir "
And lastly,Huwag ka na muna Tumanggap ng mga apointment.Dahil may Mas importanti akong aasikasuhin this coming week,
Tumango tango lang din si mia,
Ok you can go now!
Ok sir! Wika ni mia,
Pasado alas tres na ng tumawag ang kanyang Amo, Pinapare na sya nitk, dahik any time soon ay aalis na sila!
Kaya naman nag lagay ng konting powder at lip gloss si mia, tsaka humarap sa salamin..
Dala na din nya ang gamit nya at ibang kailangan sa meeting!
Nag wisik lang din sya ng konting pambabaeng pabango tsaka tinungo ang office ni Axel,
Nakita nya itong nahihirapang ayusin ang necktie nito, kaya hindi sya nag dalawang isip na Lapitan ito tulungan.
"Let me!
Nagkatitigan muna sila bago tanggalin ng lalaki ang kamay sa necktie nito at Pina ubaya na kay mia ito, Habang inaayos ni mia ay Hindi nito maiwasan ang lang hapin ang mabangong pabango ng binata..
Samantala titig na titig naman si Axel sa Dalaga habang ginagawa nito ang nectie nya,Parang lalong Tumagal ang kanilang mga galaw! Parehas nagpapakiramdaman! Maya maya pa ay napatingala si mia, at duon nagkasalubong ule ang kanilang mga mata, May kung anong kuryente ang dumaloy dito at Bigla nalang naglapat ang kanilang mga labi, napapikit si mia, animoy nilalasap ang amoy ng lalaki at ang lambot ng mga labi nito, Nawala sa Isip ng Dalaga ang Inis nya dito! Na isa itong Arrogante at masungit na lalaki, para bang May kusa ang kanyang mga labi at tumutugon sa sa mga halik ng lalaki..Kahit na sino ay mawawala sa sarili kapag isang Gwapo ang Hahalik sayo!Perpektong Perpekto ang itsura mula hubog ng katawan hanggang sa itsura nito.
Nagising lang ang diwa ng dalawa ng makarinig ng mga katok! Duon lamang narealize ni mia n naka pulopot an ang kanyang kamay sa leeg ni Axel, at ang kamay naman ng binata ay nasa maoombok na dibdib ni mia, parehas silang dinala makamundong buhay at ngayun balik na sila sa Realidad!
Nakita ng Dalaga ang inis s mukha ni Axel,
Sino ba naman kasi ang hindi maiinis kung mabibitin ka! Agad namang inayos ng dalaga ang Sarili, Ganun din ang binata.
"Pasok"! May pagka inis na wika ni Axel
Pumasok naman si jong duon!
"Boss ready na po yung sasakyan, wika nito na Mukhang walang alam sa nang yare!
"Ok jong, Susunod na kami, tsaka Lumabas na ang body guard nito,
Fix Your self! Ani ng binata na nagpa tinag kay mia! Kaya dumiritso si mia sa comfort room ng binata para silipin ang sarili, ngunit wala naman syang mali sa Itsura nya kaya lumabas na sya ng Cr.. At anduon na ang binata sa may pintuan.. Kinuha na ni mia ang mga kailangan at Lumapit na sya dito, naka yukong tinungo ang binata,
Hindi naman nagustuhan ng binata ang inasta ng dalaga kaya ito na mismo ang nagtuwid sa dalaga, hawak nito ang baba ng dalaga
When Your with me, alwasys Walk with chin up!
Tumingin ang dlaga sa mga mata ng binata!
Malamig parin ito,
Tsaka binitawan na sya ng binata!
At sumunod na sya dito ,na naka chin up ngayun lang nya nakita kung gano kaganda ang dinadaanan nila!she never used to do it! parang nagkaron sya ng self confident and she loves it.
Nag aantay na pala sa kanila si jong sa elevator, kaya nag madali nadin ang dalaga na makasunod agad sa lalaki..
Nakarating sila sa isang sea side restaurant, mag 7pm na ng gabi, may mga body guards sa labas at halatang may malaking tao sa loob dahil napapalibutan ito ng mga lalaking naka itim at halatang mga kargado, Naiwan Sa labas si jong at isa nitong bodyguard, Samantala hinawakan naman ng binata ang kamay ng dalaga, Habang papasok sila ng restaurant, Duon nakita ng Dalaga ang isang lalaking malaki ang pagkaka ngiti,May kasama itong Magandang babae, tinungo agad nila ang pwesto na iyon, Tumayo naman ang mga ito pag ka lapit nila duon at nakipag kamay sa kanila,
"Mr. montefalco! Wika ni Apolo na malaki ang pagkakangiti! "Salamat at Napa unlakan mo ang aking inbitasyon"
"Anong maitutulong ko sayo Apolo?
Direktang tanong ni Axel
"Yan ang gusto ko sayo Axel, you're always direct to the point, Just Simple mr. Montefalco, Gusto kong Maging parte ng Bassiness mo sa France!
No problem Apolo, Pero ipapa alala kolang sayo na, lahat ng Negosyo ko sa france ay legal"
"Ofcourse I know, Kaya nga ikaw ang nilapitan ko, instead of mike wika nito na nakangiti..
Seryosong nakikinig si mia,
"My wife choose france, She wanted to live thier, kaya Alam ko kung sino ang lalapitan pag dating sa ganitong bagay!
Tumango tango lamang si Axel,
Anyways,Lets take our orders ani ni apolo!
Nag order na ang mga ito at di rin nag tagal ay dumating na ang kanilang pagkain..
Habang kumakain ay patuloy parin sa pag kwentuhan ang dalawang lalaki, Negosyo ang mga topic nito, Medyo naiilang si mia kapag ganito, kaya tahimik nalang din syang nakikinig sa kwentuhan nila,
Natapus na ang kanilang pagkain ngunit ang usapan ng dalawa ay Hindi parin natatapus, hanggang sa maiba ang topic,
" No offense mr. montefalco ahh, Kelan ka mag se Seattle ! Tanong ng magandang babae,
"Lagi kang Laman ng news,Sikat at Maimpluwensya! Ani ulet nito
Hon dont pressure him, ani ni apolo!
Bahagya naman nga pakawala ng ngiting aso si Axel,.
Dont worry!Malapit na!
"Thats Good to hear!,Napaka Swerte naman ng Girlfriend mo, or should i say napaka Swerte mo sa girlfriend mo! Natatawang wika ni Apolo.
Wala namang mabasang reaksyon si mia sa Mukha ng lalaki! Nagtataka na sya rito, kung ipinaglihi ba ito sa manika, dahil bihira. Lamang ito kung mag iba ng reaksyon, mas ok panga ang manika dahil laging nakangiti ito ni hindi nga magawang ngumiti eh..
Natapus ang meeting na iyon! Pasado alas dyes na ng gabi, kaya nag aalala si miang kinuha ang Celphone!
Nakita nya ang mga missed calls ng kapatid nya! Nag aalala naman syng napahinto, na dahilan para mapansin sya ng binata!
Nasapo ng dlaga ang nuo! Nag aalala sya dahil, hindi ganito ang kapatid nya kaag walang importante..
Tinawagan nya agad ito at agad naman nitong sinagot!
(Ate please go home) umiiyak na wika nito,
"milly bakit? May nangyare ba?
(ate ,may mga lalaking umaaligid sa bahay natin, Pleaseee ate, natatakot ako! )
Shhhhhhh huwag kanang umiyak pa uwe na ako, huwag kang lalabas ng bahay milly,
(hurry please) ibinaba na ni mia ang telepono at agad nyang tinungo si Axel
"Whats wrong tanong ng binata
May Mga kalalakihang umaaligid sa apartment ngayun, kailangan kunang Umuwe, wika ni mia na puno ng pag aalala
"Lets Go wika nito tsaka inalalayan syang maka sakay ng kotse,
Hindi mapakali ang dalaga dahil sa pag aalala sa kapatid..
"jong call n***o, Sabihin mo kailangan natin sila ngayun, sa 112 Sofia street
Yess boss! Ani ni jong at nag tipa!
Naka usap na nito ang pinatawagan ng binata at papunta na din ang mga ito duon..
Malapit na sila sa apartment mabilis ang mga kilos na ginawa ni jong! Kinorner ang tatlong malapit sa gate ng apartment nila mia, Agad namang bumaba si Axel! Kunot noong, sinalubong ng suntok ang lalaking papasalubong din sa kanya! Naiwan naman sa sasakyan si mia nag aalala,
May mga dumating pang kalalakihan, Hindi ito ang tauhan ni axel, kundi kasamahan ng tatlong ngayun ay nakikipag buno kay Axel at sa dalawang body guard nito,
Kilala ni Axel kung kaninong tauhan ito, Maya maya pa ay Dumating na din ang grupo ng tauhan ni Axel, sila n***o, naglalakihang mga lalaki at halatang Sanay ang mga ito sa bakbakan,
Pinuntahan na ni Axel si mia kotse at ipinasok sa loob ng apartment! Duon sinalubong ni milly ang kapatid, Yinakap ito ng mahigpit, Maya maya pa ay lumabas na si Axel..
Tsaka hinarap ang mga kalalakihan duon na bogbog sarada! Itinayo nya ang pinak leader ng grupo at kwenelyuhan
"Kilala ko ang Amo mo!,Sabihin mo Kapag na ulet pa ito, deretsuhin nya kamo ako, Huwag sya kamong Lumaban ng Hindi Patas! Saka sinik muraan ang lalaki!
"Ilayo nyo na yan dito"wika ni Axel tsaka dumura sa lupa, pumutok din ang kanyang labi at nagka roon ng kunting galos sa mga kamay! Naiwan duon si jong Habang si Axel ay tinungo ang dalaga at kapatid nito..
Lingid parin sa kaalaman ng Lahat ay may patuloy na nag mamatyag sa mga galaw ng binata at dalaga!
"Ate sino ba Ang mga iyon", Natatakot na wika ni milly!
"Shhhh wag muna silang intindihin, panigurado ay nagkamali lamang sila ng Lugar na puntahan! Pinakalma nya ang kapatid, tsaka iniwan na ito sa Sariling kwarto,
Pag labas ng dalaga ay na datnan nya ang binata duon sa maliit nilang Sala, Busy ito sa pag tipa sa cellphone, Napansin ng dalaga ang dumudugo nitong labi at ang galos sa kamay, kaya naman ay kinuha nito ang first aid kit
Tumabi ang dalaga kay Axel, at agad naman nitong Tumingin sa kanya!
Kailangan kung linisan yang Sugat mo!
Ani ng dalaga, kaya wala na nagawa si Axel kundi mag pa ubaya! Nag aalala padin ang dalaga kaya d nya mapigilan ang usisain ang binata,
Its Mikes People " wika ni Axel na nakakunot parin ang nuo!
"Mike? ,Sya yung sa birtday party ni mr. Vedra
Uh oh, tango ng binata!
"At bakit dito sya pumunta? Hindi sayo?
Napailing si Axel
"Its Because He wants You! Inis na Bulyaw ni Axel! Kaya naman lalong diniinan ni mia ang paglagay ng betadine sa sugat nito..!
Ouch! Wika ni axel,
"Hindi sya Yung Lalaking ina asahan mo! Masungit na wika nito
Inis na inirapan ng dalaga ang binata, naiinis sya dahil kung kausapin sya nito ay parang napakalayo, dahil pabulyaw ito kung mag salita! Natapus sya sa pag lagay ng betadine sa labi nito, Sinunod naman nya ang braso nito, Naiinis naman ang Binata dahil sa mga nangyare! Kunot noo nyang pinagmasdan ang dalaga habang abala ito sa pag lilinis ng kanyang Sugat! Pangalawang Beses na itong ginawa sa kanya ng Dalaga! Kung Hindi ang kanyang ina ang gumagawa rito ay ang kapated nyang si Ayen na nasa states ngayun! Maraang napapikit ang binata! Gusto nya ang ginagawa ng dalaga!Nawawala ang kanyang inis, at ibinabalik sya sa dati nyang buhay, masayang buhay kapiling ang ina at kapated.
"Gusto mo bang mag kape? Wika ng dalaga na nagpa pukaw sa kanyang pag babalik tanaw! Tinitigan ng binata si mia, ang magandang mukha nito na, mababakas ang tapang ,Tumango lamang si Axel at tuluyan namang tumayo si mia, para igawa ng kape ang binata!
Agad naman itong naka balik dala ang dalawang tasang kape, inilapag nito sa center table at Hinarap ang binata,
Tinitigan lamang ito ng dalaga, wari sinusuri ang binata, busy na naman kasi ito sa telepono nito,
"Mag iiwan ako ng Dalawang titingin sa kapated mo! Muling wika nito
Nagulat naman ang dalaga!
"Hindi na kailangan, Kung ako lang naman ang gusto ni Mike, ako lang ang hahabulin nya"
"No, Hindi mo Alam panu mag laro ang isang Mike Go " wika ni Axel
Pero, Hindi ganun kadali yun! Look ayokong malaman ng kapatid ko ang lahat!
Just tell her Para sa security lang nya for the mean time.
Napa iling si mia, tsaka napa buntong hininga!
Ito nanga ang kinakatakutan nya, ang mapasok sa buhay ng binata, ang magulong buhay nito..
"This is all your fault, Wika ng dalagang naiinis!
Gusto pa sanang Mag salita ni mia ngunit Pinigilan na sya ni Axel,
Iiwanan ko si n***o at isa nitong kasama! Para tumingin tingin sa inyo,Hanggat Dko pa naayos ito, tumayo na ang binata at naglakad palabas ng apartment..
Tumayo naman si mia, para sundan ang binata,
Hanggang gate nya lamang ito hinatid at Pumasok na ulet sya,
Bago tinungo ang kanyang Kwarto ay sinilip muna nito ang kapatid sa kabilang kwarto.. Payaba na itong natutulog.