Chapter Fifteen : Mine _______________________________________ NISSA "Pinayagan ka nang fiancee mo na sumama?" Napasimangot naman ako nang dahil sa tanong ni Joziah. Sinabi ko narin kasi sa kanya ang lahat nang nangyari sa akin. There's no need to hide. He is my bestfriend afterall. At dahil sa inis ko sa pagmumukha ni Cleo ay sumama nalang ako sa sunbathing. "Hindi ko kailangan ng pahintulot niya kung saan ko man gustong pumunta," inis na turan ko. Tumawa naman si Joziah dahil sa naging burst out ko. Kapag talaga naririnig ko ang pangalan ni Cleo ay kumukulo ang dugo ko.. "Kamukha niya 'yan panigurado." Tinignan ko naman nang masama si Joziah dahil sa sinabi niya. Ngumiti lang ito sa akin at saka tumahimik. Nang makarating kami sa beach resort ay humiwalay agad ako sa mga kasamaha

