Chapter Two : True Love
___________________________________
NISSA
Hinila ko ang kumot sa katawan ko at ibinalot ito. Kumakalam na ang sikmura ko. I want to eat but I don't want to get up from bed. And I don't think I have the strength to cook food for my own. I felt numb and weak. Giniginaw ako. Knowing that malakas pa ang ulan ngayon sa labas. I'm not feeling well and all I want to do is to sleep so I can forget all the problems I have right now.
Naaalimpungatan ako nang makarinig nang kaluskos galing sa labas. I felt cold kaya hindi ko nalang ito pinansin. Niyakap ko nang mahigpit ang unan sa tabi ko. I don't have the strength to stood up but I'm hungry. I wish my cousins or Nanay Tonya is here so they can take good care of me.
Babalik na sana ako sa pagtulog nang marinig kong bumukas ang pinto nang kwarto. Oh my gosh, don't tell me there's a thief inside my house. I..I lock the door paanong makakapasok iyon. Wala sa oras na napabalikwas ako at nagmulat ng mata. Medyo hindi ko pa nakikilala ang taong pumasok sa kwarto ko dahil medyo hindi pa clear ang nakikita ko. Hanggang sa natanawan ko na ito. Nanlaki ang mata ko nang makilala ito.
"I'm glad you're already awake.."
Gosh! It was Cleo holding a tray of food. And he is so hot wearing an apron. Don't tell me he cook food for me. I hold my breath with he walked towards me. Inilapag nito ang tray sa gilid ng mesa ko at umupo sa kama ko.
"What...what are you doing in here?" puno nang pagtatakang tanong ko.
"You said you are sick so I came in here. I'm sorry kung pinakialaman ko ang kitchen mo. Nang makita kitang natutulog nang mahimbing kanina hindi nalang kita ginising and I took the liberty to cook food for you. You're sick, Nissa. Did you take your medicine already?" bakas ang pag-aalala sa mukha at boses nito.
Umiling naman ako sa tanong niya. Parang gusto kong maiyak. All my life guys didn't pampered me like this, well except for my cousins who loves me. And it's so sad that even my own father didn't care a bit for me. Pero sa taong hindi ko manlang lubusang kakilala ang gagawa nang ganito sa akin. I don't know what to say and feel. It's so overwhelming.
"You should eat first, Nissa. And then you'll take your medicine. Macaroni soup lang itong ginawa ko. Wala bang may nag-aalaga sayo dito? Sinong kasama mo dito?"
Kinuha nito ang maliit na bowl sa tray na may lamang pagkain. Umayos naman ako nang pagkakaupo at kukunin ko na sana ang bowl nang bigla niyang inilayo ito sa akin. Kumunot naman ang noo ko.
"Let me do it. I know you are tired."
Magproprotesta pa sana ako nang sumandok na ito nang pagkain at naghihintay na kainin ko ang pagkaing nasa kutsara. Nagpakawala na ako nang buntong hining at kinain iyon. Ngumiti naman siya sa ginawa ko at sinubuan ulit ako nang pagkain. Pakiramdam ko namumula na ang pisngi ko dahil sa ginagawa niya. I think I'm a princess right now, the way he serve me.
"Paano ka pala nakapasok sa apartment ko?" curious na tanong ko sa kanya.
I just rent an apartment kasi alam kong hindi naman ako magtatagal dito. Ayoko rin namang makitira kay Dylan o kaya kay Drake kahit na nagpupumilit sila sa akin. Sinubuan naman ulit niya ako. Hindi muna niya sinagot ang tanong ko at hinintay na matapos kong kainin ang nasa loob ng bibig ko. Nang makita niyang tapos na ako ay saka lang siya sumagot.
"Sinira ko ang pinto mo."
Nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko lahat ng init na nasa katawan ko umakyat lahat sa ulo ko nang dahil sa sinabi niya.
"You.... you did what?! Bakit mo sinira ang pinto ko?!" galit na sigaw ko sa kanya.
Oh my gosh! Nakikirent na ngalang ako dito ay naninira pa ako. Ano nalang kaya ang sasabihin ng may-ari ng apartment na ito.
"Don't worry about the damaged I already covered it up. Mamaya naman ay dadating na ang mag-aayos ng pinto mo."
Pakiramdam ko gusto kong umiyak nang dahil sa inis. I can't believe this guy! How can he supposed to do that..
"Hindi mo na sana ginawa iyon," nagpupuyos ang damdaming sabi ko. Kumunot naman ang noo nito.
"And what do you expect me to do? I already knock in your door and called your name several times but no one's answering. Akala ko kung ano na ang nangyari sayo knowing that you are sick," he hissed impatiently.
Naguilty naman ako dahil sa sinabi niya. Siya na nga itong nag-aalala sa akin kaya niya iyon ginawa tapos sinigawan ko lang siya.
"I'm sorry. I d---"
"You don't have too. I just felt guilty knowing that because of me you got sick. And I felt responsible to take care of you," saad nito.
"You don't have to do it. I ca--"
"Take your medicine now, Nissa. And go back to sleep."
Kinuha naman nito ang isang tablet ng gamot sa tray nito at ang isang basong tubig. Pinainom niya ako nang gamot at iniligpit niya ang pinagkainan ko. Tumayo na ito at naglakad paalis. Hinila ko ang kumot sa katawan ko at niyakap ng mahigpit ang unan ko. Nang makalabas na siya sa kwarto ko at nang isinara niya ang pinto I felt alone and lonely again. I guess aalis na iyon agad. And I want to thank him for doing this to me. Hindi din naman pala siya kasing sama ng iniisip ko.
Babalik na sana ako sa pagtulog ng biglang bumukas ulit ang pinto ng kwarto ko. At hindi ko na kailangan pang manghula kung sino ito. Cleo walk towards me and sit beside my bed.
"You felt cold?" he asked.
Tumango naman ako sa kanya at mas lalong ibinalot ang kumot sa katawan ko. Dagdagan pa na ang lakas ng ulan sa labas. Napabalikwas naman ako ng bangon ng tumabi siya sa akin. Hinila niya ang kumot ko at pati ako.
"Go back to sleep, Miss Nissa."
He suddenly wrap his arms around me. I felt my heart beat so fast and I felt those butterflies all over my stomach. Akmang magpupumiglas ako sa pagkakayakap niya ng mas lalo niyang hinigpitan ito.
"Cleo, a-ano bang ginawa mo?"
"Making you feel better," sagot naman nito. I stiffened when I felt his breath on my neck.
"Hindi mo naman kailangang gawin ito."
"Just go back to sleep, Miss Nissa."
Naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin. Akala ko pakakawalan niya ako but I was wrong. Inihiga niya ang ulo ko sa dibdib niya. I can hear his heart beating. And I can smell his masculine scent. Naramdaman ko ulit ang kamay niyang pumulupot sa akin.
"Cleo.."
"Hmm?"
"Thank you."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na ako. I thought I would never felt this. That someone will take care of me and worried about me.. Naramdaman ko namang gumalaw siya nang kaunti kaya pinalis ko agad ang luha sa pisngi..
"Hey, are you crying? May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong nito. Umiling naman ako at niyakap ko na din siya pabalik.
"I'm fine. It's just that I felt happy. When I was a child. I keep on dreaming that someone will hug me and took good care of me when I am sick," emosyonal na usal ko
"Why? Hindi ba ito ginagawa dati ng Mama mo sayo?" curious na tanong nito. Umiling naman ako sa kanya. I wish she could but it would never happened..
"My mother died when she gave birth to me."
"I'm sorry. I didn't k--"
"You don't have to. Matagal na din naman iyon."
"What about your father?"
I felt pain craved into my chest when he ask me that question. Umiling naman ako sa kanya. How I wish he would do that to me but he didn't. Yes, he provide everything I want but it wasn't enough. Palagi nalang niyang ginugugol ang sarili niya sa pagpapatakbo ng kompanya. Kapag may mga programa noon sa school na kailangan ang mga magulang he never show off. Kahit nga noong graduation ko na sa highschool at college hindi parin siya pumupunta instead si Nana Tonya ang nagsasabit sa akin ng medalya. I tried everything to be a good daughter. I tried to be the best in class and always on top, hoping that he would notice me but he didn't. Minsan nga naisip ko na baka sinisisi niya ako kung bakit namatay si Mama. But I'm afraid to ask him because if he really does I know it will hurt me so much.
"He..he never cared... All my life I felt alone and lonely. Si Nana Tonya nalang ang nagpaparamdam sa akin kong paano mahalin. She took good care of me. "
Lumandas ang mga luha sa mata ko habang sinasabi iyon. Kahit gaano ko pa itanggi, I know deep inside I'm still longing for my father's love. I'm still waiting that he will take care of me and love me as his daughter but I think it wouldn't happened.
"Hush, now, Sweetheart. You wouldn't felt alone and lonely again."
I felt his arms wrap me securely na para bang sinisiguro nitong wala nang may makakapanakit sa akin. I know he didn't meant what he said. Because I know in the end I will end up alone.
_______________________________________
CLEO
Naiinip na naghintay naman ako sa harap ng Quartz Jewelry Store dito sa loob ng mall. Ang usapan kasi namin ni Rick dito kami magkikita dahil bibilhan niya daw ng jewelry set ang asawa niya. At halos twenty minutes na itong late sa usapan namin. Kung wala lang talaga akong may pinapagawa sa kanya hindi ko tutulungan sa pagpili ang mokong na iyon.
Nagpalinga-linga naman ako at nagbabakasakaling makita ko siyang paparating pero hindi. Wala parin akong nakikitang mukha ng lalaking iyon.
Hindi naman sinasadyang napadaan ang tingin ko sa isang boutique nang mga damit. Kumunot ang noo ko ng makita ang pamilyar na mukha na iyon na kalalabas lang ng boutique.
Ano'ng ginagawa niya dito? It's been three days at kagagaling lang niya sa sakit. Bakit lumalabas na ito ng bahay? She should be resting right now at hindi pa ito nag-iisa. She's with someone. And I think that guy is an American. Naglakad naman ako patungo sa kanila. Mukhang hindi niya napansin ang presensya ko dahil panay ang pakikipag-usap nito sa mestizong hilaw na lalaking kasama niya. Tumikhim naman ako upang maagaw ang atensyon nila.
"Mind if I interrupt?" seryosong tanong ko.
Napalingon naman siya sa gawi ko at nanlaki ang mata niya ng makita ako.
"Cleo!" gulat na sabi nito.
"What are you doing here, Nissa? You should be resting in your house right now!" galit na usal ko.
"I think I have to go now, Niss. It's nice to see you again. And I'm sorry for what happened before," sabi naman ng mestizong hilaw kasama niya. Ngumiti naman sa kanya si Nissa.
"It's okay, Brent. And it's nice too see you too. Bye!"
Bigla namang hinalikan ni Brent si Nissa sa pisngi bago umalis. Matalim na tingin naman ang binaling ko sa kanya nang makaalis na ang lalaki.
"Who was that guy?" tanong ko.
"He's my ex-boyfriend."
"Your ex? Masama na nga ang pakiramdam mo nakikipaglandian ka parin."
Kumunot naman ang noo nito dahil sa sinabi ko. I'm just concerned of her health. After all, kagagaling niya lang sa sakit baka kung ano na naman ang mangyari sa kanya.
"Hindi ako nakikipaglandian."
"Then what do you think you're doing? Ganyan ka na ba ka desperada sa paghahanap mo ng true love mo? Let me guess, siguro iniwan ka ng ex mong iyon ano, hindi din naman kataka-taka with yo---------"
"Will you shut up! Wala kang alam sa buhay ko. What do you want me to tell you? Na iniwan ako ng ex ko? But guess what it's not the worst thing he did to me. Hindi lang niya ako iniwan, ginamit pa niya ako. Ginamit lang niya ako nang dahil sa pera. At oo ganito na ako kadesperadang matagpuan ang true love ko. Ngayon masaya ka na? Nasabi ko na lahat ng iyon sayo," galit na galit na usal nito.
May itinapon naman siyang isang kapirasong papel sa mukha ko. Napapikit nalang ako.
"That's the next girl I will recommend for you. Just call her and plan your damn date! And I hope this will be the last."
Galit na umalis naman agad ito palayo sa akin. Napasabunot naman ako sa buhok ko. Oh damn! What have I done? I never know. Alright! I felt guilty of what I've said to her. Hindi ko naman alam na ginamit lang pala siya ng lalaking iyon. Hinabol ko naman siya nang papalabas na siya sa mall. I think I owe her an apology.
"Nissa, wait.."
Nang mahabol ko siya ay agad ko namang hinablot ang braso niya dahilan para matigilan siya.
"What?" she hissed in mischief.
"I'm sorry about that." Ngumisi naman ito dahil sa sinabi ko at iwinaksi niya ang kamay ko sa braso niya..
"You don't have to. Tanga lang talaga ako at nagpaloko."
Nagpakawala nalang ako nang buntong hininga. I know may kasalanan ako. Napasobra lang yata ang mga sinabi ko. But she can't go on like this.
"You should understand, Nissa. There is no such thing as true love."
"Bakit, Cleo? Nainlove ka na ba?" seryosong tanong nito na hindi ko magawang sagutin. "I bet hindi pa kaya nasasabi mo iyan. "
"Believe me, Nissa. Ang sinasabi mong love na iyan, it doesn't really exist. It is just your mind telling you that you are inlove. Walang isip ang sarili mong puso, Nissa. And in the game of what you called love, you should know how to manipulate's people emotions para hindi ka masaktan sa huli at nang hindi ka naloloko.."
"Kahit ano pang sabihin mo sa akin, Cleo. Hindi mo mababago ang paniniwala ko sa bagay na iyan. Eventhough I didn't feel how to be loved with my own father I still believe in those things. Just call me if you won't get satisfied with that girl again. "
Tinalikuran naman niya agad ako at naglakad palayo sa kinaroroonan ko. Napapailing nalang ako dahil sa sinabi niya.
There is no such thing as that. Tayo lang ang nagdidikta sa mga bagay na ganiyan.
NAGPAKAWALA ako nang malalim na buntong hininga at tinignan ang babaeng nasa harap ko. She look perfect alright, the kind of girl I want. But I felt nothing, ang boring niyang kausap katulad ng nauna kung nakilala. From what I've heard her name is Demie. And I got tired of this s**t. It's been two days at pang-apat na babae na ito na nirerecommend sa akin ni Nissa for this week. At kapag naging ganito ito. I think aabot o hihigit na naman ulit ng labing limang babae ang makikilala ko kagaya sa nauna kong linggo. And in the end I will end up not choosing from them..
"Miss Castoverde already tell me about the rules of this marriage and I'm willing to do it, Cleo," nakangiting saad nito.
She bit her lips seductively. It wouldn't work on me. Umiling nalang ako sa sinabi niya at inisang lagok ang wine na inorder ko.
"You can leave now, Demie. I think we are done for today."
Bakas ang dissapointment sa mukha nito dahil sa sinabi ko. I don't understand myself either. Napakadali kong mabagot sa mga babaeng pinapakilala sa akin ni Nissa.
"Just this fast? I can be a better wife for you."
Umiling naman ako sa sinabi niya at tumayo na ako. Ngumiti ako sa kanya ng pilit at nagpatong ng bills sa ibabaw ng mesa.
"Nuh, I need to go now. Have a good day."
Umalis naman ako kaagad sa restaurant na 'yon. Almost one month and two weeks na ang nasasayang sa oras ko. Malapit na ang limang na buwan na palugid at kailangan ko nang magmadali but damn I can't even find a best woman that can suit as my wife.
Inilabas ko ang cellphone sa bulsa ko and I immediately dialed Nissa's number. Nakakadalawang ring din ako bago niya sinagot ang tawag.
"Hello!" dinig kong sabi nito sa kabilang linya. Hindi ko na napigilang mapangiti nang mababakas ang inis sa boses niya.
"Find me another one, Miss Nissa. She just bored me to hell."
"Damn you, Cleo! Ano naman ang akala mo sa mga babaeng ipinapakilala ko sayo, entertainment?"
"Just do what I'm asking you to do," inis na turan ko.
"Alright. Here's the next one. Her name is Sabrina Cole Cullen, her father is the owner of Mischief Techno Corporation, an international model and a fashion designer... Just text me the place and what time would you meet her so I can call her."
"Alright. I will text you the place. And tell her I don't want her to be late."
"As you wish. Bye!"
Binabaan naman niya agad ako nang tawag. I sighed.
I hope this one will work.
-
♡lhorxie