PANIMULA

381 Words
(Sulat ng May-Akda) Ang libro na ito ay hango sa mitolohiya,paniniwala at kultura ng mga pilipino bago ang pananakop ng mga kastila. Noong Kapanahunan ng pananakop ng mga kastila ang pilipinas ay pinatigil nila ang mga paniniwala at ang nakagawian ng ating mga ninuno upang palaganapin ang kristiyanismo.Kung kaya ang mga impormasyon at dokumento ay bilang na lamang. Mga paalala: Ang mga nasaliksik o nahagilap na mga impormasyon ng may akda ay kaunti lamang.Pinalawak lamang ito gamit ng imahinasyon ng manunulat. Ang mga tao at lugar ay gawa lamang ng kathang-isip o piksyon.Hindi po gumamit ng totoong lugar at totoong katauhan ang may akda upang maiwasan ang anumang hindi pagkakaintindihan. Dedikasyon: Ako’y nagpapasalamat sa lahat ng mga tao na sumuporta para mabuo ang librong ito. Sa akin pinakamamahal na Serenix at sa aking kapwang manunulat, maraming salamat sa inyo. Mga pangunahing karakter: •Ishan Azure Corazon Rivera •Ashleigh Lopez • Mahalia Corazon Rivera •Lola Binayaan Rivera Social Media: Facebook:Sapphire_Serene official Instagram:sapphire_serene Twitter:mayari_serene YouTube: Sapphire_Serene Lengwahe/Language: •English •Filipino •Hiligaynon [UNEDITED] •Typos •Grammatical ERROR BLURB: Ikaw ba ay naniniwala sa mga alamat,anito diyos at diyosa o kung anumang mitolohiya? paniniwala. Maaring pamilyar na sa inyong mga pandinig ang mga aswang,duwende,kapre na palaging kinikwento ng ating mga lolo at lola. O di kaya'y ang mga samut-saring pamahiin tulad ng ; mag tabi-tabi,huwag magtuturo kung saan-saan o kaya baliktarin ang inyong damit kapag kayo'y naliligaw. Ito ang ilan sa mga sabi-sabi,kwento at pamahiin ng matatanda. Sa loob ng nagdaang siglo,nang sinakop na ng modernisasyon ang mundo ay unti-unti ng nawala sa isipan ng mga tao ang ganitong paniniwala. Ngunit maniniwala kaba kung sasabihin ko sa iyo na nasa paligid lamang sila at nagmamatyag? © Kahit anong kwento ang sinasabi ng kanyang lola Biya ay hindi naniniwala si Ishan. Lalo na sa mga aswang, anuto at manananggal.Para sa kanya isang kathang isip lang ito at panakot sa mga kabataan. Ngunit isang nakakabahalang misteryo ang bumalot sa isang bayan. Sunod - sunod ang mga kababalaghang insidente na hindi maipaliwanag. Mga kuno-kunong aswang, engkanto at manananggal. Naging sentro narin ito ng mabubusing imbestigasyon at isa sa mga piniling manguna sa imbestigasyon ay si Ishan. Kaya bang panindigan ni Ishan ang kanyang pinaniniwalaan? Once Upon a Myth Written and authored by: Sapphire_Serene
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD