Chapter 5

1474 Words
Red's  POV, Walang Blue ngayong araw at sa susunod na araw. Umalis kasi ito, hindi ko alam kung saan ang punta niya. Malamang sa trabaho niya, kahit malandi ang lalaking iyon mahalaga parin sa kanya ang kompanya niya. Magkaiba kasi sila ng kompanya ni Sky. At ako, dito ako sa pader nakasandal. Sumama ako kay Blade sa mission nito. Kasama niya si Fire at Comp. Sumama ako kasi p*****n ang pupuntahan nila. Wala akung mission ngayon. Siguro bukas magkasama na kami ni White. "Reycol?" Rinig kung wika ni Comp, napatuwid ako ng tayo at hinugot ang barel ko. "Yes, nandito na ako sa pader." Mahinang saad ko, nasa factory kami at nasa loob ng tubo silang tatlo. Kailangan lang naming pasabugin ang factory na ito at patayin ang lahat ng tao dito. Mga halang ang kaluluwa nila. Gumagawa sila ng chemicals na makakapatay ng tao. Kaya, kailangan na tapusin na ang kaligayahan nila. "Damn Red! Pumasok ka loob, buksan mo ang isang tubo at lalabas kami. Nasusuka na ako dito." Seryosong saad ni Blade napatawa naman ako. Ikaw ba naman gumapang sa tubo na kasya lang ang katawan mo, hindi ka makalingon sa likuran at limitado pa ang hangin. "Coming." Sagot ko nalang at mabilis na binuksan ang pinto na nasa tabi ko. Walang alinlangan na pumasok ako habang nagmamasid sa paligid kung may tao. Tumigil ako sa isang tubo na nakatayo at sinuot ang maskara ko. Binalik ko ang baril ko at ang laser pen ang kinuha ko. Mabilis akung nagtago at walang alinlangan na hinila ang nakabantay sa pinto. Pinutol ko ang ulo niya gamit ang laser pen. Buti nga sayo. Kaagad kung inikot ang lock at hinila ito. Napatakip ako ng ilong ko dahil sa sobrang baho. Hindi nagtagal nakita ko na sina Comp na palabas. Humarap ako sa pinto at tinutok ang baril ko. Mahirap na baka may pumasok. "Damn! Sobrang baho!" Rinig kung sigaw ni Fire, nilingon ko siya na hinuhubad ang takip niya sa ulo. "May parating, magtago kayo." Mabilis kung saad kaagad naman silang nagtago pero sinauli muna ni Comp ang takip ng tubo. Nagtago ako sa gilid ng pinto at hinanda ang baril ko. Ng bumukas ang pinto, pumasok ang limang lalali na naka suit. "Be sure that you will deliver the drugs immediately." Saad ng lalaking matanda. Kaagad namang tumango ang kasama nito nasa banta ko mga alagad niya. Sadly, mawawalan na kayo ng negosyo. Nakita ko sa dulo na nakatingin sa akin ang mga kasama ko. Tinuro ni Fire ang cellphone niya, may tumatawag dito. Nakita ko ang pangalan ni Blue. Napapailing si Blade habang nakatingin sa akin. I sign them wait. May nakita akung tubo sa tabi ko kaya kinuha ko ito at binalik ang baril ko. Humakbang ako at walang alinlangan na hinampas ang tubo ang taong nakatalikod sa akin. Nagulat ang mga kasama niya sa ginawa ko, napahandusay sa semento ang kasama nila. Mabilis kung hinarap ang kasama niya at itinaas ang tubo. "Don't you dare f*****g move!" Sigaw ko sa kanila at inapakan ang kamay ng lalaking walang malay. Ito ata ang boss nila eh. "Dapa!" Malakas kung sigaw. Kaagad naman na lumapit sa akin sina Fire at linagyan ng posas ang apat na lalaki. "Akin na ang phone mo Fire." Saad ko, kaagad naman niyang binato ang cellphone niya sa akin, nasagot niya ang tawag. Ibig sabihin narinig niya ang ginagawa ko. Damn! "Yes, Blue?" Saad ko at binigay kay Blade ang tubo. Si Comp naman inaayos na ang bomba. Madali lang naman ang mission nila. "This is Sky. Damn! Blue ba ang pangalan ko sa contacts ni Fire." Marahas kung nilingon si Fire na kinakamot ang ulo niya. "Hindi ko sila makilala eh. Patas ang mukha." Sagot nito, inirapan ko nalang. Kung bago mo palang makita ang kambal hindi mo talaga makikilala kung sino si Blue at Sky. "Malamang kambal gago!" Bulyaw sa kanya ni Blade habang ginagapos ang lalaking walang malay. Hindi ko nalang sila pinansin at sinagot si Sky. "What is it Sky?" Tanong ko. Narinig ko ang buntong hininga nito. "Let's talk Red." Seryosong saad nito, napakunot ang kilay ko. Bakit naman? "Were talking now Sky." Pambara ko sa kanya. "No, I mean in person. I have something important to tell you." Napapikit ako, damn! Don't tell me about na naman ito kay Blue. "Okay, tomorrow then. Ako na ang pupunta sa kompanya mo." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at pinatay ang tawag. Walang alam si Sky sa ginagawa namin ni Blue. Sinabi ito sa akin ni Blue bago siya umalis. Hindi ko alam kung bakit hindi alam ng kambal niya. Hindi ko alam. Binalik ko kay Fire ang cellphone nito. Tiningnan niya ako at ngumiti. "Ano ba kayo ni Blue?" Iniwas ko ang tingin ko kay Fire. Alam nila na mahal ko si Blue, pero hindi nila alam ang ginagawa namin. We hide it. "Tao malamang." Pangbara ko sa kanya. Ngumiti ito sa akin at napailing. "Ikaw na ang susunod kay Velvet. Kailan ang kasal." Mabilis kung sinapok si Fire kaya mas lalo lang itong napatawa. "Ang totoo Red, nakita ko kayo na magkasama noong isang araw, umuulan pa nga at na--ouch!" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at sinipa ito. Damn! Nakita niya talaga kami. "Shut up!" Sigaw ko sa kanya, nagtago ito sa likuran ni Blade habang nakangising nakatingin sa akin. "Tatahimik ako, basta akin na ang bagong labas na model ng cellphone sa kompanya mo." Saad nito, tiningnan ko siya ng masama at napatingin kina Blade at Comp na nakataas ang kilay sa akin. f**k! "Sinabi niya sa amin. Ano ang relasyon mo kay Saavedra?" Tanong sa akin ni Blade habang nakangiti. "Damn! Itahimik niyo ang bunganga niyo!" Sigaw ko sa kanilang tatlo. "Ano ang kapalit?" Marahas akung napabuntong hininga at sinipa ang tubo na nasa sahig. Tiningnan ko ang mga lalaki na nakagapos. "The new model phone. Lima lang ang pinalabas ko." Saad ko, napatalon silang tatlo at humiyaw sa tuwa. Tangina! Malulugi na ako nito! "Ayos! Ang galing ko!" Sigaw ni Fire kaya nilapitan ko at sinuntok ang kamay niya. "Tangina ka talaga Fire! Siguraduhin mo lang na walang makakalam!" Sigaw ko sa kanya, itinaas nito ang kamay niya. "Promise." Inirapan ko siya at tinalikuran. Lumapit ako sa nahuli namin at tinayo ang isa at tinanggal ang takip sa bibig. "Kaano-ano niyo ang lalaki na ito?" Tanong ko sa kanila, nakita ko ang paglunok niya habang nakatingin sa akin. Nasa maskara kaya ako. "Maam, mga pulis po kami na nag-undercover dito. Nasa bulsa po namin ang aming tsapa." Nanlaki ang mata na tiningnan ko siya, nilingon ko naman si Comp na naguguluhang nakatingin sa lalaki. "Tawagan mo si Kuya, tanungin mo. Kasama niyo ang matanda na to?" Tanong ko, umiling ang lalaki. "Siya po ang may-ari ng lugar na ito. Kaming apat lang po ang pulis." Sagot ng lalaki, lumapit si Blade at Fire sa tatlong lalaki. Tiningnan ko si Comp na kakababa lang ng cellphone nito. "It's true, pulis sila. Ang walang malay nayan ang papatayin natin. Pasabugin nalang natin ang lugar na ito, then were done here." Saad ni Comp at tinanggal ang busal ng ibang lalaki. Binitiwan ko ang lalaki at tiningnan ang tatlo kung kasama na walang maskara, ano pa. Namumukhaan na sila ng apat na ito. Hindi namin silang pwedeng patayin, walang kasalanan sila dito. "Ilang taon na kayong pulis?" Tanong ko sa kanila. Nilingon ako ng isa at sumagot. "Tatlong taon na po Maam." Sagot nito, tiningnan ko si Blade na kinakamot ang ulo. Mga gago kasi! Malamang kilala sila ng mga lalaking ito, mga business man sila. Maliban sa pagka-agent nila. "Kilala niyo sila?" Tanong ko at sabay turo sa tatlo. Kaagad na tumango ang isang lalaki at tinuro si Comp. "Siya ang may-ari ng building kung saan ang condo ko, and that guy is the owner of Hottest Desire Cruise Ship." Napatampal ako sa noo ko. Lagot kami nito kay Kuya Slyde. Wala si Blade, wala namang kompanya si Blade, ayaw niya. Narinig ko ang mura nilang dalawa. Tiningnan ko ang apat na lalaki at tinanggal ang maskara ko. Nanlaki ang mata nila na nakatingin sa akin. "Wala na akung magagawa, as a special agent in TDR I order the four of you too resign your job and come with us." Nanlaki ang mata nila na nakatingin sa akin. "Maam, hindi namin ipagsasabi. Maayos po ang trabaho namin." Umiling ako at tiningnan silang apat. "Sasama kayo sa amin, you are now the new agent of TDR." Saad ko, nanlaki ang mata nila sa sinabi ko. Malamang, hindi ka basta-basta na makakapasok sa TDR. "Welcome to the group." Saad ni Fire at inakbayan ang apat. "Kami ang magsasanay sa inyo." Saad nito, tumalikod ako at tinali sa nakatayong tubo ang matanda. "Umalis na tayo, after one minute sasabog na ang lugar na ito." Saad ni Comp at tinapunan ang baril ang apat. "Barelin niyo ang makikita niyong buhay." With that kinasa niya ang barel niya. Tinangunan ko ang apat na lalaki. "Go, sumunod na kayo sa kanya." Tumango ang apat at sumunod kay Fire. Kinuha ko naman ang baril ko sa beywang at kinasa. Damn! Papatay na naman ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD