Chapter Twenty Five : Missing ____________________________________ NISSA Dahan-dahan kong isinara ang pintuan ng kwarto namin ni Zandrienne. Nauuhaw ako kaya naisipan kong uminom muna ng tubig sa kusina. Salamat naman at maaga siyang nakatulog. Minsan talaga pahirapan kung patulugin ang batang iyon. "Ay, palaka!" Napapiksi naman ako sa sobrang gulat nang bigla may humapit nang bewang ko. Napalingon naman ako kung sino ito. "s**t ka, Cleo! Pinakaba mo ako doon, uh. Akala ko kung sino." Hinampas ko naman ang balikat niya. Akala ko pinasok na kami nang magnanakaw dito sa loob ng bahay! "Tulog na siya?" Napatango nalang ako sa sinabi niya. Itutulak ko sana siya upang makawala ako sa pagkakayakap niya ngunit hinuli lang niya ang kamay ko at mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak

