"Baka gusto mong sabihin kung sino ang maswerteng babaeng yan Cadmus hijo?" nakangiting singit ni ma'am Vivi kaya wala sa sarili akong napatikhim. Shit! Nakita ko ang pagsulyap sa akin ni Cadmus kaya mabilis akong yumuko at hinablot ang soft drinks na hawak ni Angela. "Saka na po, ma'am. Baka mahiya bigla at di ako sagutin." napapakamot sa ulo niyang sambit kaya nagtawanan ang lahat. Pagkatapos ng meryenda ay muli kaming nagtampisaw sa dagat. Nag enjoy naman ako at halos sumakit ang tiyan kakatawa dahil sa mga kasama. "Pulang pula ang balat mo, Nat! Baka magka sunburn ka niyan." nag aalalang saad ni ma'am Alondra ng mapansin ang balat ko. "Sana naman hindi ma'am. Mahapdi iyon!" tugon ko at napanguso. "Kaya nga. Ang puti mo kasi masyado eh! Morena naman si aling Lorna baka n

