Chapter 2

1494 Words
Red's  POV, Dapaing ako sa sakit ng diniinan ni Comp ang paggagamot sa sugat ko. Kakabalik ko lang galing sa Italy. Tatlong araw ako doon, nag imbestiga lang naman ako sa nangyaring pagsabog noong nakaraang linggo. Ng makabalik ako dito aksidenting natamaan ako ng bala habang puma-firing ang baguhang agent ng TDR. Sina Nickel at Calsium ang head nila, kaka promote lang nilang dalawa sa special agent. "Bakit kasi hindi nag-iingat." Inirapan ko si Comp, natamaan ako ng bala sa likuran. Damn! "Red, nasa villa ko ang isang barel mo." Saad ni Comp at maayos na linagyan ng bandage ang sugat ko. "Sige, kukunin ko mamaya." Sagot ko at napabuntong hininga. Ano na kaya ang ginagawa ni Blue ngayon. Malamang Red nasa ibang babae naman. What do you expect with Blue. Tatlong araw akung wala, malamang lumandi na naman. "Red, let's dinner after this. Gusto mo? It's my treat." Napalingon ako kay Comp, ngumiti siya sa akin. "Sure, saan ba?" Tanong ko at tumayo sa harapan niya. Nasa clinic kami ng TDR, bumuntong hininga ito at inayos ang mga gamot. "Sa mall, kasama ko sina Fire at Flame at kasama kana rin." Saad nito, ngumiti ako at tumango. Wala na naman akung trabaho. Bukas ko nalang pupuntahan si Blue, total mag-gagabi na. "Sige, daanan mo ako sa villa hindi ako magdadala ng kotse." Nakangising saad ko, umiling lang si Comp at tumayo. Sabay kaming lumabas ng clinic. "Wear this, malamig. Naka sports bra kalang." Tiningnan ko ang jacket na nilagay ni Comp sa balikat ko. Inamoy ko pa. "Salamat, isasauli ko mamaya." Saad ko, tumigil ako sa paglalakad kaya medyo nauna siya. Mabait si Comp, napailing ako at tumakbo at kinabitan ang balikat niya. "Damn Red! May sugat ka!" Bulyaw niya sa akin, habang hinawakan ako sa beywang. "Arte nito, sige kita nalang tayo mamaya! Daanan mo ako ha!" Sigaw ko at tumakbo na papasok sa villa ko. Ng makapasok ako kaagad akung nagbihis ng jeans at simple pink shirt,  pinarisan ko ito ng rubber shoes. Tinali ko rin ang mahabang buhok ko. Tsaka naman narinig ko ang busena sa labas. Mabilis akung tumakbo at bumaba. Sumalubong sa akin ang dalawang Ducati, ang isa doon nakasakay ang kambal sa isa naman si Comp lang. "Tara na Red! Kay Comp ka sumakay!" Sigaw ni Fire at yumakap kay Flame. Nakita ko kung paano sikuhin ito ni Flame. "Ang landi mo! Huwag ka ngang yumakap sa akin! Bakit kaba dito sumakay sa akin!" Bulyaw sa kanya ni Flame, pero parang walang narinig si Fire mas yumakap pa ito kay Flame. Kambal nga naman. "Hop in." Saad ni Comp, kinuha ko ang helmet na binigay niya at sinuot. Mabilis akung umangkas sa likod niya. "Nga pala, bukas ko na ibabalik ang jacket mo." Saad ko at humawak sa balikat nito. Walang malisya to, kapatid na ang turing ko sa mga agent dito. "No problem. Humawak ka, we will race." Sabay lingon sa akin ni Comp ng sabihin niya. Doon napatingin ako kina Flame na nasa tabi na namin. Ngumisi ako sa kanila. "Kami ang mananalo." Seryosong saad ni Fire, binilatan ko siya. "Will see." Saad ko, with that mabilis na humarurot ang ducati ni Comp palabas ng TDR. Ganon din sina Fire. Napayakap ako kay Comp ng dumaan ito sa gitna ng truck at bus, hindi sa natatakot ako ganito din ako magpatakbo. Ang kinakatakot ko baka mahulog ako, sa liit kung ito. Kaya akung tangayin ng hangin. "Whoahh! Mahahabol nila tayo!" Sigaw ko, lumingon si Comp at nasa likuran na namin ang kambal na sumisigaw. "Damn! Hold on!" Sigaw ni Comp at mas binilisan pa ang takbo, wala na kaming pakealam sa traffic light! Mabilis na nagpreno si Comp ng marating namin ang parking lot ng mall, kaagad tumigil sina Fire sa tabi ng Ducati ni Comp. Tinanggal ko ang helmet ko at ngumiti sa kanila ng matamis. "We won. Galing kaya ng driver." Proud na saad ko at bumaba sa Ducati. "Magaling din sa kama Red." Malademonyong saad ni Flame, kaya tumilapon sa kanya ang helmet ni Comp. Pinigilan ko ang tawa ko, damn! "Gago ka! Hindi ako kagaya mo." Bulyaw sa kanya ni Comp, tiningnan siya ng masama ni Flame. At walang alinlangan na binato pabalik ang helmet. "Gago karin. Pa inosente pato. Utot mo!" Natatawang saad ni Flame at bumaba sa Ducati niya. Napailing nalang si Comp at sinabit sa motor ang helmet. "Tara na, gutom na ako." Napalingon kami kay Fire, lumapit sa akin at hinila ako papasok. Hinayaan ko nalang siya, habang papasok kami inakbayan niya ako. Hinayaan ko na, malandi lang talaga si Fire. "Nga pala, kamusta ang sugat mo?" Hinawakan ko ang nakaakbay na kamay ni Fire. Kung kina Velvet niya ito ginawa nabalibag na siya. Sa aming limang magkakaibigan, ako ang mas malapit sa mga lalaki. Halata eh. "Maayos na, ginamot na kanina ni Comp, wala kasi si White hindi ko alam kung saan dinala ni Sky." Sagot ko, ng makapasok kami sa mall kaagad kaming pinagtitinginan ng mga kababaihan. Malamang, katabi ko si Fire tapos nasa likuran ko pa si Comp at Flame tatlo sila na naka leather jacket. Agaw atensyon talaga, ang gwapo kasi ng mga kasama ko. "Balita ko, sa vacation house ni Sky sa Baguio. Ano ang ginawa nila doon?" Napaisip naman ako, may gusto din kasi si White kay Sky. "Inakit siguro ni White." Sagot ko, napatango nalang si Fire. Alam naman nila na may gusto si White kay Sky. At alam din nila na may gusto ako kay Blue. Hindi lang nila alam na you know. Pumasok kami sa restaurant sa mall at umupo sa pang-apat na mesa. Kaagad lumapit ang waiter sa amin na babae. "May I take you order Ma'am and Sir." Magalang na saad nito, sinabayan niya pa ng ngiti. "Can I take you out Miss?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Fire, nilingon ko ang babae nagulat ito pero kaagad itong ngumiti. Nako miss, iiyak ka lang sa kaibigan ko. "Tangina ka Fire!" Mura sa kanya ng kambal nito, magkamukha sila pero magkaiba ang ugali. Seryoso si Flame samantalang malandi si Fire, kagaya ni Blue. Teka nga, nasaan na ang lalaking iyon. "Sir, pagkain po ang sini-serve namin hindi babae." Magalang na sagot ng babae, naramdaman ko ang pagpigil ng tawa ni Comp sa tabi ko. "Ah ganon, sayang naman. Masarap ka--ouch!" Biglang hiyaw ni Fire ng sinapok ito ni Flame. "Miss, ang mga special recipe niyo ang order namin. At pagpa sensyahan muna ang kambal ko, may dalaw siya ngayon." Nanlaki pa ang mata ng babae habang paalis ito. Humagalpak na nga kami ng tawa ni Comp, namumula naman si Fire sa pagkapahiya niya. "Damn! Ang sama mo Flame!" Sigaw ni Fire, kaya sinapok ito ni Flame. "Tahimik na Fire, kanina pa ako namumuro sa bunganga mo." Malamig na saad ni Flame, nakabusangot na tumahimik si Fire, pero ilang sandali sumandal ito kay Flame. "Damn! Bakit ba ang landi ni Fire." Bulong ko kay Comp. Nilapit niya ang mukha niya sa akin at sumagot. "Ewan ko, tanungin mo." Sagot nito, napangiwi ako. "Ayaw ko nga." Sagot ko, napakibit balikat nalang si Comp. "Nga pala, samahan mo ako na bumili ng sapatos mamaya ha." Saad ko kaagad naman itong tumango. Ng humarap ako sa kambal nakatingin sila sa amin ni Comp. "Red, bibitinin ka patiwarik ni Blue. At Comp, may Lessanha kana." Sita sa kanya ni Flame, kaya sinipa ko nga ng malakas. Pero nagulat ako ng si Fire ang sumigaw. "Aray ko! Kanina niyo pa ako sinasaktan ha!" Sigaw nito at inirapan ako. Tiningnan ko ng masama si Flame na nakangisi. "Baliw." Saad ko, tsakto naman na dumating ang order namin. Tahimik kaming kumakain habang si Fire naman kinukuha pa ang pagkain ni Flame, na hinahayaan naman ng kambal niya. Hindi nagtagal tapos na kami, si Comp ang nagbayad, mayaman naman siya. Pumunta kami sa bilihan ng sapatos, at nako! "May sapatos ba kayo dito na maghahatid sa akin sa babaeng mamahalin ko!" Napa sapo ako sa noo ko, damn Fire! "Walanghiya ka! Nakakahiya ka Fire!" Bulyaw sa kanya ni Flame, tiningnan ko naman ang mga sales lady na kinikilig sa mga kasama ko. "Hayaan mo ako, hinahanap ko ang destiny ko eh." Sagot nito at humarap sa isang sales lady. "Mukhang ikaw iyon Miss." Kaagad naman namula ang babae dahil sa ginawa ni Fire. "Pumili kana, don't mind the twin." Saad sa akin ni Comp,  tumango ako at naghanap ng sapatos. Naupo naman sa sofa si Comp. May narinig akung singhap at tili ng mga babae pero hindi ko pinansin, busy ako sa kakapili ng sapatos ko. "At hindi mo manlang ako pinaalam na nakauwi kana pala Red." Kumabog ng malakas ang puso ko ng marinig ang boses na iyon. Mabilis kung inangat ang tingin ko, sumalubong sa akin ang mukha ni Blue,  baka tuxedo pa siya at may hawak na atachi case. "Blue!" Bulalas ko, ngumiti sa akin ng matamis at pinisil ang ilong ko. "The one and only baby." Nakangiting sagot nito, pakiramdam ko sasabog ang puso ko sa pagtibok. Ngiti palang niya ganito na ako, damn! Malala na ako. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD