NATALIA'S POV "No, he's definitely not my baby Cad. Mukhang may sayad sa utak ang lalaking iyon." mahina kong wika at humugot ng malalim na hininga at napailing iling. "Magkamukha lang sila, magkaboses, pareho ang kulay ng mga mata, parehong gwapo, parehong moreno at matangkad, parehong—" "Mommy, are you okay po?" Napatigil ako at napalingon sa anak ko ng magsalita siya. May pag aalala sa mukha niya habang nakatingin sa akin. "Ahh hehe yes baby Caius. Mommy is fine." wika ko at napangiti ng hilaw. "You're talking po tapos walang uhm.. katalk." ani niya pa kaya mas lalo akong napangiwi dahil nahuli pa talaga ng anak ko ang kagagahang nagawa. Eh kasi naman ang lalaking iyon! Bigla biglang lalapit tapos bigla biglang aalis. Baliw! "Mom, I have a question po." ani niya. Dumating

