Reese's POV
Pagkarating namin sa bahay nila Henry, lumabas ako kaagad ng kotse. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Gideon dahil napansin niyang nagmamadali ako. Sinusubukan niya kasi akong kausapin kanina pero hindi ko siya pinapansin.
Wala rin naman akong balak makipag-usap sa kaniya dahil hindi ako natutuwa sa mga sarkastiko niyang mga sagot.
Pinapasok nila kami sa loob at may iilang bisita na nagkakatuwaan sa garden nila. May mga nakalatag na mesa at hindi nga ako nagkamali, buffet nga at mukhang bigating mga bisita ang dumalo. Perez is a big name after all. Marami silang kapit sa iba't ibang klase ng industriya, so, hindi na ako nagtataka na maraming gustong makipag-close sa kanila sa pamamagitan ng party na 'to.
"Party ng mga gurang," rinig kong bulong ni Gideon. Binatukan naman siya ni Jarred pero tumatawa rin naman sa sinabi ng kapatid niya.
"Tanga, senior citizen para mas maganda pakinggan," pakikisabay ni Henry na binatukan din ni Jarred.
"Mga siraulo. Pumasok na kayo sa loob!" Tinulak niya si Henry at Gideon na natatawa lang pareho.
Kumapit naman kaagad sa akin si Cielo at Andrea na parehong mukhang excited kahit sigurado naman akong dahil lang 'yon doon sa magkapatid.
"Good evening, Sir. Nasa basement na po 'yong mga pina-order ninyong case ng beer," sabi ng isa nilang kasambahay kay Henry. Napangiti naman sila nang marinig 'yon.
"Iinom kayo?" nagtataka kong tanong. Sabay-sabay naman nila akong tiningnan na para bang alien ako.
I mean, I know what I heard! Pero hindi naman nila kami sinabihan na may magaganap na inuman. This is their father's birthday party after all.
"Huwag mong sabihing makiki-party ka sa mga kaibigan ni Daddy?" Sinamaan ko ng tingin si Gideon nang sarkastiko niya akong tanungin nang ganoon. Nakakainis na talaga 'tong lalaking 'to.
"Tara! Kuya J, sama ka?" anyaya ni Henry sa kuya niya na kaagad umiling. "Ngayong gabi lang!" pamimilit pa niya.
"May duty pa ako bukas ng umaga. Kayo na lang. Pagtatakpan ko na lang kayo kay Dad." Naglakad na si Jarred paalis at naiwan kaming lima. Sa kanilang magkakapatid talaga, mukhang si Kuya Jarred lang 'yong matino.
Nilingon ko naman si Cielo na titig na titig kay Gideon. Si Andrea naman, panay ang sunod kay Henry. Hindi ko napansin na bumitaw na pala sila sa pagkahahawak sa akin. Kaya lumapit ako kay Cielo at binatukan ko siya.
"Iinom daw? Uuwi na tayo! Hilahin mo si Andrea at sabihin mong hindi na tayo tutuloy." Gusto ko na talagang umuwi dahil isa lang ang ayaw ko sa lahat, ang umiinom o makakita ng lasing at alam 'yon ni Cielo. Alam na alam niya.
"Huh? Huwag ka na lang uminom. Samahan na lang natin sila." Hinila niya ako at sumunod kami kila Henry papasok sa loob ng bahay at bumaba kami sa basement nila. Wala na akong nagawa dahil ayaw ko rin sila iwan ni Andrea lalo pa't mababa ang alcohol tolerance nila.
Mukhang ako na naman ang taga-alaga sa kanila. Ganito lagi ang sitwasyon kapag nalalasing sila. Hindi ko rin sila pupuwedeng hayaan na lang lalo pa't lalaki ang kasama nila.
"Papuntahin mo sila Bryan para marami tayo. 'Di natin mauubos 'yan," rinig kong sabi ni Gideon kay Henry na nagsimulang mag-type sa cellphone niya. Mukhang may niyayaya pa silang iba. Umakyat ang lahat ng kaba sa dibdib ko nang makita ko ang sandamakmak na alak na nakalagay sa ilalim ng mesa.
"Relax, Reese. Linggo naman bukas, e!" sabi sa akin ni Andrea. Hindi ko naman iniisip kung anong araw na bukas, iniisip ko lang 'yong puwedeng mangyari kapag nalasing sila.
I'm not comfortable around men, especially when they're drinking. Alam 'yon ni Cielo pero sa mga oras na 'yon ay mukhang nakalimot siya dahil si Gideon lang yata ang tumatakbo sa isip niya.
Nagsimula silang uminom, habang ako, e pinapanood ko lang sila. Panay ang sulyap sa akin ni Henry at ganoon din si Gideon na ipinagtataka ko. Why are they looking at me? Dahil ba ako lang itong walang ka-partner? They should mind their own business.
Nakakailang bote na sila ng beer at hindi na ako natutuwa kay Cielo, masyado na siyang maingay. Nakalimutan ko rin na kapag umiinom nga pala ang isang 'to ay nagwawala. Bakit ba kasi pinainom ko pa siya? Damn it.
Nine na ng gabi nang dumating 'yong ibang mga kaibigan nila Henry. Nagpakilala sila sa akin pero si Simon, Bryan, at Patrick lang ang naalala ko at ang iba, e ngayon ko pa lang na-meet.
Henry is the captain of the basketball team after all. Kung saan-saang school na siya napunta at sikat siya dahil bukod sa magaling siyang maglaro ay guwapo rin siya kaya hindi na ako magtataka na marami siyang kaibigan.
Tiningnan ko 'yong orasan dahil naiinip na talaga ako kahit kanina pa ako kain nang kain ng pulutan nila at ang handa ng Dad nila Henry. Si Andrea at Cielo, may tama na rin pero 'yong mga lalaki, ginagawang tubig 'yong alak. Kadiri.
"Hi, Reese." May tumabi sa aking lalaki, nakalimutan ko 'yong pangalan niya. Toby yata? Hindi ko sigurado at wala rin naman akong balak alamin. Sa aura niya ay halatang playboy ang datingan kahit hindi naman ganoon kaguwapo. The way he smiles, it's those kind of smile I hate the most.
Awkward akong ngumiti. Naaamoy ko siya na amoy alak. "Hello," bati ko. Hindi ko siya tinitingnan at wala akong balak.
Naramdaman ko ang paglapit niya ng upuan niya sa akin kaya napalingon ako sa kaniya at kinunot ko ang noo ko. What's his problem?
"'Pre, huwag 'yan. Allergic 'yan sa mga adan!" sigaw ni Henry kaya galit ko siyang tiningnan. Ganito ba siya kapag may tama o sadyang galit lang talaga siya sa akin? The way he said that, it sounded more like an insult in my side.
"Hoy, ikaw! Lumayo ka sa kaibigan kong man-hater!" si Cielo naman ang sumigaw ngayon. Sarap murahin ng mga 'to. Hindi mo alam kung protective ba o nang-aasar lang.
"Makikipagkilala lang ako, promise!" Nag-cross sign si Toby sa dibdib niya tapos ngumiti nang nakaloloko.
Hindi ako sumagot. Ayaw ko siya i-entertain dahil bukod sa kaibigan siya ni Henry, e ayaw ko sa mga ganitong lalaki. Baka nga bukas kapag wala na siyang tama, hindi na niya ako maalala. Kumbaga, naghahanap lang siya ng mapailipasan ng oras at ako ang nahanap niyang target.
"Balita ko Marketing Management din ang course mo?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako bilang sagot at kumain ng spaghetti. "Kaklase mo si Henry?"
Napakagat ako sa labi ko at napatigil sa pagkain. Gumagawa siya ng paraan para mapahaba ang usapan namin. Gusto ko sanang hindi sumagot kaso kabastusan naman 'yon.
"Sa ibang subject areas lang," tipid kong sagot. Napaigtad ako nang dumampi ang kamay niya sa braso ko. I felt it at alam kong sinadya niya 'yon.
Magsasalita na sana ako nang lumapit sa amin si Gideon. "P're, kuha ka nga ng yelo sa taas. Naubos na kasi, e." Utos niya kay Toby na kumunot naman ang noo.
"Ikaw na, kausap ko pa si Reese--" Natigilan si Toby nang hawakan ni Gideon 'yong balikat niya.
"Gawin mo na, p're." Seryoso na ang boses nito. Kahit ako nagulat sa biglang pagbabago ng mood niya. Si Toby naman ay parang batang sunod-sunurang ginawa ang sinabi ni Gideon.
Nakahinga naman ako nang maluwag nang nawala na siya pero natigilan ako nang umupo si Gideon sa tabi ko kung saan nakaupo si Toby kanina.
