CADMUS' POV Dalawang buwan, isang linggo at tatlong araw mula ng umalis si Natalia sa buhay namin. Hindi ko masabing nasasanay na ako, dahil hindi iyon totoo. Walang araw ang dumaan na hindi ako nangulila sa kaniyang presensiya. Nakakabaliw ang pangungulilang iyon. Sobrang lapit ko na sa puntong lumuwas ng maynila at hanapin siya pero alam kong napakalawak ng lugar na iyon. Saan naman ako magsisimula? Hindi ko na alam ang gagawin ko para makita at muli siyang makasama. Mababaliw na ako kung magtatagal pa ito. f**k! Naisalba ko ang pangatlong taon ko sa kolehiyo. Sa susunod na pasukan ay fourth year na ako, hindi na masyadong busy ang schedule ko sa panghuling taon dahil OJT na lamang namin iyon at sa second semester ay research na lang ang subject. Muli akong napabuntong hininga at

