Cielo's POV
I hate pabebe boys. You know what I mean? Like, who wouldn't like me? Isa na lang na example diyan ay ang kapatid ni Reese na si Ramiel.
He's so annoying! His personality, his way of treating me, it's so freaking annoying! Kung tingnan niya ako ay parang parati niya akong hinihusgahan. Kulang na lang ay sabihin niya sa akin na huwag na akong mag-exist. I'm not exaggerating things! Ganoon talaga siya. So, I decided to hate him.
Just because he's Reese's twin brother doesn't mean we have to get along. Ayaw na ayaw kong makikita ang lalaki na 'yon at kapag nagtatagpo naman 'yong landas namin ay nag-aaway lang kami. It's like he existed for me to have an enemy.
"Nakabusangot na naman mukha mo?" nagtatakang tanong sa akin ni Reese pagkapasok ko kinabukasan. Nagtataka pa siya. I saw his demon brother last night and it went out just like what I expected. Nagtalo na naman kami. Tinatanong niya lang sa akin kung nasaan si Reese, kailangan pa akong sungitan? Sipain ko bituka niya, e.
"Kasi 'yong kapatid mong pinaglihi kay satanas 'yong ugali, nakita ko kagabi. Gusto ko siyang sampalin, bwiset!" I rolled my eyes while scrolling on my social media account.
Tumawa naman si Reese. "Alam niyo, kayong dalawa, malapit ko na talagang isipin na may something sa inyo."
I looked at her with disgust. Ew! I've never even imagine myself being connected with that guy other than my hate for him. Sure, guwapo siya. Given na 'yon dahil maganda si Reese at kambal sila. In fact, wala naman sa lahi nila 'yong pangit at makikita mo naman 'yon sa kanilang dalawang magkapatid. But, no! Hindi pa sira ang ulo ko para patulan ang lalaki na 'yon.
"Magtigil ka nga, Reese. I still have my dignity, 'no," sabi ko na ikinatawa niya. Alam na alam naman niyang hindi kami nagkasusundo ng kapatid niya pero pinipilit niya pa rin akong asarin doon. O, hindi ba't ang bait ng best friend ko?
Nagsimula 'yon nang unang pagkikita namin ni Ramiel. After what happened to Reese on her past relationship, Ramiel was so angry about it. Sinisisi niya 'yong sarili niya dahil wala man lang daw siyang nagawa para sa kapatid niya. Sabi niya na, even though they're twins, Reese carried all that pain and burden alone. He's a nice brother, pa lagi niyang inaalagaan si Reese sa sarili niyang paraan and I know that he says and does things for the sake of his younger sister, pero dahil doon ay pati ako, gusto niyang mawala sa buhay ni Reese.
I remembered the words he said to me the night that Reese came home, crying. "It's because of a friend like you that Reese is like this. 'Yong mga katulad mong kaibigan, hindi dapat kinakaibigan ni Reese."
What does he mean by that? Just because I dated a lot of men around campus, doesn't mean I'm forcing Reese to do it, too. I'm with Reese for a long time now and I never forced her to date that f*****g ex of her.
I stayed with Reese while she's healing, not minding his brother's hateful words. Dahil hindi naman siya 'yong kaibigan ko. Kaya kahit ganoon niya ako tingnan ay pinagtiisan ko 'yong pangit niyang ugali.
Hanggang sa sinabihan niya akong layuan si Reese. Bakit ko naman gagawin 'yon? At wala siyang karapatang sabihin 'yon sa akin dahil hindi naman niya hawak 'yong buhay ng kapatid niya. After hearing that, all my hate for him grew bigger.
Sabi ko sa kaniya, "If it's not Reese who's telling me to stop hanging around her, I won't stop. I'll wait for Reese to tell me that she doesn't need me anymore. Pero hindi pa 'yon nangyayari, so I'm staying."
Lalo rin siyang nagalit sa akin dahil doon pero wala akong pakialam. Mali naman 'yong paraan niya ng pagprotekta kay Reese, mabuti nga at hindi ko siya sinusumbong.
Hindi naman kasi ako nagpapaapekto sa ibang tao, e. Kaya hindi ako basta-basta lalayo kay Reese just because I'm like this. In fact, Reese accepted me for who I am and I should do the same thing too.
My hate for Ramiel Buenavella is immeasurable until an incident happened that involved the both of us. Because of that one particular day. Damn it.
"Bakit kailangan ko pang umakyat diyan sa taas? Hihintayin na lang kita rito," sabi ko kay Reese mula sa cellphone. Tinawagan ko kasi siya dahil may usapan kami na pupunta kami sa coffee shop ngayong weekend katulad ng parati naming ginagawa. But she told me to go to condo unit because she's doing something important.
"Hindi kita mapupuntahan kaagad dahil busy pa ako rito sa mga gawaing bahay. Dalian mo na," aniya sa kabilang linya. I sighed. Today is saturday, sigurado akong nandiyan si Ramiel at nako, paniguradong magtatalo lang kami n'on kapag nagkita kami. Kainis. "Wala naman si Ramiel, may binili," sabi ni Reese na para bang alam niya 'yong iniisip ko.
I sighed and rolled my eyes. "Whatever. I'm coming, bye!" Ipinatay ko na 'yong call at pumasok na ako sa condo kung nasaan si Reese. Kilala na ako ng receptionist kaya hindi na niya ako tinanong kung ano ang name ko para tingnan sa visitor's list.
Nang nasa elevator na ako at pasara na ang pinto nito nang may humabol na lalaki at nang makita ko kung sino siya ay halos umusok na 'yong ilong ko sa inis. I thought Ramiel is out to buy something? Why is he back already? Pinagti-trip-an ba talaga ako ni Reese?
When he saw me, he rolled eyes as if he saw a pest. Napakasama talaga ng ugali ng isang 'to. Kambal ba talaga 'to ni Reese?
The door of the elevator closed at naiinis ako kasi dalawa lang kaming nasa loob. Wala na bang ilalala pa 'tong situwasyon na 'to? Sana pala naghagdan na lang ako kahit nakakapagod 'yon. At least walang asungot na katulad niya. Kainis.
"Why are you here?" tanong niya nang hindi man lang ako nililingon.
I rolled my eyes. "Hindi ko obligasyong sagutin 'yan."
"Tss. Bakit ka ba kaibigan ni Reese," bulong niya pero sinadya naman niyang iparinig sa akin. Tingnan mo kung gaano kademonyo 'tong kapatid mo, Reese. Kulang na lang ay palitan na niya si satanas. Hmp!
Hindi na ako sumagot pero mayamaya ay biglang namatay ang ilaw sa loob ng elevator at umalog.
"What's happening?" tanong ko at napakapit sa pader. This is the first time that I experienced this and I don't know what to do. Nakikita ko lang 'to sa mga palabas kung saan nasa-stuck sila sa loob ng elevator hanggang sa maayos 'yon at madalas na umabot ng kalahating oras bago maayos.
I hissed. "What the hell is wrong with this condo?" Pero napalingon ako kay Ramiel na tahimik lang. "Hoy, tumawag ka nga ng tulong, dali!"
Hindi siya sumasagot at ni hindi niya ako nililingon. Kahit ba naman sa situwasyon na ganito ay hindi niya pa rin ako kauusapin? "Hey, talk to me--" Natigilan ako nang hawakan ko 'yong braso niya at napadausdos siya ng upo. "Ramiel!"
Nanginginig 'yong katawan niya at nagsisimula siyang mag-panic. "I need to get out of here! I need to get out! I can't breathe!"
That's when I realized, he's claustrophobic just like Reese. Nakalimutan kong kambal nga pala sila at marami rin silang pagkakapareho, pati itong phobia nila.
"Why did you even take the elevator in the first place?" hindi makapaniwalang tanong ko. He knows he's claustrophobic pero sumakay pa rin siya ng elevator? Is he an idiot or something? "Hey, stay with me."
I tried to take his attention pero nagpa-panic pa rin siya. Hindi ko alam 'yong gagawin ko dahil ngayon lang ako napunta sa ganitong klaseng situwasyon at hindi ko rin naman inasahan na si Ramiel pa talaga ang makakasama ko sa ganito.
"Help me! I need to get out!" sigaw niya kaya inawat ko siyang gumalaw pero nagpupumiglas siya. I didn't know that he's the same as Reese, but Ramiel's phobia is far worse.
"Hey, hey, calm down! I'm here." Hinawakan ko nang mahigpit 'yong kamay niya at nanlalamig 'yon kaya lalo akong natakot. I don't know what to do, nahihirapan siyang huminga at pupuwedeng mahirapan pa siya kapag na-stuck kami rito nang matagal. "Ramiel, calm down."
He's starting to get pale, nanunuyo na rin 'yong labi niya na lalong nagdala ng takot sa sistema ko. I don't know how to calm him down and I'm panicking as well. What am I supposed to do on a time like this?
I closed my eyes. No, I need to calm down too. Ramiel needs my help now and even though we're not getting along, I can't change the fact that he's Reese's twin brother, and Reese is my best friend.
"Ramiel, I know you're going to hate me for this, but I'm sorry." Pumikit ako at hinila ko siya palapit sa akin. I pressed my lips on his that made him still. His body stopped moving and his breathing stopped for a second. Nagulat man sa ginawa ko ay hindi ko na lang binigyang pansin 'yong reaksyon niya.
I never imagined myself kissing Ramiel, like ever! At sino ba namang mag-aakala na ako pa ang gagawa nito sa kaniya? The person he hates the most? Nang kumakalma na siya ay bumitaw ako sa pagkahahalik sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit.
"It's okay now, Ramiel. I'm here." Akala ko itutulak niya ako palayo pero niyakap niya lang din ako at unti-unti na siyang kumakalma. Thank God, because I don't know what I'd do if he didn't calm down after the kiss. 'Yon lang ang alam kong paraan para huminto 'yong panic attack niya at kung hindi pa 'yon gumana ay hindi ko na talaga alam.
After a few minutes of hugging him, nagsimula nang gumalaw ang elevator at nakahinga ako nang maluwag. s**t, nanginginig din 'yong kamay ko. I calmed Ramiel down yet I'm the nervous one.
"Ma'am, Sir, sorry for the inconveniences," sabi ng babae na mukhang nagtatrabaho rito pagkabukas na pagkabukas ng elevator, sila kaagad bumungad at ang kasama niyang lalaki na mukhang siya ang gumawa ng elevator.
"I-It's okay," sabi ko at lumabas na kami ni Ramiel ng elevator. My heart is still thumping so loud. Isabay mo pa ang panginginig ng kamay ko dahil sa takot.
"Cielo--" I cut Ramiel off before he could even say a word.
"It's okay and I'm sorry for what I did. That's the only idea that came up on my mind." I know he'll get mad again, baka nga sabihin niyang nag-take advantage pa ako as nangyayari at ginawa ko 'yon sa kaniya.
"No, the thing is--" Hindi na naman niya natuloy 'yong sasabihin niya nang sinalubong kami ni Reese na alalang-alala sa aming dalawa.
"Ayos lang ba kayong dalawa? I heard what happened to the receptionist who called me," nag-aalalang tanong sa amin ni Reese pero hindi ko siya matingnan sa mata. I kissed his brother, how am I supposed to look at her now? "Ramiel, you're claustrophobic too. Are you okay?"
"I'm fine," sagot niya kay Reese. I'm glad he didn't tell Reese what happened inside the elevator. Maganda na rin na hindi niya ako inaway tungkol doon. I don't have any strength to argue with him.
Nang makauwi ako nang araw na 'yon ay wala pa ring patid 'yong panginginig ng kamay ko. When I saw Ramiel panicking, this happened. Tapos pagkatapos ko siyang halikan ay 'yong puso ko naman 'yong naging ganito, sobrang bilis ng t***k ng puso ko.
I should really avoid Ramiel.