Napalingon ako kay Cielo kasi baka magalit 'yon sa akin. Baka isipin niya, inaagaw ko sa kaniya si Gideon. Pero naka-lean na si Cielo sa table na para bang lasing na lasing na. Si Andrea naman, nakasandal kay Henry. Gusto ko siyang batukan at tawanan. Simpleng humaharot din ang kaibigan kong 'to.
"Saan ka nakatira?" tanong nito na ikinagulat ko. Sa lahat ng itatanong niya, kung saan pa talaga ako nakatira? "Hahatid kita mamaya. Lasing na mga kaibigan mo, e."
"Diyan lang," tipid kong sagot. Ilang kalye lang naman ang layo ng condo unit namin ni Ramiel mula rito sa bahay nila kaya kahit mag-commute na lang ako, e makakauwi na ako kaagad. Kaso napaisip din ako kung paano ko iuuwi 'yong dalawa.
"The exact location, please?" aniya kaya sa inis ko sa mga tanong niya ay humarap ako sa kaniya.
"Anong trip mo?" Kung straightforward siya, magiging ganoon na rin ako.
"Isn't it obvious? I'm trying to get to know you--" I cut him off. I'm done with boys like him tonight. First, na-late ako dahil sa kaniya, and now he's ruining my night. Damn it.
"Para saan? Para ligawan ako, ta's kapag sinagot na kita, iiwan mo ako at sasaktan, ganoon ba?" Okay! Nagiging asyumera na talaga ako. This is all his fault!
Mahinang natawa siya at humawak sa ilong niya. "Correction, hindi ako nanliligaw."
Tiningnan ko siya nang maigi. Ang guwapo niya talaga at sa kanilang dalawa ni Henry, mas angat siya. Pero mas bata siya sa amin. Isa o dalawang taon siguro.
But this, he's trying to prove something and I don't know what. Wala naman sa hitsura niya ang mahilig makipag-usap. In fact, according to what Cielo said to me last time, he didn't have any friends in the past. I thought he's more of a quiet type.
"I know what you're trying to do." Nilapag ko 'yong hawak kong tinidor. "Hindi ako katulad ng ibang mga babae na makukuha mo sa pangiti-ngiti mo, at mas lalong ayaw ko sa lahat ay ang mga aroganteng lalaki na katulad mo," diretso kong sabi.
Tumawa siya at itinaas ang paa sa table na kinakainan ko. "Masama na bang makipagkaibigan ngayon?" Nanatili ang tingin niya sa akin na para bang nang-aasar kaya umiwas na lang ako.
"Gusto ko nang umuwi," medyo malakas ang pagkakasabi ko para marinig din ng iba. Nilingon ko si Cielo at nakatingin na rin siya sa akin. Mukhang inipon niya talaga 'yong lakas niya para makauwi kami.
"Hatid ko na kayo," sabi ni Gideon. Hindi na ako umangal pa dahil gabi na at lasing na rin 'yong dalawa. Hindi ko sila kayang ihatid sa mga bahay nila nang ako lang mag-isa. I hate to rely on him, but I have to.
Nagpaalam kami kila Henry at binati namin ang Daddy nila. Buti na nga lang wala ang Mommy nila dahil hindi ko pa siya handang harapin dahil sa ginawa ko. I feel guilty even though I didn't do anything wrong. Pagkarating namin sa kotse, sinakay ko sa backseat si Andrea at Cielo na sumusuray na. Bakit ba kasi ang bilis nila malasing pareho pero panay pa rin ang inom nila? Ako naman 'tong kawawa dahil ako lang ang hindi umiinom.
Sumakay ulit ako sa passenger's seat. "Ang ganda mo pala?" Sinamaan ko ng tingin si Gideon nang sabihin niya 'yon habang nagmamaneho. He's teasing me and even though I'm trying so hard to push him away, he keeps shrugging it off. Para bang hindi niya naririnig 'yong mga pagsusungit ko.
Bahagya kong nilingon si Cielo pero mukhang tulog sila. Kaya binaling ko ulit ang tingin ko kay Gideon.
"You're just like every other boys out there," sabi ko na nagpatigil sa kaniya.
"What makes you say that?" Hindi niya ako nililingon at busy lang siya na nakatingin sa kalsada.
"Nagkaroroon lang ng halaga ang isang bagay kapag maganda, tama ba?" I smirked. Natahimik naman siya sa sinabi ko kaya hindi ko na lang siya kinausap. Totoo naman. He said I'm pretty, is that the reason why he's being like this? How petty.
