Chapter Nineteen : Iyak ________________________________________ ZHEENA "Mom, mauna na po ako sa baba," Rewane said. Isang marahang tango naman ang isinagot ko sa kanya. Namamaga ang mga mata niya sa kakaiyak nang dahil sa nangyari. Humalik siya sa pisngi ko at tuluyan ng umalis. Nagkatinginan naman kami ni Niro at malungkot na ngumiti siya sa akin. Nagpakawala ako nang malalim na buntong hininga at tinitigan ang pinto ng kwarto ni Cleo. It's been three weeks simula nang mangyari iyon. At ni hindi manlang lumalabas ng kwarto niya si Cleo. Alam kong napakasakit nito para sa anak ko at wala manlang akong magawa para sa kanya. Kung maaari lang sana na ako nalang lahat umako ng sakit na nararamdaman niya ay gagawin ko but it doesn't work like that. Natatakot na ako para sa kanya. Kapag pu

