"What kind of questions?" malamig ang boses kong tanong. Sinubukan kong ikalma ang sarili at hindi magpakita ng takot. "Hm... you know, lots of personal questions." sagot niya at bahagya akong nilingon. "Kanino naman siya nagtatanong tungkol sa personal kong buhay dito?" kunot nuo kong tanong sa kaniya. "Nandito siya ngayon?" dagdag ko pa. Nilingon niya ako at tumango ng dalawang beses. Napalunok ang ng sunod sunod at mas lalong kumabog ang dibdib. Shit! Matatagalan pa ba si Cadmus? Gusto ko ng makaalis dito! "That bastard is still into you huh.. Magkausap sila ni daddy sa office ngayon." balewala niyang saad at tumayo na sa couch. Napatingala ako sa kaniya. "Make sure na hindi madadamay si Cadmus at ang family niya with your issues with that psycho man, Natalia." seryoso niya