Maya-maya, nagsalita nanaman siya. "Ba't ba hindi ka nag-Law? Tutal lahat naman ng sinasabi ko, binabara mo." Hindi ko alam kung seryoso siya o pabiro lang 'yon pero hindi ko na siya sinagot. Wala na akong balak kausapin pa siya.
Pagkahatid namin kay Andrea, sunod naman si Cielo. Halatang lasing na ang gaga, sinabi ba namang hindi niya raw bahay 'yon. Pinagalitan pa ako ng mama niya, sa susunod daw huwag ko ng painumin si Cielo, nababaliw raw kasi kapag nakainom. Tama naman si Tita.
Pagkarating namin sa condo ni Gideon, e agad akong lumabas at sumilip sa bintana. "Salamat sa paghatid."
He leaned on his seat. "May bayad 'yon. Bukas, sabay tayong mag-lunch. Libre ko."
Pinakunutan ko siya ng noo. He said those as if he's not asking for my permission. "Ayaw ko. Kung may pinaplano ka sa akin, trust me, hindi 'yan gagana."
Humalakhak siya. "Hindi ako kagaya ni kuya H na magpapa-busted sa babae nang anim na beses, at isa pa, I'm trying my best to make a friend."
Saglit akong natigilan sa huli niyang sinabi. Make a friend? Hindi ba't nakasusundo naman niya 'yong mga kaibigan ng Kuya niya? Niloloko ba ako nito?
"Go home!" Tinalikuran ko na siya dahil gusto ko na talagang magpahinga.
"Susunduin kita bukas sa unit mo, para wala kang kawala," aniya. Nag-drive na siya paalis nang hindi man lang hinihintay ang sagot ko. Seriously, what's wrong with him?
He's way more honest than every boys I've met. Bold siya magsalita at parang walang tinatago. Kung ano'ng nasa isip niya, 'yon ang sasabihin niya kahit masakit pa ang masabi. Tama siya sa sinabi niya kanina, iba nga siya sa mga lalaki. Hindi ko alam kung magandang bagay 'yon o dapat ko pa siyang layuan dahil do'n. But, boys will always be boys. Kahit gaano siya ka-honest magsalita, may tinatago pa rin siyang sikreto.
Pagpasok ko sa unit ko, e bumungad sa akin si Ramiel, my twin brother. May ilang nagsasabi na magkamukha raw kami, pero may ilan namang hindi. Minsan nga nagugulat pa sila na kambal kami.
Ramiel Buenavella is far from what I am. Kung ako laging average sa mga bagay-bagay, siya e laging mataas. Sa kaguwapuhan, masasabi kong guwapo talaga siya at head-turner. Sa academics naman, mas marami siyang achievement kumpara sa akin.
Mas matanda siya sa akin pero mas pasaway siya. Simula nang lumipat kami from Zambales to Manila five years ago, si Ramiel na ang nakasama ko. Busy kasi si Mommy at Daddy sa hacienda kasi nalulugi na ang mga negosyo namin, kaya pinadala nila kami sa Manila kasi ayaw nila kaming nag-aalala. Sabi nila, nababawi na raw nila kaya lumalaki na rin 'yong pinapadala nilang pera sa amin.
"Bakit ngayon ka lang? Amoy alak ka pa. Maligo ka nga!" sigaw niya sa akin. Kumakain siya kaya tumabi ako sa kaniya at inagaw ang hawak niyang tinidor at kumain sa instant noodle na nasa harap niya.
"Another boy," sabi ko. Automatic na natawa siya. Alam niya kasing kapag sinabi ko 'yon, ibig sabihin may sumusubok na namang kilalanin ako.
"Sino sa tatlong Perez?" natatawa niyang tanong. Sinimangutan ko siya, kaibigan niya si Jarred kahit mas matanda sa kaniya. At kilala niya rin si Gideon? How come na ako lang ang hindi nakakikilala sa kaniya?
"The youngest one," sagot ko. Nagbago agad ang ekspresyon sa mukha niya na para bang may naalala siyang hindi kaaya-aya.
"The devil," he hissed. "The black sheep of the family, huh?" Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Ramiel pero parang kilala niya talaga si Gideon. How come he's a stranger to me when everyone around me knows him so well? I feel so left out now.
"Are you friends with him?" tanong ko sabay kain pero umiling siya at hinatak sa akin ang cup.
"Trust me, you wouldn't want to be friends with him." May laman ang sinabi ni Ramiel kaya mas lalo na talaga akong naguguluhan. "Mag-ingat ka ro'n, a?"
Tumango na ako at hindi na nagsalita. Mukhang kailangan ko nga talaga siyang layuan.