Chapter 2: Gideon

1667 Words
Reese's POV Umupo kami ni Cielo sa mesa kasama si Henry at ang mga kaibigan niya, pati na rin ang lalaking sinasabi ni Cielo na kapatid ni Henry. Honestly, I'm really an idiot for not realizing it. I can see some resemblance, pero malaki rin naman ang pinagkaiba nila. Well, this is my first time seeing him, anyway. Tinanong ko si Cielo kung paano niya nalaman na kapatid 'yon ni Henry, ang sabi niya lang ay pagkakita pa lang niya ay na-realize niyang pamilyar sa kaniya, then she finally concluded that it's Henry's younger brother. It doesn't concern me, though. All I want right now is to finish eating then leave. Pero itong si Cielo ay ninanamnam pa talaga ang pagkain habang nakatingin doon sa kapatid ni Henry na hindi man lang siya tinitingnan. "Why are you looking at him like that?" tanong ko kay Cielo at tinusok ko siya ng tinidor kaya napaigtad siya. "Stop, you're embarrasing." "Epal ka, I'm just admiring the view." Lumawak ang ngiti niya kaya napailing na lang ako. Saglit na tinapunan ko ng tingin 'yong direksyon kung saan seryosong nag-uusap si Henry at 'yong kapatid niya na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kilala. He looks familiar, I think? Pero siguro masyado ko lang siyang natitigan. "Tingnan mo, matatapos na akong kumain pero ikaw, 'yan. Halos hindi mo pa rin maubos," asik ko kay Cielo na panay ang pa-cute sa kapatid ni Henry. Kaunti na lang ay mababatukan ko na talaga ang isang 'to. "So, how are you and Henry?" tanong sa akin ni Bryan kaya naagaw namin ang atensyon ng lahat ng nandoon sa table, pati si Henry at ang kapatid niya ay napatingin din sa amin. They were all waiting for my answer. "I-I..." Umiwas ako ng tingin. This is what I keep on avoiding. Itong mapunta kami sa usapan about sa panliligaw sa akin ni Henry. "I turned him down," sabi ko kaya napatingin sila Bryan kay Henry na nakasimangot. I hurt him, I know. Pero kapag pinatagal ko pa 'yong panliligaw niya sa akin, hindi ba't parang mas masasaktan ko siya lalo? Mabuti nang maaga. Para hindi ko na siya masaktan pa nang sobra. He can move on from it. He's handsome after all. Maraming babae ang magkakandarapa sa kaniya at isa pa, alam ko naman na hindi lang ako ang babaeng magugustuhan niya. He maybe attracted to me now, but sooner or later, he'll find someone much more interesting. Hindi na muling nagtanong 'yong mga kaibigan ni Henry dahil nahalata siguro nila na wala na kaming balak pang sumagot ni Henry sa kahit anong tanong nila. It's good that they can read the room. Nauna na kaming umalis ni Cielo sa kanila dahil mukhang balak pa nilang tumambay. Wala na akong balak pang mag-stay roon dahil ang awkward. "That's not funny," asik ko kay Cielo na tawang-tawa habang naglalakad kami pauwi. "Sorry, ang guwapo kasi ng kapatid ni Henry, e. Crush ko kaya 'yon dati," aniya kaya napalingon ako sa kaniya. "Matagal mo na siyang kilala?" nagtatakang tanong ko na ikinatango niya. "Oo, in fact, dito siya sa Pilipinas nag-elementary. Sa Campbell din siya nag-aral kasi si Henry at 'yong isa nilang Kuya ay roon din nag-aaral." Nakatingin lang ako sa kaniya habang nagkukuwento siya dahil parang kilalang-kilala niya 'yong buong pamilya ni Henry. "Kaso nagkagulo tapos bigla na lang siyang nawala. Then, one day, nabalitaan na lang ng mga students sa campus na nasa ibang bansa na siya. Sikat kasi dati si Gideon, magaling kasi 'yon sa Academics. Kaunti na nga lang ay puwede na siyang maging genius." I laughed. "Did you do a background check or something?" sarkastikong sabi ko pero nag-make face lang siya. "Hindi mo naman kasi maiiwasang hindi siya kilalanin. Gideon is such a mystery, kahit noon pa. Hanggang sa makaalis siya papunta sa States ay wala siyang naging kaibigan. Kahit isa." I sighed and avoided my gaze. From the looks of it, parang ibang-iba siya kay Henry. The way he talks, the way he wears his clothes. He's somewhat a mystery. "Tutal sa 'yo si Henry, sa akin na lang si Gideon, a?" ani Fritzie kaya napabuntong hininga na lang ako. Hanggang sa magkahiwalay kami ay wala siyang bukang bibig kung hindi 'yong magkapatid. ---------------- "Reese, anong mas maganda?" Tinaas ni Cielo 'yong dalawang sketch niya. I glared at her. Hindi ko alam kung pinagyayabang lang ba niya kung gaano siya kagaling mag-drawing o ano. Kasi sa larangan na 'yon, masasabi kong magaling talaga siya. I sipped my coffee. "'Yong nasa kanan." Pero itinuro ko 'yong nasa kaliwa kaya binatukan niya ako. "Dalian mo naman uminom ng kape! Anong oras na!" asik niya sa akin. Tiningnan ko ang oras at tapos na nga ang break time namin. Mahilig kasi kaming tumambay ni Cielo sa coffee shop. Isa ito sa pinagkakasunduan talaga namin, kape. Well, bukod sa kape, ano pa nga ba ang similarities namin ni Cielo? We are the exact opposite after all. Binalik ko 'yong notebook ko sa Accounting sa loob ng bag ko. May oral exam kasi kami ngayon kaya kailangan kong magbasa. I'm not as smart as those girls in the books that I've read. Na kahit hindi mag-review, e makakasagot. Nang senior high ako, nakakuha ako ng seventy five sa statistics at business mathematics dahil hindi ako nakapag-review. Minsan nga iniisip ko kung bakit Marketing ang kinuha ko, e. Siguro dahil nabudol ako ng teacher namin dati? He keeps on bragging about how amazing it is doing a business plan then making a marketing strategy to make it a top sell. Well, gustong-gusto ko kasing gumagawa ng business plan. But well, I'm really an average student. Sa Ethics na nga lang ako nakakakuha ng line of nine, hindi ko pa major. Samantalang itong si Cielo, kahit hindi nagre-review, nakakuha ng ninety one sa Accounting. Cielo may not look like it, but she's really smart. In fact, she's smarter than anyone I know. Sadyang ayaw niya lang maging lunod sa pag-aaral dahil hindi niya raw 'yon cup of tea. Magaling siya sa lahat ng bagay. In fact, she has a lot of talent and she's so good when it comes to drawing. "Bakit kasi hindi ka nag-Animation o 'di kaya, Design Management?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami pabalik sa Campbell. Puwede kaming kumain sa labas ng University kapag free time, minsan nga niyayaya ako ni Cielo na huwag na pumasok, kaso ayaw ko namang um-absent. Si Cielo kasi, kahit hindi pumasok ay nakakabawi siya sa mga activities, e ako tamad maghabol ng requirements kaya ako rin ang kawawa kapag um-absent kami or mag-cut ng classes. Kasi siya, nagagawa niya on time, samantalang ako kailangan pang mag-cram at magpuyat para lang makahabol. "Wala ka naman doon. Kaya boring din," kasuwal na sagot niya. Sarap niyang batukan. Sukat akalaing nag-Marketing dahil nandoon ako? She's hopeless. Umabot siya sa second year college nang ganoon ang rason? "Ibang klase ka naman pala maging kaibigan, 'no?" sarkastiko kong sabi sa kaniya na ikinatawa niya lang. Pagkapasok namin sa campus, sinimangutan ni Cielo 'yong guard. Kung may mortal man na kaaway 'tong babaeng 'to, 'yong guard 'yon. Sabi niya kasi, feeling principal daw 'yong mga guard. Lagi raw galit at mas malala pa manermon sa mga teacher namin. "Sige na ba-bye! Kita na lang tayo mamaya sa ibang subject, a!" paalam ni Cielo. Hindi kasi kami magkaklase sa ibang subject areas, magkaiba kasi kami ng section at mabuti na lang dahil dinadaldal ako ng babaeng 'yon. Walang tigil ang bibig sa kadadaldal. Pagliko ko paakyat sa third floor, natigilan ako nang makasabay ko 'yong kapatid ni Henry. What's his name again? Nakalimutan ko na. Mukhang kapapasok lang din niya dahil basa pa ang buhok niya. Nakasuot siya ng uniform ng pang-BS Nursing at magulo pa ang buhok niya. Paakyat na ako nang narinig ko siyang bumulong kaya napalingon ako sa kaniya. "Ikaw pala 'yong bukang-bibig ng Kuya ko," sabi niya. Nangunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung ako ba 'yong kausap niya kahit na kaming dalawa na lang naman 'yong tao sa tahimik na staircase. "Puwede na." Napatigil ako sa pag-akyat. "Excuse me?" Tumigil din siya at umismid. Ngayon ko lang natitigan nang maigi 'yong mukha niya at hindi mapagkakailang guwapo siya. Kung si Henry, natural brown 'yong buhok, siya itim na itim ang buhok pero ang mata, sobrang brown. Kakaiba ang pilantik ng mga pilik-mata nito at manipis ang mapula niyang labi. Maputi rin siya tapos ang tangos ng ilong. Is he a model or something? "Gideon," pagbanggit niya ng pangalan niya kahit na hindi ko naman tinatanong. "Okay, hindi ko tinanong." Tapos naglakad ako ulit, narinig ko na naman ang mahina niyanv pagtawa, hudyat na naglalakad siya sa likod ko. Nang makarating kami sa third floor ay nilingon ko siya. "Ano? Hindi kita sinusundan--" I cut him off. "Tanga," sabi ko. Ano ba akala nito? Katulad ako ng mga assuming na mga babae sa libro? Naalala ko si Cielo, kasi sabi niya crush niya 'tong lalaking 'to. "Crush ka ng kaibigan ko." "Okay." Tinaas niya 'yong kamay niya. "Hindi ko tinanong." Mahinang tumawa na naman siya. I rolled my eyes, mannerism na niya yata 'yong mahinang pagtawa. Parang timang. Sa third floor din ang rooms ng BS Nursing na course pero sa kanang hallway, tapos Marketing naman sa kaliwa kaya magkaiba kami ng daan. Hindi ko na siya kinausap at lumiko na ako. "Reese!" sigaw niya kaya natigilan ako. He knows my name? Siguro, nabanggit ni Henry sa kaniya. I wonder kung ano pa ang sinabi sa kaniya ni Henry tungkol sa akin, dahil sa paraan ng pagtingin niya sa akin ay para bang kilalang-kilala niya ako. Nilingon ko siya. "Our house later, seven pm sharp. Pakilala mo ako sa kaibigan mo." Tapos kumindat pa siya. Roon ko lang naunawaan na si Cielo pala ang tinutukoy niya. I rolled my eyes and messed my already messy hair. Did I just talk to a guy? Damn it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD