NATALIA'S POV "What's funny po, mommy ko?" usisa agad ng chismoso kong anak kasama ang tatay niyang chismoso din. "Wala! Wala!" natatawa ko paring saad at mas lalong natawa ng makita ang kunot noong mukha ni Cadmus. Iyan ba ang bakla?! Jusko ang gwapo gwapo ng isang to! Ang lakas pang bumayo! Tapos bakla?! Jusmeyo talaga tong mga nagpapakalat ng chismis! "Then why are you laughing so hard, mommy ko?" kuryoso paring tanong ni Caius at nagpababa na sa pagkakakarga sa daddy niya. Sumiksik siya sa gitna ng hita ko at itinaas ang dalawang braso, senyales na gustong magpakarga. "Oh ayan! Kapag chismis nakukuha agad ang atensiyon mo, samantalang kanina ang daddy mo lang yung pinapansin mo!" asik ko at napanguso. "I'm sorry, mommy ko. I love you!" malambing niyang sambit at hinalikan an

