TLYA 05:

2013 Words
•Maureen• "Miss De Silva? Mr. Morse? Anong ginawa ninyong kasalanan at bakit kayo napunta rito," naguguluhang tanong ni Mr. Ron. Hindi naman kasi ako mapupunta rito kung hindi ako ginugulo ng lalaking ito. Napakamot ako sa aking noo bago masamang tiningnan si Nathaniel na kalmado lang at malapad ang ngiting nakatingin sa guidance counselor. Hindi ba ito natatakot na malaglag sa dean's list? "She's flirting with me," walang gatol na saad nito. Tinaasan ko siya ng kilay at malakas na ginawaran ito nang batok. Napatingin naman ito sa akin na may pagtataka. "Nambabatok naman 'to. Pasalamat ka, gusto kita." Hindi ko na siya pinansin at ibinaling na lang ang aking paningin kay Sir Ron na naguguluhan na sa sagutan naming dalawa. Sino ba naman ang hindi? Kilala ako ritong mabait at hindi namamansin ng lalaki. Kung may gusto man sa akin ay kaagad ko iyong nire-reject dahil ayaw kong magulo ang pag-aaral ko. "Ano po ang parusa naming dalawa, sir?" seryoso kong tanong. Akmang iiling ito nang pinigilan ko siya. "Huwag niyo po akong ituring na isa sa anak ng nagmamay-ari ng school. I'm a normal student right now." Napalunok ito bago tiningnan si Nathaniel, nilingon ko rin ito para makita ang kanyang reaksyon ngunit ang simpleng pag-ngiti lamang nito ang aking nasilayan. Hindi ko alam pero ayaw kong madismaya ito dahil mayaman ako. Marami ang humahanga sa akin dahil mayaman ako at sikat sa campus, dahil sa angkin kung ganda at katalinuhan. Napaismid ako nang hindi man lang ito tumingin sa akin at nanatili lang kay Sir Ron ang kanyang paningin. "Saan po kami maglilinis, sir?" simpleng tanong nito. "Dahil pareho naman kayo nang kasalanan ni Miss De Silva ay dumeretso na kayo sa third floor at linisan ang buong hallway." Nanlalaki ang mata ko dahil sinabi. Iyong buong hallway? Tumingin ako kay Sir Ron, ngunit umiwas naman ito ng tingin. "Sige na, umalis na kayong dalawa at baka pati banyo ay palinisan ko sa inyo." Kinusot ko ang aking ilong at nauna nang lumabas. Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang kampanteng pagkanta ni Nathaniel. "Masaya ka?" naiinis kong tanong sa kanya. Bakit ba kasi kailangan niyang pumapel kanina, hindi sana ako napunta guidance office. "Kung hindi ka sana lumapit sa akin kanina edi sana—Morse!" Hahambalusin ko sana ito nang walis kong dala nang bigla itong  tumakbo papunta sa kabilang dulo. Sino ba naman ang hindi magagalit kung hinalikan ka ng lalaking iyon? Mabuti na lang at walang ibang tao rito dahil nasa gymnasium ang mga estudyante, dahil P.E day ngayon. Sa loob ng isang buwan ay nagkakaroon ng P.E day ang buong SIS. Ginagawa ito para magkakilala ang mga estudyante at magkaroon ng unity sa bawat isa. "Nerd! Bilisan mo riyan, huwag mo nang isipin ang matamis kong halik!" Nanlalaki ang mata ko sa isinigaw ni Nathaniel. Napalingon-lingon pa ako sa aking paligid at baka mayroong ibang tao na nakarinig. Nakahinga ako nang maluwag ng wala akong makitang iba. "Morse, tigil-tigilan mo ako sa kamanyakan mo!" sigaw ko pabalik sa kanya. Hindi naman siguro kami naririnig ng buong school. "You should start cleaning. Huwag mo akong kausapin at baka maipakain ko ang walis na hawak ko sa iyo." Malakas itong tumawa at itinaas ang dalawa niyang kamay, tila ba sumusuko sa mga pulis. Napailing na lamang ako nang magsimula na siyang magwalis. Hindi ko na rin siya inintindi at sinimulan na ang paglilinis. Napaisip lang ako bakit sa tuwing may napaparusahan palaging paglilinis ang ibinibigay na task dito? Wala ba kaming janitor? Impossible ang ideyang iyon lalo na at para sa mga mayayaman ang paaralang ito. Malapit na akong makalahati sa aking pagwawalis nang makita ko si Nathaniel na tumigil sa kanyang ginagawa. Tinaasan ko siya ng kilay nang itinaas nito ang kaliwa niyang kamay. "Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya. Hindi ito sumagot ngunit bigla namang sumayaw. Napatakip ako sa aking mata nang marinig ko ang teach me how to dougie na kanta. "Nathaniel, tigilan mo iyang kabaliwan mo." Hindi ko alam kung ngayon lang ba niya narinig ang kanta na ito o talagang paborito niya lang iyon. Ang tanda na ng kantang iyan, nasa elementary pa lang ako ay naririnig ko na iyan. "Inlove ka na ba sa akin, nerd?" Napahagikhik ako nang mas binilisan nito ang kanyang galaw dahil sa pagsunod sa bilis ng musika. "Magaling ba ako? Gwapo na ba ako sa paningin mo?" "Baliw ka na, Morse." Umiwas na ako ng tingin sa kanya at bumalik na sa ginagawa ko. Ngunit ang ngiti sa aking mga labi ay hindi pa rin nawala.  - Napaupo ako sa sahig at isinandal ang ulo sa may railings nang matapos kami sa pagma-map ng sahig. Kumikinang na iyon at wala ng alikabok na nakadikit dito. Hinihingal ako lalo na at hindi naman ako sanay sa gawaing ito. Ayaw ko lang talaga na isipin ng iba na pinapoboran ako ng buong staff ng school, dahil anak ako ng mga De Silva. May narinig pa akong mga usap-usapan na hindi raw ako pwedeng banggain. Kapag daw ako raw ang may kasalanan dapat humingi na lang daw ng pasensya dahil baka mapatalsik pa raw, tsk. "Tired?" Nathaniel asked. Tumingin ako sa kanya at tumango, naguguluhan kong tiningnan ang gatorade na hawak niya. "Uminom ka muna nito para naman mawala iyang pagod mo." "Salamat," nakangiti kong saad at kinuha iyon sa kanyang kamay. Tinapik ko ang sahig na nasa tabi ko para paupuin siya. "Pasensya ka na at palagi akong nagsusungit sa'yo. Ayaw ko lang talaga na mawala ang pokus ko sa pag-aaral dahil sa mga taong nakapaligid sa akin." Uminom ako nang gatorade na ibinigay niya at tumingin sa unahan namin. Sa ngayon hahayaan ko muna na may makapasok na ibang tao sa buhay ko. Kailangan ko rin sigurong makipaghalubilo sa iba para mas gumaan ang buhay ko. Wala na nga akong naging tunay na kaibigan dito dahil sa status ng pamilya ko. "Mabait naman akong estudyante. Pwede kitang samahan habang nag-aaral," nakangiti niyang saad. "Pwede rin kitang turuan sa mga lesson na hindi mo maitindihan. Pasasayahin din kita kapag tinatamad ka nang mag-aral." Natawa ako dahil sa sinabi nito. Inilagay ko muna ang gatorade sa gilid ko bago siya nilingon. "Sigurado ka na ba riyan, Mr. Perfect?" Iyon ang tawag sa kanya ng mga estudyante rito, dahil sa kanyang taglay na katalinuhan at kagwapuhan.  Mas idinikit ko ang mukha ko sa kanya para mas matitigan ang reaksyon niya. "Baka naman hindi pa ako nakakatanong ay tumakbo ka na palayo sa akin." He smirked and touched my nose. Nanigas ako sa aking kinauupuan nang makaramdam ako nang kuryente galing sa kamay nito. Bakit kakaiba ang nararamdaman ng aking tiyan sa ginawa nito? "Maureen?" Napatayo ako bigla nang makita ko si Josh na nasa likuran ni Nathaniel. "Kanina pa kita hinahanap. Nabalitaan kong napunta ka raw sa guidance office?" Pinagpagan ko ang aking damit at mabilis na lumapit sa kanya. Naningkit ang mata nito nang makita si Nathaniel na tumayo na rin sa kanyang kinauupuan at tiningnan kaming dalawa. Hindi ko alam kung bakit galit na galit si Josh kay Nathaniel, sa tingin ko naman ay mabait naman itong tao. "Binabalaan kita, Morse! Huwag ka nang lumapit kay, Maureen. Hindi ka nababagay sa kanya—" "At sino naman ang bagay sa kanya, ikaw?" nanghahamon na tanong nito kay Josh. "Kung si Maureen man ang dahilan kung bakit ako makikipaglaban sa iyo, Santander, hindi kita uurungan." Tumawa si Josh at inakbayan ako. Hindi ko naman iyon tinabig dahil gawain naman niya talaga iyon. Kaibigan ko si Josh at kilala ko na siya mula pa pagkabata, sa tuwing umiiyak ako dati siya naman palagi ang takbuhan ko. "Huwag mong isali si Maureen sa mga babae mo, Morse," mariin na saad nito. Hinawakan ko ang kamay niya para patigilin siya. Hindi nga ito nagsasalita ngunit ang mata nito ay nakatingin nang masama sa lalaking nasa harapan namin. "Paano kung sasabihin ko sa iyo na seryoso ako sa babaeng hinahawakan mo ngayon," seryosong saad naman ni Nathaniel. Napalunok ako sa titigan nilang dalawa bago tumingin sa malayo. Ngayon ko lang naranasan 'to kaya di ko alam kung ano ang gagawin ko. Naipikit ko ang aking mga mata at tatalikuran na sana sila, nang marinig ko ang pangalan ko na sabay nilang ibinigkas. Natampal ko ang aking noo at nanatiling nakatayo sa tabi ni Josh at naghihintay sa sasabihin nila. "Liligawan kita," sabay nilang saad. Nanlalaki ang mata ko na nakatingin sa kawalan. Anong gagawin ko?  Sinuklay ko ang aking buhok at tumingin sa kanilang dalawa. Hindi yata magtatapos ang dalawang ito sa pagtitigan kapag hindi ko nasagot ang sinasabi nila. Naglakad ako papunta sa gitna nilang dalawa at pumalakpak para makuha ang atensyon nila. Sabay silang bumalik sa reyalidad at tumingin sa akin. "Maureen," tawag sa akin ni Josh. May ngiti sa labi nito at inilahad ang kaliwa niyang kamay. "Bakit ba kaayo nag-aaway? Hindi niyo ba alam na kailangan na nating pumasok sa next subject?" tanong ko at tiningnan sila pareho. Napatingin ako sa gilid ko nang biglang may pumatong na kamay sa balikat ko. "Nathaniel," mariin kong saad. Hindi ako nito pinansin at iginaya na ako papunta sa may hagdan. Ngunit hindi pa kami nakababa ay may humawak naman sa kamay ko. "Mauie, ako na maghahatid sa'yo." Naiinis kong tinanggal ang mga kamay nila na nakahawak sa akin at nagkusa nang bumaba sa hagdan. "Kung ayaw niyong pumasok bahala kayo d'yan. Huwag niyo akong isama sa katamaran niyo." Tumakbo na ako pababa ng hagdan kahit na may elevator naman. Mas mabuti na rito at hindi kami magkakasama. Pinahid ko ang pawis na tumutulo sa aking mukha. Kakarating ko lang sa room para sa next subject ko, mabuti na lang at wala pa si Mr. Sixto. "Mauie, may pupuntahan ka ba this saturday?" Napatingin ako kay Cheska na nasa harapan nang desk ko. "You promise me na pupunta tayo ng club. Nakalimutan mo ba?" Napakamot ako sa aking noo nang marinig ang sinabi niya. Nakalimutan ko iyon, nangako pala ako sa kanya last time. "Actually may photoshoot akong pupuntahan. Pero kapag mabilis akong matapos ay pupunta kaagad ako. Ano na lang..." Napaisip ako kung ano ang pwedeng gawin. Ayaw ko naman na umasa iyong iba tapos di ako tutuloy. "Ibibigay ko na lang ang number ko sa'yo tapos text mo na lang ako kung saan kayo." Nanlalaki ang mata kong tumingin sa kanya nang bigla siyang tumalon at nagtitili. Kinalabit ko siya para kunin ang atensyon niya, lumingon nga ito ngunit ang malapad na ngiti niya ay di pa rin nawawala. "Bakit ka tumitili d'yan?" Iyong mga kaklase rin namin ay sabay-sabay na ibinaling ang mga mata sa kanya. Naghihintay sa kanyang sasabihin. "May magandang balita ka bang narinig o may masakit sa iyo?" Tumawa ito at inilahad sa akin ang cellphone niya. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko siya maintindihan. "May numero na ako ng campus queen natin! My gosh, this is a blessing!" Nakagat ko ang aking labi para pigilin ang aking pag-ngiti. Mababaw na dahilan lang iyon ng kanyang kaligayahan. "Sino ba naman ako para maging blessing sa iba? Simpleng estudyante lang rin naman ako rito, ang kaibahan ko lang sa kanila ay nabuhay ako sa mayamang pamilya at naging modelo sa murang edad. "Kainggit! Pahingi rin ako, Cheska!" sambit ni Marie matapos kung i-type ang phone number ko sa cellphone ni Cheska. "Ako rin!" sunod naman ng iba. Pilit ang ibinigay kong ngiti dahil hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko, lalo na at hindi ako mahilig mag-text. Paano kung mag-send sila ng message tapos di ko ma-replyan? Tatawagin ba ako nilang snob? Maarte? "Alam niyo isang tao lang ang pwedeng kumontak kay Miss Maureen, alam niyo iyon? Privacy. Sige kayo baka matakot siya at lumipat ng ibang paaralan." Napangiti ako dahil sa sinabi ni Cheska, ramdam ko ang kabaitan nito. "Class, bumalik na kayo sa inyong mga upuan." Napatingin ako sa may harapan at nakita roon si Sir Sixto. Nagsibalikan naman ang mga kaklase ko at nagsimula na ang klase.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD