NATALIA'S POV Nanlaki ang mga mata ko at nagulat din sa sinabing iyon ni Cadmus. Jusko po! Parang tinambol ang aking dibdib sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Napatingin ako kay Cadmus na mukhang wala lang pakialam kung may makaalam man sa relasyon namin. Shit! Parang gusto ko siyang kurutin para magising! "H-Ha? A-Ano daw?" nauutal na saad ni Caleb, ang kaibigan niya na studyante ko din. Napalunok ako at magdedeny na sana pero muling nagsalita si Cadmus. "Tama ka ng narinig, pare. Girlfriend ko si ma'am. Pasensya na kung hindi ko agad sinabi, kailangan naming itago hangga't hindi pa ako nakaka graduate dahil ayaw naming kami ang maging laman ng chismis dito." mahaba niyang paliwanag sa kalmadong boses. Halos hindi ako makapagsalita at kinakabahan din sa magiging reaksiyon ni C

